Meg Imperial admits getting starstruck by Lorna Tolentino and Alice Dixson

Meg Imperial (in photo) on what it feels like to be working with Lorna Tolentino and Alice Dixson: "Isang malaking karangalan po sa akin na makatrabaho ko sila, lalo na si Ms. Lorna at Ms. Alice na alam naman natin na magaling na artista at talaga namang glamorosa."

"Napakasuwerte ko talaga kaya nung una, kinabahan talaga ako. Hindi kasi lahat may pagkakataong makatrabaho sila."


Isang malaking karangalan daw para kay Meg Imperial na makatrabaho ang mga batikang artistang sina Lorna Tolentino at Alice Dixson.

Si Meg ay isa sa mga pinakamagandang batang artista ngayon.

Kabilang siya sa regular cast ng Glamorosa—ang pinakabagong teleserye ng TV5 na pinagbibidahan nina Lorna at Alice.

Kasama rin dito sina Zoren Legaspi, Ritz Azul, Gloria Diaz, Tonton Gutierrez, Celeste Legaspi, Lotlot de Leon, at marami pang iba.

Aminado si Meg na-starstruck siya nang malamang makakasama niya sa serye sina Lorna at Alice.

Ito ang kuwento ni Meg sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mismong presscon ng Glamorosa na naganap sa Meralco Lighthouse, (14th Floor, Meralco Building, Ortigas, Pasig City.

"Sobrang nagulat at na-excite po ako noong malaman kong makakasama ako sa Glamorosa at makakasama ko sina Lorna Tolentino, Alice Dixson at iba pang de kaledad na artista sa bansa," panimula niya.

"Isang malaking karangalan po sa akin na makatrabaho ko sila, lalo na si Ms. Lorna at Ms. Alice na alam naman natin na magaling na artista at talaga namang glamorosa.

"Napakasuwerte ko talaga, kaya nung una, kinabahan talaga ako. Hindi kasi lahat may pagkakataong makatrabaho sila.

"Pati kay Direk Zoren [Legaspi], very thankful ako kasi sinusubukan niya ako kung hanggang saan ang kakayahan ko sa pag arte.

"Natutuwa po ako kasi nasabihan niya ako na nagustuhan niya yung ginawa kong pag arte.

"Hindi yung usual na nara-rattle pag may ka-eksenang katulad nila na mga matagal na sa industriya."

Malaki ang pasasalamat ng dalaga sa mga payong ibinibigay sa kanya ng kanyang mga nakatatandang kasama.

"Opo! Si Direk Zoren, tinanong niya po sa akin kung ilang years na ako sa showbiz, then sinagot ko naman po.

"Tapos, sabi niya kung gusto mo talagang ma-typecast na kontrabida o gusto mo ring maging bida.

"Sabi niya, dapat daw daanin sa emosyon, like kung mataray yung role dapat mabigyan ko ng justice yung pagiging mataray.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At kung mabait naman dapat makita at maramdaman ng mga manonood na mabait ka talaga," dagdag niya.

Buong pagmamalaking dinetalye ni Meg ang kanyang papel sa Glamorosa.

"Ako dito ang mang-aapi kay Ritz Azul, bale kontrabida po ako dito.

"Pro hindi naman siya yung sobra-sobrang kontrabida. Meron din siyang bait na itinatago," banggit ng dalaga.

Ayon kay Meg, isang magandang pagsubok ang pagiging kontrabida.

At ang kanyang pagkabihasa raw rito ay maaaring maging daan para sa kanyang pagiging bida bilang araw.

"Hindi naman sa gusto, siyempre gusto ko ring mag-bida katulad ng ibang young stars ng TV 5.

"Sa akin kasi, kung anong project ang ibigay sa akin ng TV5, tatanggapin ko.

"Kasi sayang naman kung tatanggi ka sa blessings, ’di ba?

"Alam ko naman na inaalagaan ako ng TV5, at malay natin sa susunod ako naman ang bida at iba naman ang magko-kontrabida sa akin," pabiro niyang banggit.

May pinag-aagawan ba silang lalaki dito ni Ritz?

Aniya, "So far, wala pa po kasi nakaka third week pa lang kami.

"Pero alam ko meron, pero di ko po alam kung kailan yun mangyayari.

"Base kasi sa storycon namin, meron kaming pag-aagawang lalaki."

Dahil abala siya sa taping, aminado si Meg na ipinagpaliban na muna niya ang tawag ng kanyang puso.

Sabi ni Meg: "Ayaw ko munang ma-in love.

"Siguro crush-crush muna... pero about love, hindi muna...

"Tsaka na lang, career muna."

Wala bang nagpaparamdam ba kanyang mga gustong manligaw?

"Marami, pero dedma muna talaga.

"Career muna kasi ang focus ko, kaya if they’re willing to wait, hintay na lang sila kapag nagkaroon na ako ng oras para sa lovelife. Hahaha!" pabirong pahayag ni Meg.

Posible kayang may nagsisilbing inspirasyon kay Meg ngayon?

"Inspirasyon? Hmmm... ang family ko.

"Ang TV5 kasi binibigyan nila ako ng magagandang trabaho," dagdag ni Meg.

Natawa na lang ang dalaga nang biriun siya ng ilang reporter na mukha siyang "blooming" ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hahaha! Ganoon ba? Sige, siguro yung nagpapasaya sa akin yung ka-loveteam ko sa Bagets— si Aki Torio.

"Kasi siya yung madalas kong kausap at kasama sa taping at mga outside shows," masaya niyang sambit.

Hindi ba nanliligaw si Aki sa kanya?

"Naku, wala pong ganun. Magka-loveteam lang kami, trabaho po muna, ’tsaka na ang lovelife.

"Best friend lang kami, wala munang ganun.

"Pareho naman po kasi kaming trabaho ang inaatupag, kasi pareho kaming may dream na mas makilala bilang artista.

"Siguro mas okey muna ngayon na loveteam kami on screen, para mas mapagtuunan namin ng atensiyon yung trabaho namin," diin ni Meg.

Sa pagpili ba ng mamahalin ay mas mahalaga sa kanya ang panlabas na kaanyuhan?

"Siyempre po, kasi plus factor rin sa ’yo yun, na everytime na may makakakita sa ’yo na kasama mo siya, sasabihin nila: ’Ang guwapo naman ng boyfriend niya.’

"Pero kailangan mabait siya at tanggap siya ng pamilya ko, dahil kung hindi, di bale na lang.

"Pero okey din kung ’di kaguwapuhan yung magiging boyfriend ko, as long as nadevelop na ako sa kanya, kasi mabait siya at gusto siya ng pamilya ko.

"Yun kasi yung mga qualities na hinahanap ko sa isang lalaki—yung mabait at gusto ng pamilya ko.

"Pero mas okey sana kung guwapo na mabait at gusto ng family ko. Hahaha!

"Pero sa trabaho po natin, napakahalaga po niyan, sa showbiz kailangan package ka na, e.

"Magaling kang umarte, tapos maganda ka rin.

"So dapat, lagi kang beauty," natatawa niyang hirit.

Makikitang kampante si Meg sa mga kapwa niya "kapatid" sa TV5.

Sino nga ba ang mga madalas niyang makapareha o maka-bonding ngayon?

"Sa TV 5, gusto ko si Aki kasi siya yung ka-loveteam ko.

"Gusto ko rin si JC De Vera kasi magaling din siyang umarte.

"Pero sa akin naman, kung sino ang ibigay nila sa aking ka-partner at katrabaho okey lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi mahirap yung namimili ng katrabaho.

"Basta ang mahalaga yung may trabaho kang ibinibigay ng TV network," pagtatapos ni Meg.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN