Ai-Ai delas Alas counts blessings as she celebrates 47th birthday

Ai-Ai delas Alas on her birthday wish: "Ah, wala na siguro... ano na lang, good health para sa akin kasi malaking bagay yun pag wala kang sakit, marami kang magagawa e. S’yempre hindi ka gagastos, makakatrabaho ka. Yun lang—palaging good health at saka good health para sa mga anak ko."


Sa Nobyembre 11 na ang kaarawan ni Ai-Ai delas Alas.

Sa kanyang ika-47th birthday, masasabing "palong-palo" na ang buhay at karera ng nag-iisang Comedy Concert Queen dahil sa tinatamasa niyang tagumpay.

Nang matanong kung may mahihiling pa siya ngayong kaarawan niya, mapagkumbaba niyang tugon:

"Ah, wala na siguro... ano na lang, good health para sa akin.

"Kasi malaking bagay yun pag wala kang sakit, marami kang magagawa...

"E, syempre hindi ka gagastos... makakatrabaho ka.

"Yun lang—palaging good health at saka good health para sa mga anak ko."

Noong Linggo naman, naglabas ang Paparazzi Showbiz Exposed ng kuwento tungkol sa pagsisimula ni Ai-Ai bilang komedyante.

Dito niya ibinahagi ang kanyang simpleng pangarap na nauwi sa ’di niya inaasahang tagumpay sa personal na buhay at sa umusbong na suwerte bilang artista.

TANGING INA. Aniya, "Iba ang nagawa sa akin ng Ang Tanging Ina, iba ang nagawa sa akin ng Star Cinema, at iba ang nagawa sa akin ng ABS-CBN.

"Kaya nagpursige ako, kasi sa Hollywood ang babaeng komedyante e nagbibida.

"Sa atin hindi, e.

"Nung araw, ang nagbibida lang sa atin, mga lalakeng comedian—si Tito Dolphy, si Bossing Vic Sotto, sina Michael V, pati na rin sina Joey de Leon at Rene Requiestas.

"Walang babae. So yun ang sinabi ko, ’Bakit sa America, sa Hollywood pwedeng magbida ang babae?’

"Kahit si Whoopi Goldberg, hindi naman sya maganda, ’di ba? Pero bida siya."

Kaya daw laking tuwa niya sa break na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN.

Ipinagkatiwala sa kanya ang seryeng Ang Tanging Ina, na naging blockbuster sa takilya at naghubog at tuluyang nagpalaki sa pangalang Ai-Ai delas Alas.

Mula noon ay naging sunod-sunod na ang kanyang proyekto mula sa telebisyon hanggang sa pelikula.

Maging sa concert scene ay talaga namang umariba rin ang pangalan ni Ai-Ai.

"Maraming factor kasi, e, para hindi ka ma-laocean deep, ’di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang "ma-laocean deep" ay swardspeak para sa "malaos."

"Mag-i-innovate ka... Hindi pwedeng gano’n na lang lagi gagawin mo. Ako, palagi ko iniiba-iba para hindi sila magsawa."

Ang sinasabi ni Ai-Ai ay tumutukoy sa atake niya sa komedya.

Sa kanyang obserbasyon, sa pagpapatawa hindi dapat paulit-ulit para may inaabangan ang tao sa kanya everytime na magpe-perform siya.

Kaya naman hindi na nakakapagtaka nang tanghalin siya bilang Comedy-Concert Queen, Box-Office Queen, at higit sa lahat, bilang Best Actress.

Pag-amin ni Ai-Ai, "Masaya ako kasi kahit komedyante ako, nakikita nila na, ’Ah, marunong naman pala umarte,’ ganyan...

"Nakakatuwa naman kasi naa-appreciate nila."

ROAD TO SUCCESS. Sa puntong ito, naging emosyonal si Ai-Ai. Natanong kasi ng Paparazzi ang kanyang naging daan sa tagumpay.

Ikinuwento niyang simple lang talaga ang naging pangarap niya noon—ang makatulong lamang sa kanyang pamilya.

Lahad niya, "Alam mo, inasam ko lang talaga, kasi nag-pray ako sa Baclaran, na magkaroon ako ng work para matulungan ko ang pamilya ko.

"Lalong lalo na yung nanay ko, kasi ate ko ang nagpalaki sa akin, e.

"Gusto ko, matulungan ko siya, kasi pinaaaral din niya mga kapatid ko, pinag-aaral niya mga pinsan ko, so gusto ko makatulong sa kanya.

"Yun ang lagi kong dasal kay Mama Mary palagi: ’Sana po magkaroon ako ng work.’"

Hindi naman daw sa pinangarap niyang maging sikat at kilala, pero inasam din daw niyang sanay’y makapasok at makilala kahit papaano sa showbiz.

Dugtong pa niya, "Pero pag destiny mo talaga maging artista, destiny mo mag-venture sa business, kahit anong mangyari, ganoon talaga.

"Mapupunta at mapupunta ka talaga dun."

Nagkaroon man siya ng lovelife, nakapag-asawa, at nagkahiwalay, ito daw ang lalong nakapagpatibay kay Ai-Ai.

At ang isa pang hinahangaan ng publiko sa kanya ay ang pagiging responsible single parent niya sa kanyang mga anak.

Paliwanag niya, "Ang gusto ko nga lang e magta-trabaho ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang isa pang gusto ko, mag-asawa ako, magka-family, mag-alaga ng pamilya, mag-alaga ng asawa.

"Hindi yun ang nangyari, e. Inaalagaan ko ang pamilya ko dahil ako ang breadwinner, e.

"Hindi nga lang kami kumpleto as family, pero nagampanan ko naman siguro kahit mag-isa lang ako.

"Yung mga anak ko napalaki ko ng maayos."

THANK YOUS TO PEOPLE WHO HELPED. Sa ngayon, sobra-sobra ang pasasalamat ni Ai-Ai sa mga taong nagtiwala at tumulong sa kanya—mga taong hindi nang-iwan sa kanya mula noon hanggang ngayon.

Inisa-isa niya ito at nagbigay-pugay sa kanila.

"Thank you, thank you talaga, kasi binigyan nila ako ng break.

"Si Direk Wenn, si Amang Boy Abunda palaging nandiyan for me."

Si Wenn Deramas ang naging direktor ni Ai-Ai sa blockbuster Tanging Ina series. Si Boy Abundo naman ay ang kaniyang talent manager.

Pagpapatuloy niya, "Maraming tao at maraming factor.

"Yung mga taong tumutulong sa akin... pamilya ko na palaging nandiyan... mga anak ko na palaging sumusuporta sa akin...

"Marami... marami talagang factors kung bakit ako tumibay ng ganito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN