Sheena Halili explains presence in Rocco Nacino’s events; insists there’s no rift between her and Rochelle Pangilinan

Sheena Halili on Rocco Nacino: "Basta lumalabas kami, kinikilala namin ang isa’t isa, tsaka parehas kasi kaming nagpo-focus sa trabaho namin. Ayaw naming madaliin lahat-lahat. Tsaka dalawang beses lang naman akong nakita sa event [ni Rocco]—impluwensiya na talaga siya sa buhay ko? Ganun na ba ’yon?"


Si Sheena Halili ang sumalang sa "Don’t Lie To Me" segment ng Showbiz Central noong Linggo, November 6.

ALJUR ABRENICA. Ang unang itinanong kay Sheena ni John "Sweet" Lapus, ang host ng naturang segment, ay kung totoong kinilig si Sheena nang napasama sa epic-seryeng Amaya si Aljur Abrenica.

"No" ang sagot ni Sheena sa tanong.

"Truth" ang naging resulta nito sa truth-verifier machine.

Ayon sa young actress, "Wala din namang masama kung hahangaan natin si Aljur.

"Aljur Abrenica ’yan, di ba, si Machete?

"Wala namang masama kung humanga ka, ang guwapo-guwapo niya, lalaking-lalaki ang hitsura niya.

"Pero hindi naman siguro yung kinikilig ka na talagang... di ba?

"Okay lang namang humanga, wala namang masama dun."

ROCCO NACINO. Ang pangalawang tanong kay Sheena ay kung malaki na ba ang impluwensiya ni Rocco Nacino sa buhay niya.

Balita kasing espesyal na ang ugnayan ng dalawa at laging present si Sheena sa engagements or events ni Rocco.

"No" muli ang sagot ni Sheena.

Pero "Lie" ang naging resulta nito sa lie-detector machine.

Iniimbitahan ba siya ni Rocco sa events nito?

Sabi ni Sheena, "Oo, naimbitahan ako dun sa Fashion Week niya. Yung sa Bench niya, naimbitahan ako.

"Actually kasi, meron din naman talaga rin akong event dun sa World Trade.

"After nun, wala na rin naman [akong gagawin], so in-invite niya ako.

"So, wala rin naman sigurong masama na magbigay ng suporta sa isang kaibigan.

Nakita rin si Sheena sa unang boxing match ni Rocco bilang isang amateur boxer.

Nanalo sa labang ito ang Kapuso young actor.

Paliwanag ni Sheena: "Sa boxing [gym] na yun, dun kasi ako nagba-boxing.

"So, alam ko naman na may laban, at gusto ko ring ma-experience na manood nun, di ba?"

Tuloy pa ba ang panliligaw sa kanya ni Rocco o sinagot na ba niya ito?

"Walang ganun," sagot ni Sheena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta lumalabas kami, kinikilala namin ang isa’t isa, tsaka parehas kasi kaming nagpo-focus sa trabaho namin.

"Ayaw naming madaliin lahat-lahat.

"Tsaka dalawang beses lang naman akong nakita sa event—impluwensiya na talaga siya sa buhay ko? Ganun na ba ’yon?"

ROCHELLE PANGILINAN. Ang pangatlong tanong kay Sheena ay kung totoo ba na nagde-deadmahan sila ng Amaya co-star niyang si Rochelle Pangilinan.

"No" ang sagot ni Sheena.

At "Lie" na naman ang naging resulta ng sagot niya.

Pero giit ng young actress, wala talaga silang samaan ng loob ni Rochelle.

"Wala talaga! Nagulat din ako sa tsismis na ’yan.

"Ako naman, sinagot ko na ’yan kung... may nasabi nga daw ako na hindi nagustuhan."

Na taklesa raw siya?

"Ayun na nga siguro," pagsang-ayon ni Sheena.

Sabi pa niya, "Mabuti pa tanungin ninyo rin ang mga kasama ko sa Amaya.

"Sila siguro din ang magpapatunay na lagi lang akong nasa tent. Si Marian [Rivera] nakakasama ko sa eksena.

"Nagpapansinan naman kami ni Rochelle.

"Nagkakasama kami sa regional [shows], nagkukuwentuhan naman kami.

"Ayun, so okay kami."

Inaamin niyang medyo matagal na raw silang hindi nagkikita ni Rochelle.

"Medyo matagal-tagal na nga. Kasi medyo yung story namin, nalayo kami ni Amaya, di ba, sa puod [lugar] nila. So, iyon."

Totoo bang may nasabi si Sheena tungkol sa boyfriend ni Rochelle, ang castaway ng bagong season ng Survivor Philippines na si Arthur Solinap?

"Actually, eto ha, magiging honest ako, wala akong matandaan.

"So hindi ko alam kung meron o wala.

"Kasi ako naman, may karapatan... ako ha, para sa akin, may karapatan naman siguro akong magbiro bilang kaibigan.

"Dahil naging kasama ko din naman siya [Arthur] nang matagal sa Marimar.

"So, yung closeness, siyempre nandun pa rin bilang kaibigan.

"Pero kung na-offend ko siya dun, I’m sorry, I’m sorry.

"Sorry, kasi hindi ko alam na magiging masama pala ang tingin doon ni Rochelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na siyempre, yun nga, alam naman natin na sila ngayon, di ba?"

May mensahe ba siya kay Rochelle?

"Ayun, wala naman, deadma na deadma lang ito," sabi ni Sheena.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN