Erich Gonzales meets with future leading man Mario Maurer over dinner; reveals the Thai heartthrob has a girlfriend

Erich Gonzales (main photo) on Mario Maurer’s (inset) chance if he decides to court her: "Chance? Naku po, noong nagsu-shoot ako ng commercial sa Bangkok, yung mga friends niya, nakilala ko na rin dahil nakatrabaho ko na rin. Meron siyang close friend do’n na close sa girlfriend niya, kaya alam ko na may girlfriend siya. So, wala, imposible."


Sa April 2012 nakatakdang simulan ang pelikulang pagtatambalan ng Kapamilya young actress na si Erich Gonzales at ng Thai heartthrob na si Mario Maurer.

Pero ngayon pa lang, nagiging usap-usapan na ito dahil na rin sa pagdating sa bansa ni Mario upang lumabas sa Philippine Fashion Week para sa Penshoppe at upang pumirma ng kontrata sa Star Cinema.

Last week ay nagkita at nagkasama na sina Erich at Mario. Nagkaroon daw ng pagkakataon na magkakilanlan ang dalawa over dinner.

Ikinuwento ni Erich ang pagkikita nilang iyon ni Mario sa live interview sa kanya ni Charlene Gonzalez-Muhlach sa The Buzz noong Linggo, November 6.

Sabi ng young actress, "Yes, na-meet ko po siya over dinner.

"Kasama ko sina Direk Rory [Quintos] and, ayun po, napag-usapan na rin namin ang story ng pelikula.

"Masaya. Nagkuwento po siya na mahilig siya sa skateboarding at gusto rin niya ang hip-hop, kagaya ko.

"Tapos sabi niya rin, gusto niyang mapanood ang movie naming I Do—yun, gusto raw niyang makita."

Ang I Do ay pelikula nina Erich Gonzales at Enchong Dee na ipinalabas noong isang taon.

MEETING MARIO. Ano naman ang first impression ng 21-year-old actress kay Mario?

"He’s a nice guy po," sagot niya.

What are the two things she likes about Mario?

"Napaka-charming niya and he’s cute."

Kinilig ba siya kay Mario?

"Lahat naman po kinikilig. Di ba, kayo rin?" tugon ni Erich.

In a scale of 1 to 10, kung saan 10 ang pinakamataas na level ng kilig—ano ang level ng kilig ni Erich kay Mario?

"Basta po, Ate Charlene, as in sobrang na-excite po ako na masimulan na yung movie namin," sabi niya.

"Anong scale?" giit ni Charlene.

"Ten!" bulalas ni Erich.

Dagdag pa ng dalaga, "Sabi nilang lahat, ten, so sali na rin ako, ten po."

MARIO’S LEADING LADY. Ang title ng magiging movie nina Erich at Mario ay Suddenly It’s Magic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May idea ba si Erich kung bakit siya ang napili na maging leading lady ni Mario?

Aniya, "Basta po, last July pa lang, sinabi po sa akin na gagawa ako ng movie with Mario.

"At that time, marami pa pong dapat pag-usapan.

"Kailangan pa nilang pumunta sa Bangkok para makausap si Mario at saka yung management niya tungkol sa project.

"And then, yun po, nag-announce na po."

MARIO HAS A GIRLFRIEND. Kuwento ni Charlene, hindi raw niya makakalimutan sa interview niya kay Mario nang sabihin nitong may posibilidad na ma-in love siya sa isang Filipina dahil he find Filipina women beautiful.

Kaya ang tanong, kung manligaw ba ang Thai-German heartthrob kay Erich, may chance ba ito?

"Chance? Naku po, ’eto, Ate Charlene ha, noong nagsu-shoot ako ng commercial sa Bangkok, yung mga friends niya, nakilala ko na rin dahil nakatrabaho ko na rin.

"Meron siyang close friend do’n na close sa girlfriend niya, kaya alam ko na may girlfriend siya.

"So, wala, imposible," saad ni Erich.

Sabi naman ni Charlene, "You’ll never know because love is like a thief in the night. "

Ayon pa kay Charlene, sinabi raw ni Mario na, "Love is like an air, you don’t see it but you need it."

Para naman kay Erich, ano ang love?

"For me, true love is infinite and unconditional," sagot niya.

Hindi pa ba niya nahahanap ito?

"Alam ko, nandiyan lang siya!" natatawang sagot ni Erich.

Pero hindi pa siya ready na ma-in love?

"Ready na po akong ma-in love," sagot naman niya.

SEPARATE WAYS. Bago ang live interview ni Charlene kay Erich, may VTR message para sa young actress ang ka-loveteam nitong si Enchong Dee.

Binigyan ng emphasis ni Charlene ang isa sa sinabi ni Enchong sa VTR na "we’re ready to go on our separate ways."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ready na nga ba si Erich sa paghihiwalay nila ng landas ni Enchong bilang magkatambal?

"Talaga?" tila nagulat na reaksiyon ni Erich.

"Well, for me po, yung sinasabi nilang partner, or mapa-partner ako sa iba, I mean, this is not naman the first time na na-partner ako sa iba.

"And yung mga supporters namin, sobrang blessed kami, kasi suportado naman po nila ang individual projects namin.

"Kung sa kanya ganun, okay lang."

Ayon kay Charlene, parang may kurot o selos sa pagkakasabi na yun ni Enchong.

Personally ba ay nararamdaman ni Erich na nagseselos si Enchong?

"Wala... ang sabi, nati-threaten ba?

"Hindi po namin napag-uusapan yun, but I don’t think he’s threatened.

"Oo, confident yun," sabi ni Erich.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN