Barbie Forteza says she is in no hurry to go from child to lady

"Gusto ko pa rin naman pong maglaro, kasi nga bata pa naman ako. So, hindi ko po minamadali na maging dalaga na agad ako. Hindi naman po. Nawawalan nga lang po ng time maglaro, pero hindi naman po ibig sabihin na minamadali ko ang pagdadalaga ko," says 14-year-old actress, Barbie Forteza.


Hindi naman daw minamadali ng tween female star na si Barbie Forteza ang kanyang pagdadalaga.

At 14 years old, aware si Barbie na may ilang mga komento na tila "maaga" ang kanyang pagdadalaga.

Masasabi ba ni Barbie na ang maturity niya ay mas maaga kaysa ibang teenagers na kaedad niya?

Sabi ni Barbie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): "Hindi naman po, hindi po.

"Nun nga pong nagre-regular school pa ako, nung bago mag-Stairway To Heaven ako, yung mga kaklase ko nung Grade 4, mature na sila.

"May mga boyfriend na sila agad, e. Grade 4!"

Sa kaso naman ni Barbie naman, kahit may ka-loveteam sa katauhan ni Joshua Dionisio, never pa raw nagka-boyfriend at ni hindi nga nagpapaligaw.

Kaya hindi raw niya nararamdaman na parang minamadali ang pagdadalaga niya.

In fact, hanggang ngayon ay naglalaro pa rin si Barbie.

Ayon sa dalagita, "Yung ano naman po, gusto ko rin naman po, kasi po dati po noong nasa public school pa ako, uso yung paglalaro ng jackstones, ng Chinese garter...

"Naglalaro po ako noon.

"Kaya lang po ngayon, medyo wala nang time.

"Pero kung may time, bakit hindi?

"Gusto ko pa rin naman pong maglaro, kasi nga bata pa naman ako.

"So, hindi ko po minamadali na maging dalaga na agad ako. Hindi naman po.

"Nawawalan nga lang po ng time maglaro, pero hindi naman po ibig sabihin na minamadali ko ang pagdadalaga ko."

Nae-enjoy rin naman daw niya ang pagiging bata, o ang pagiging regular na tao, kapag walang trabaho at wala siya sa harap ng kamera.

"Nagbabasa po ako ng libro at nanonood ng sine," banggit ni Barbie.

Si Barbie ang itinuturing na "baby" ng kanilang pamilya.

Dalawa lang silang magkapatid ng ate niya, at pitong taon ang agwat nila.

"Kung hindi nga po humiling si ate ng kapatid, baka wala po ako!" ang natatawang sinabi pa ng Kapuso tween star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE ROAD. Bukod sa afternoon soap ng GMA-7 na Ikaw Lang Ang Mamahalin, mapapanood din si Barbie sa horror movie ng GMA Films na The Road.

Ayon kay Barbie, karangalan para sa kanya na mapasama sa pelikulang ito ni Yam Laranas.

"Sobrang saya ko po, award-winning director kasi siya.

"Honored po ako na makatrabaho si Direk Yam kasi mahusay siya at isa po ako sa mga napili na maging artista sa The Road."

Si Yam ang nagdirek ng critically-acclaimed film na Sigaw (2004), na ginawan ng Hollywood version na siya rin ang nagdirek—ang The Echo (2008).

NOT BILLING CONSCIOUS. Naitanong din kay Barbie kung hindi ba siya billing-conscious na tulad ng ilang artista.

Si Barbie kasi ang itinuturing na pinakasikat na tween star ng GMA-7 sa kasalukuyan.

Sagot niya, "Hindi po.

"Parang ngayon nga lang po ako aware sa ganyan.

"Kasi nung bata ako, tinitingnan ko yung mga pangalan ng mga artista, na sa akin po, kapag nakita ko na yung pangalan ng artista—ibig sabihin, kapag andun ang pangalan, okay yun.

"Kapag nakikita ko ang pangalan ko, masaya ako kahit sino ang mauna sa akin.

"Kahit ako ang pinakahuli, basta nakasama ang pangalan ko, andun ang pangalan ko, masaya na po ako."

LOYAL KAPUSO. Ilang years pa ang contract niya sa GMA-7?

"A, hindi ko po alam, e. Si Mama po kasi ang nakikipag-usap, e."

May alam ba siya kung may offer siya from other TV networks?

"Hindi ko po alam."

Pero ayon kay Barbie, ayaw niyang umalis sa Kapuso network.

"Ayoko po kasi kakaiba yung alaga sa akin ng GMA.

"Tsaka ayokong masira yung tiwala nila sa akin, na yung porke may offer, aalis na ako.

"Ayoko."

PREFERRED LEADING MEN. Isa sa pinakasikat na teen loveteams ngayon ang tambalan nina Barbie at Joshua.

Pero kung si Barbie ang tatanungin, ano ang mas gusto niya—may ka-loveteam o wala?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit ano po, basta gusto ko po ma-try lahat, may partner or wala.

"Alam naman po ng GMA kung ano ang maganda para sa aming lahat."

Bukod kay Joshua, sino pa ang gusto niyang makapareha o maka-loveteam?

"Halos lahat naman po ng tween boys, e.

"Kaya lang, si Kristoffer [Martin], may Joyce [Ching] na.

"Si Jhake [Vargas], may Bea [Binene] na!" natatawang sabi ni Barbie.

IN REAL LIFE. Sino ang pinaka-close niya sa tween boys bukod kay Joshua?

"Hmmm... si Derrick [Monasterio], si Elmo [Magalona]...lahat sila naman, e."

Ano ang comment niya na sinabi ni Kristoffer na crush siya nito sa isang interview?

"Hindi naman yun seryoso.

"Natakot ako kay Joyce! Ayokong mag-react!" tumatawang sabi ni Barbie.

Pero pahabol niya, "Wala lang, flattered."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN