Nomer Limatog, 10 years old, says he just gave flowers to a fellow Protégé; laughs off "ladies man in the making" tag

Nomer Limatog on the challenges and hardships faced in The Protégé: "Okay naman po. May mga trials po, may mga challenges po na nagagawa namin. Pero parang ako nga po ang bunso nila, inaalagaan po nila ko."


Si Nomer Limatog ng Cebu— ang protégé ni Rachelle Ann Go— ang pinakabata sa lahat ng contestants ng The Protégé.

Nananatili siyang matatag dahil sa loob ng tatlong nakaraang elimination weeks, hindi pa rin siya natatanggal.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nomer noong Linggo, November 6, sa SM Mall of Asia Centerstage, bago maganap ang gala performance at elimination night nila.

Sampung taon pa lang si Nomer kaya siya ang nataguriang bunso ng grupo. Pero kahit bata, masasabing nakakasabay naman si Nomer sa kanilang lahat.

Nang tanungin siya tungkol sa mga karanasan nito sa The Protégé, sabi niya:

"Okay naman po. May mga trials po, may mga challenges po na nagagawa namin.

"Pero parang ako nga po ang bunso nila, inaalagaan po nila ko."

Positibo naman si Nomer na makakasama siya sa finals.

"Sa tingin ko po, opo, makakasama naman po ako sa finals.

"Rakista po kasi ako.

"Pero ngayon po, ang kinakanta ko po, hindi na po rock... Yung mga slow ballad na po ngayon," paliwanag niya.

Grade 5 pa lamang si Nomer, pero may ilang buwan na raw siyang hindi nakakapasok.

Masuwerte naman siya at pinayagan ng kanyang paaralan na magbakasyon muna ng ilang buwan.

Pagkatapos na pagkatapos ng The Protégé, kung papalarin daw, gusto raw niyang maging singer talaga.

"Siyempre po, ipagpapatuloy ko po ang pag-aaral ko.

"Pero kung magkakaroon po ng chance, gusto ko pong makapagpatuloy po na maging singer," diin niya.

RACHELLE ANN AS MENTOR. Ang mentor raw niya na si Rachelle Ann ang pumili ng naging performance song niya noong Linggo.

Ito ay ang "Baby, I Love Your Way" na unang pinasikat ni Peter Frampton noong 1976.

Thankful daw siya na si Rachelle ang mentor niya.

Ayon kay Nomer, "Mabait po siyang mentor.

"At saka, sinasabihan po niya ako na huwag uminom ng malamig na tubig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung mga bawal, sundin ko raw po.

"’Tapos tini-treat din niya ako minsan."

Sa katunayan, may recent tweet nga si Rachelle Ann sa kanyang Twitter account kunsaan nabanggit nito na nag-date raw sila ng kanyang protégé kahapon, November 8.

’Yun nga lang, nagpahayag ng pangamba si Nomer dahil ang challenge sa kanila sa darating na Linggo ay magpe-perform sila with their mentor.

Nag-tweet din si Rachelle Ann na tipong ’di nito alam ang gagawin dahil wala siya sa araw na ’yun.

Unless naresolbahan na nila ang isyung ito sa nakaraan nilang date.

SIZING UP THE COMPETITION. Kung si Nomer ang tatanungin, sino sa kanyang palagay ang magiging mahigpit niyang kalaban?

Sabi naman niya, "Sa tingin ko po, ang magiging mahigpit ko pong kalaban, si ate Lovely po.

"Magaling po siya. Minsan nasa ranking po siya ng una, pangalawa, pangatlo.

"Although ako rin po, nag-pangalawa, pangatlo, at pang-una po sa ranking."

Ilan sa mga idols daw niya sa pagkanta ay sina Arnel Pineda, Janno Gibbs, Ogie Alcasid, at ang mentor raw niya na si Rachelle Ann.

SIGURADONG IIYAK. Naging honest naman si Nomer na kapag natanggal daw siya, siguradong iiyak siya.

Aniya, "Iiyak po. Pero ano rin po, patuloy na lang po ako sa pag-aaral ko. At babalik nga po ako sa Cebu."

Sa palagay niya, sino naman kaya sa mga katunggali niya ang kaya niyang talunin?

Ayon kay Nomer, "Si kuya Kenneth (Monico) po.

"Ano po kasi siya, itinuturing po niya ang sarili niya na weak. Noong nag-usap po kami sa bahay, sinasabi niyang ba-bye guys.

"Ako na ang matatanggal ngayong Sunday. Gumaganyan na po siya."

LADIES MAN IN THE MAKING? Natatawa naman si Nomer nang diretsuhin itong tanungin kung bakit at his age, nanliligaw na siya sa co-protégé niya na si Denise Barbacena.

Si Denise ay hindi pinalad at na-eliminate noong Linggo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Binigyan kasi ni Nomer ng flowers si Denise.

Ayon kay Nomer ng natatawa, "Hindi po, crush lang po."

Bakit sinabi niyang basted na siya?

"Hindi po, joke lang po ’yun," natatawa niyang sabi.

Sampung taon pa lang siya at 17 na si Denise. Mahilig ba siya sa mga mas nakatatanda sa kanya, birong tanong sa kaniya.

"Hindi ko po alam, eh. Siguro po ano lang, magaling po kasi siya, mabait.

"Pero parang ate ko lang po siya.

"Crush ko lang po talaga siya. Hindi naman po ako nanliligaw," patapos niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN