Daiana Menezes recalls fire that razed her condo; reveals relationship with director GB Sampedro is "over"

Daiana Menezes on Direk GB Sampedro’s absence when fire razed her condo unit: "Let’s not blame GB, kasi hindi namin alam kung anong rason niya, kung ano reason, or kung nandun siya talaga or whatever.

"Sa akin naman, sa pagiging tao mo, pag nakita mo ang isang aso na nasusunog, or isang bagay or isang object in front of you na it’s burning... ako ha, that’s my ugali, I would get a balde and then I wi


Live na nag-guest ang Brazilian TV host-actress na si Daiana Menezes sa Showbiz Central noong Linggo, November 6, para isalaysay ang sunog na nangyari sa kanyang Quezon City condominium unit.

Naganap ang sunog noong Sabado, November 5.

Alas-kuwatro ng umaga nang magising si Daiana at natuklasang nagliliyab na ang condo unit niya.

Nagsimula ang apoy sa isang scented candle na naiwanang nakasindi habang tulog si Daiana.

Agad na kumalat ang apoy hanggang sa inabot na ang kanyang appliances, na ipinundar niya sa halos anim na taon niyang career dito sa Pilipinas.

Nang magising si Daiana, agad nitong nakita na umabot na ang apoy sa kanyang sariling kama at halos masunog na ang kanyang suot na pantulog.

SECOND CHANCE. Kinumusta muna ng Showbiz Central host na si Pia Guanio ang kalagayan ni Daiana ngayon.

Saad ni Daiana, "Okay lang, it’s time to, you know kasi... that God gave me a second chance, so parang...

"I’m very thankful kasi nga kung nakikita ninyo sa mga pictures, parang the side that I was asleep is actually... my unan.

"I was holding that unan, yung red na ’yan, and ako lang ang hindi nasunog.

"Yung ibang bagay, lahat naman talaga, nasira."

Ipinakita during Daiana’s live interview ang mga larawan kung saan kitang-kita na sunog ang kanyang kama at ang kanyang pulang unan.

Pati raw si Daiana mismo ay nasaktan sa sunog.

"Yes, actually, parang for me... ang dami kasing nangyari, lately ang dami kasing nangyari sa buhay ko.

"But for me, I will not take it as... I’ll just take it as a challenge or as a second chance that God gave me, na parang, ’Look, life is worth fighting for!’

"Kasi nga, pinaghirapan ko ’yan, e. I really worked hard to buy that condo unit and everything.

"But maybe it’s a sign na it’s time for me to move from this place and go somewhere else, kasi nga maybe it’s not really meant for me to stay there."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE FIRE. Paano niya natuklasan na nasusunog na pala ang condo niya?

"I was really asleep kasi I came from a TV commercial shoot, and after that, I had to sing in a casino and everything.

"So, I got home around 2 a.m. and then I went to sleep.

"I... you know, there’s a scented candle, so, siyempre, pinatay ko yung candle.

"Kasi, alam ko, of course, we know we shouldn’t sleep with a candle on.

"Pinatay ko naman yung candle, pero flammable naman yung nakikita ninyo na parang painting ko, that’s a flammable material.

"This one [painting] fell on my bed.

"And it’s a blessing that only where I was positioned in my bed—that’s the only place talaga na hindi nasunog.

"Pero yung katawan ko, nag-start sa... tinamaan pa rin ako," sabay pakita ni Daiana ng kanyang kanang braso na may mga bakas ng páso.

Patuloy niya, "Pero the sprinkler, the water came, and then when I woke up, everything was like, parang...kumbaga Ondoy.

"So, hindi lang apoy, e, there was water as well.

"So, lahat ng nakasaksak, yung mga appliances ko and everything, nawala na din."

May naisalba ba si Daiana mula sa sunog?

"Actually, my closet, kasi medyo malayo siya kung saan nagsimula ang apoy.

"It’s just the water talaga na medyo naka-damage to some of my stuff.

"Pero, I’m very thankful na parang... My insurance, I got insured just two months ago, without knowing that this would happen.

"Of course, we never expect that something will happen to us.

"And then, napakagaling nila, na-inspect nila lahat.

"And even if it could be my fault because of a candle, they will actually take care of everything.

"They’ll answer to everything, for the damages.

"So, I’m thankful naman na, you know, that I was able to save my life from this."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi na raw babalik si Daiana sa nasunog na condo niya.

"No, I will definitely not gonna be back there, no more na.

"I’ll just take care of everything.

"Sayang lang kasi that was my first achievement in life, pero I’m renting another place already.

"So, sana I will be able to sell it, and then everything will be recovered to me in Jesus’ time."

Kung naiba raw siya ng puwesto sa kama, nasunog din si Daiana...

"I’m sure, I’m sure, but I think God knows best. So I will not take it naman na parang something na, you know, basta makapag-move on na ako."

Ano ang una niyang ginawa?

"Siyempre, nagulat ako nung nagising ako.

"Parang may fire sa arms ko, so I was like, ’Oh, my God! My hand!’

"Tapos, ang daming tubig. So, siyempre, alam mo yung nataranta ka siyempre—that’s your first reaction.

"I’ve never been burned in my life.

"I mean, it’s not a normal thing to happen.

"So, there was this alarm, really loud, that’s why I was able to wake up.

"When I looked down, ang daming tubig, so everything was burned except my passport.

"And all the things were, like, wet!

"And then pumunta din sa baba, which is the first floor.

"Kasi the sunog started on the second floor.

"And then the guards from my condo went up to help me out.

"And then I called my P.A. [personal assistant] because I live all by myself."

WHERE WAS DIREK GB? Wala siyang ibang tinawagan?

Paliwanag ni Daiana, "Kasi nataranta ako, kasi parang, kumbaga, I just... I love myself, you know, ang buhay ko, as much as I can.

"So, wala naman akong naisipang tawagan kahit sino and ayoko namang maistorbo yung ibang tao."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang boyfriend ni Daiana na si Direk GB Sampedro ay nakatira sa parehong condo building.

"Yes, he lives two floors away from my condo. Pero sa totoo lang, hindi ko..."

Humingi ba siya ng tulong dito?

"No."

Bakit?

"Kasi hindi ko... first of all, siyempre, like I’ve said, nataranta ako.

"So, I was really scared of everything that was happening.

"Wala sa isip ko na tatawagan ko si GB or anything.

"I’m sure naman he’s a gentleman, if he knew about it, he would go up.

"Hindi ko alam kung nandun siya, kasi I arrived really late from work."

MISSING IN ACTION. Inamin ni Daiana na inasahan niyang pupuntahan siya ni Direk GB.

Pero hindi ito dumating.

Aniya, "And then, of course, siyempre, in-expect mo naman na pupunta yung tao doon.

"Dahil pati na yung ibang neighbors na hindi close sa iyo, tinutulungan nila ako, so parang...

"Yeah, it’s kinda disappointing, but it’s okay.

"Maybe natulog siya, maybe wala naman siya doon.

"Pero ang sinabi ng guard, ’Tinawagan namin si Sir, e.’ Pero wala.

"Pero, for me, it’s okay, that’s not naman an issue."

So, kung tinawagan ng mga guards, ibig sabihin, nandun si GB sa building?

"I don’t know, that’s what... kasi I’m not stalking naman him, so I don’t know if he’s there."

Tinawagan na ba siya ni GB para kumustahin ang lagay niya?

"Ay, wala! No, no he hasn’t."

THE REAL SCORE. Dahil sa mga pahayag ni Daiana, tinanong siya ni Pia kung may problema ba ang relasyon nila ni Direk GB?

Ang alam kasi ng publiko ay engaged na ang dalawa at malapit nang magpakasal.

"Huwag mo akong paiyakin, Pia!" sambit ni Daiana.

Pagkatapos nito ay ibinuhos na ng Brazilian beauty ang kanyang saloobin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okay... kasi ako, e... parang for me, that’s a sign na parang kung sino ang dapat importante sa buhay mo na...

"Ang mga friends ko, I want to thank them na pumunta sila kaagad doon."

Huminto si Daina sa pagsasalita dahil napapaiyak na naman ito.

Pagpapatuloy niya nang mahismasmasan na siya: "So, for me, parang I don’t want to blame GB for anything kasi he is such a gentleman.

"And ang samahan namin for six months was very amazing and he has never showed anything bad.

"So, siguro kung hindi niya ako tinulungan, okay lang yun sa akin.

"Kasi nga, baka tulog naman talaga siya, or maybe wala talaga siya doon sa condo.

"I really don’t know...I honestly can’t speak for that.

"And I can’t say anything about the relationship, kasi I dunno kung saan ko mapupuwesto ang sarili ko, so iyon."

Hindi ba’t engaged na sila?

"Yes, we were, we were. No more na," pagtatapat ni Daiana.

NOT BLAMING DIREK GB. Sa Twitter account ng Showbiz Central ay may viewer na nag-comment na "Grabe namang fiancé ni Daiana ’yan, kalalaking tao hindi maasahan sa emergency! Palitan na ’yan!"

Ano ang reaksiyon dito ni Daiana?

Aniya: "Let’s not blame GB kasi hindi namin alam kung anong rason niya, kung ano reason, or kung nandun siya talaga, or whatever.

"Sa akin naman, sa pagiging tao mo, pag nakita mo ang isang aso na nasusunog, or isang bagay or isang object in front of you na it’s burning... ako ha, that’s my ugali, I would get a balde and then I will throw tubig and I will try to help.

"Kung nabalitaan niya na andun ako or hindi, for whatever reason, for whatever galit, or whatever tampo na meron kami from the relationship—siyempre, maybe the comments are kinda the same as what I thought.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero I don’t want to blame him for anything, honestly."

May gusto ba siyang sabihin kay GB?

"Wala! No comments talaga for me, no comments na.

"Kasi nga, ayokong magpalaki ng isyu kasi wala, e. Wala, nawala. So, wala na."

May bad feelings ba siya kay GB?

"Wala, kasi parang he showed me who he is after this incident.

"And maybe it’s God advice to me na, ’Tama ka naman, hija, na nakipag-break ka sa kanya.’ Kumbaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN