Luis Manzano defends Jennylyn Mercado on rumors linking her this time to Paolo Contis; says someone is out to ruin Jennylyn

Luis Manzano on negative issues about rumored girlfriend Jennylyn Mercado: "Ang sa akin, it’s pretty obvious that someone likes to ruin her, to get her name sa mga nali-link sa kanya. I’m not sure kung ano ang intensiyon, but unfortunately, may mga tao kasi talagang walang magawa."


Kamakailan lang ay itinuro si Jennylyn Mercado bilang third party sa napabalitang hiwalayan ng mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto.

Malinaw naman sa mga sumunod na pangyayari na walang kinalaman si Jennlyn sa personal na away at sa nawawalang P5million sa pagitan nina Raymart at Claudine.

Ang tanging koneksyon na nakita kina Raymart at Jennylyn ay ang pagsama nila sa cast ng early primetime soap ng GMA-7 na Futbolilits.

At sa huli, sa pamamagitan ng isang statement ay pinabulaanan nina Raymart at Claudine na hiwalay na sila. (CLICK HERE to read related story.)

Ngayon naman ay iniuugnay si Jennylyn Mercado sa problemang kinasusuungan daw ng mag-live-in partners na sina Paolo Contis at Lian Paz.

Lumabas sa mga balita na galit na galit daw si Lian kay Jennylyn dahil may "something special" na namamagitan sa aktres at kay Paolo.

Magkasama rin sina Jennylyn at Paolo sa nagtapos nang Futbolilits.

Pinalalabas sa mga report na ito na isang "homewrecker" si Jennylyn.

LUIS DEFENDS JENNYLYN. Noong Linggo, November 6, ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang rumored boyfriend ni Jennylyn na si Luis Manzano sa ASAP Rocks.

Tinanong namin siya kung ano ang reaksiyon niya sa mga lumalabas na balita tungkol kay Jennylyn.

Aniya, "Nabasa ko yun, actually.

"I’m not sure kung sino ang may pakana, but obviously someone wants to bring her down.

"Alam ko kung papaano sila, dahil kahit ako, pumunta ako sa set ng Futbolilits.

"Dumalaw ako dun at kasama ko sa table sila Paolo.

"Kung sinasabi nga nila ’something-something,’ bakit pa ako papupuntahin ni Jen?

"Common sense naman.

"Dumalaw ako sa Futbolilits, iisang table kami—ako, si Paolo, si Jen."

Dagdag pa ni Luis tungkol sa mga nagkakalat umano ng mga kuwento tungkol kay Jennylyn: "Ganun naman talaga.

"Sabi ko nga, yung mga ganung tao, hindi na magbabago yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hayaan na natin yun.

"Ang sa akin, it’s pretty obvious that someone likes to ruin her, to get her name sa mga nali-link sa kanya.

"I’m not sure kung ano ang intensiyon.

"But, unfortunately, may mga tao kasi talagang walang magawa."

TRANSPARENCY. Nakausap na ba niya si Jennylyn at naklaro nito ang mga isyung ikinakabit dito?

"Yung kay Raymart, tinanong ko lang kung saan nanggaling yun, and kahit siya, hindi niya alam.

"I think she spoke on [Showbiz] Central, nakapag-usap pa sila kung saan nanggaling ito.

"Sinabi ko sa kanya, ’Oy, may issue ka ngayon kay Paolo!’

"Sabi niya, ’Paano nangyari yun, e, tinext ko nga si Paolo?’

"E, alam ko nga, nagte-taping ng Futbolilits. Nagkataon nagkita-kita pa sila sa mall.

"If I’m not mistaken, ninong si Paolo ni Jazz [anak ni Jennylyn] at nagkasama-sama pa sila—si Paolo, Lian, and Jen.

"Yung transparency namin sa mga issues, and ako, I also want to inform her na may ganung issues.

"I don’t want Jen to be caught off guard."

"VERY UNFAIR." Para kay Luis, "very unfair" ang mga isyung ito na ipinupukol kay Jennylyn.

Pero alam daw niyang maha-handle ito ng aktres nang maayos.

"Kumbaga, alam naman niya na aspeto ng industriya talaga ’yan, e.

"Wala tayong magagawa.

"May mga tao talagang—hindi na-breastfeed, walang laman ang utak, walang gagawin kundi manira, o kaya hindi masyadong nayakap nung bata.

"Naiintindihan naman niya yun, and she handles it very, very, well."

STATUS OF RELATIONSHIP. Diretshan namang tinanong ng PEP si Luis kung ano na ba talaga ang estado ng relasyon nila ngayon ni Jennylyn.

"I am happier than ever.

"Kumbaga, things fell into place, hindi na fallen," sagot ng Kapamilya TV host-actor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN