Ali Peek in stable condition after being shot in the neck last night

Talk ’N Text player Ali Peek (in photo) was shot on the left side of his neck last night, November 7, at a gym in Mandaluyong City. He’s now in stable condition, but is still under observation before he undergoes an operation.


Lumabas kagabi sa PEPALERTS ang balita tungkol sa pagkakabaril sa basketbolistang si Ali Peek.

Binaril ang player ng PBA Talk ’N Text team kagabi, Nobyembre 7, bandang alas siete ng gabi, sa labas ng RFM Gymnasium sa Mandaluyong.

Ayon sa balita ni Ginger Conejero sa Bandila kagabi, Nobyembre 7, binaril sa kaliwang leeg ang 36-year-old na basketbolista matapos nitong magwork out.

Nasa stable na kondisyon na siya, at sumailalim sa ilang medical tests.

Inirekuminda rin na siya’y mapa-CT Scan bago tuluyang operahan at tanggalin ang bala sa kanyang leeg.

ROBBERY? Ayon naman sa Chief of Police ng Mandaluyong na si Armando Bulalin, may ilang anggulo silang tinitignan sa insidente.

Isa dito’y anggulo ng pagnanakaw.

Ngunit may pag-a-alinlangan dito ang chief of police.

Ani Mandaluyong Chief of Police Bulalin: "Lahat naman ng angulo tinitignan natin.

"Pero from the looks of it, wala namang kinuha. Unang ano, binaril kagaad. Tumakbo na ’yong suspek."

Nakapagbigay na ng statement ang apat na saksi sa nangyaring pamamaril—isang janitor, security guard, at ang dalawang kasama ni Ali.

Agad namang nagtungo sa ospital ang ilang kasamahan ni Ali upang magpakita ng kanilang suporta.

Gayundin, nagbigay ng mensahe si Chot Reyes, coach ng kupunan ni Ali, sa pamamagitan ng kanyang Twitter account.

Hiling niya (published as it is): "The Talk N Text family asks d public to respect their privacy at this time. Further details will be released as they become available."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN