Luis Manzano on Jennylyn Mercado’s involvement in Raymart Santiago-Claudine Barretto issue: "Saan nanggaling?"

Luis Manzano gives a very short reaction to the issue involving rumored girlfriend Jennylyn Mercado in the latest controversy about married couple Raymart Santiago and Claudine Barretto.


Si Luis Manzano ang napapabalitang boyfriend ngayon ni Jennylyn Mercado.

Kaya hindi nakakapagtaka at marami ang nagulat nang maugnay ang pangalan ni Jennylyn bilang diumano’y third party sa napapabalitang hiwalayan ng mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto.

Itinanggi na ni Jennylyn na may kaugnayan siya sa anumang nangyayari ngayon sa buhay nina Raymart at Claudine. (CLICK HERE to read related story.)

Siyempre pa, hindi rin maiiwasan na hingan ng kanyang opinyon si Luis sa pagkakasangkot ng pangalan ng rumored girlfriend sa naturang isyu.

Sa maikling panayam ng The Buzz kay Luis, ipinakita ng TV host-actor ang pagtataka na nasangkot ang pangalan ni Jennylyn sa isyu.

Ayon kay Luis, "Ang masasabi ko lang, ’Saan nanggaling?’

"It was a very casual question.

"Ayoko nang buhatin ang sarili kong bangko, na dahil hindi ako nag-react, gentleman ako. Hindi..."

Pero paano sinuportahan ni Luis si Jennylyn sa naturang isyu?

"Alam n’yo, she’s stronger than what you think," sagot nito.

Hindi rin naniniwala si Luis na magagawa ni Jennylyn ang katulad ng pagsasangkot sa pangalan nito sa naturang isyu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN