Are Kim Chiu and Xian Lim falling for each other?

Kim Chiu and Xian Lim, who both have Chinese blood, are co-stars in the ABS-CBN primetime series My Binondo Girl. But more than being co-workers, the two Kapamilya stars seem to be developing feelings for each other.


Simula nang mapanood ang tambalan nina Kim Chiu at Xian Lim sa My Binondo Girl ng ABS-CBN, marami na ang kinikilig at sumusubaybay sa team-up nila.

Pero sa likod nito ay ang usap-usapan na diumano’y may namumuo ngang higit pa sa kanilang tambalan onscreen.

Diumano’y tila nakahanap na ng bagong pag-ibig si Kim, pagkatapos ng relasyon nila noon ni Gerald Anderson, sa katauhan ni Xian.

Kasabay na rin ito ng pag-usbong ng tambalan nilang "Jandy" sa kanilang serye.

At si Xian naman, tinotooo na raw nito ang pagpaparamdam kay Kim.

FEELINGS FOR EACH OTHER. Sa panayam ng dalawa sa The Buzz noong Linggo, November 6, tinanong sina Kim at Xian kung ano nga ba ang nararamdaman nila sa isa’t isa.

Ayon kay Kim, "Hindi naman kami nag-uusap sa mga eksena namin.

"Kinakausap kami ni Direk, e, yun, nilalaro-laro lang namin.

"Tingin-tingin, tawa-tawa, smile-smile...

"Hindi namin alam na, ’Ay, marami na palang natutuwa.’ Ganoon."

Nako-conscious ba sila dahil sa mga biro ng ilan sa kanila?

Nagkatawanan ang dalawa bago sumagot.

Sabi ni Kim, "Hindi naman."

Ayon naman kay Xian, "Yung first, I would say na medyo naano ko, yung eksena na nagpasalamat siya, tapos bibigyan niya ako ng kiss sa cheeks, tapos bigla akong gumano’n.

"I’ll be honest, talagang pinapawisan ako.

"Hindi ko alam kung bakit."

Hirit naman ni Kim, "E, fresh naman ako!"

Dagdag ng palabirong dalaga, "Alam mo, kapag nahihiya siya, namumula ang tenga niya."

MISSING EACH OTHER. Nami-miss ba nila ang isa’t isa kapag walang taping?

Umamin naman si Xian sa bagay na ito.

Aniya, "I have to be honest, may mga times, of course.

"I’m used to seeing her. Parang, ’Kailan ba ako malilipat sa kabilang unit?’

"Siyempre, I’m only human. Hindi ko naman puwedeng i-deny na, siyempre, meron din mga times na...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, wala akong... Sino pa ba ang iba? Sina Matteo [Guidicelli], sina Jolo [Revilla]...

"Minsan, nasasabi ko, ’Nasaan kaya si Kim?’

"I’m just happy kapag magkasama kami."

TEDDY BEAR. May mga pangyayari rin na posibleng mapapunta na nga ng ibang direksiyon ang onscreen team-up nila.

May nakaalam nang bigyan daw ni Xian ng life-size teddy bear si Kim.

Paliwanag naman ni Xian dito, "I overheard her talking that she wanted a life-size teddy bear, kasi nga, mag-isa lang siya sa house.

"And at times, when she gets lonely, she wants nga yung teddy bear."

Bukod sa teddy bear, nagsulat din daw ng kanta si Xian para kay Kim na ang titulo ay "Ako’y Sa ’Yo Lamang."

Sabi ni Xian tungkol dito, "It’s more on appreciation towards Kim.

"It’s more on me showing respect. Me showing how much she’s worth everything."

THE POSSIBILITY. Diretsuhan tinanong sina Kim at Xian kung may chance kaya na maging sila.

Tila nahiya at natatawang sagot ni Kim, "Literal talaga habang nandito siya, nandito siya?" sabay turo nito kay Xian.

Biro naman ni Xian, "Kahit wala naman ako dito, hindi niya sasagutin... Puwede, huhulaan ko ang isasagot ni Kim?

"Kasi, okay naman kaming lahat dito, kasi okay naman kaming lahat."

Sa puntong yun, natatawang hinawakan ni Kim ang tainga ni Xian.

Ayon kay Kim, "Sobrang ano niya naman, sobrang nakakatawa siya. Uy, nakakatawa ka na, ha!

"Thoughtful, napakabait, hopeless romantic, at siyempre, konti na lang ang ganoon ngayon."

Sabi naman ni Xian, "Mahirap magsalita ng tapos, di ba?

"Yun lang, that’s all I can say."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN