Boy Abunda says he now makes more time for his Nanay; reveals other changes in his life

One thing Boy Abunda realized after his falling out with former talent Erik Santos: "Nangyayari pala yun." And the best way to deal with such a problem: "Harapin, pag-usapan..."


"Nag-i-enjoy ako."

Ito ang paglalarawan ni Boy Abunda tungkol sa pagiging segment host niya ng ABS-CBN late-night news program na Bandila, kung saan halos lahat ng may kinalaman sa fashion, culture, and entertainment news ay sa kanya nakatoka.

Ang dagdag pa niya, "Hindi ko rin inakala na mag-i-enjoy ako. Hindi ko alam. Kasi siguro hard news, e.

"Sabi nga sa akin, hindi ba mahirap? Parang ang hirap i-break?

"Na parang napaka-seryoso, ’tapos bigla kang tatabi, ’tapos ang ibabalita mo ay culture news, fashion, entertainment.

"Hindi ko alam, pero tignan natin...

"Di ba, every gap, I have one story and I have one on one at the end. Wala, e, parang bumagay."

Sa dami ng exposure ni Boy at sa pagkakaroon pa niya ng one-on-one interview, lumalabas na parang siya ang main host ng show.

Sagot niya, "Hindi lahat ng gusto natin, alam natin. I realized that with Bandila until I did it.

"I didn’t realize na it was fun, na gusto ko."

RECONCILING WITH FORMER TALENT. Nadako ang usapan sa pagbabati nila ng dati niyang talent na si Erik Santos.

Sa huli niyang interview, binanggit nito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na "bati" na sila "pero may lamat na." (CLICK HERE to read story.)

Pero noong inilunsad ang kanyang latest venture, ang Boy’s Food Republique, noong November 5, masaya nitong ibinalita na nagkaayos na sila nang husto.

"Erik and I are back. We’re ok. We’re back to where we came from."

Nagkaroon ng falling out ang dalawa dahil umano sa pagpapabaya ng Backroom Inc., na pinamumunuan ni Boy, sa career ni Erik.

Ang sabi pa ni Boy, "Siyempre, pag galit ka, hindi mo malilimutan yan. But it becomes a learning process ’yan.

"Pero kahit kailan hindi ako nagtanim.

"When you look back nga, meron kang pagkakataon na, ano ba yun? Pero siguro nangyari yun, we needed to learn, we needed to strengthen our friendships, we needed to humble ourselves. May dahilan, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isang bagay daw na na-realize ng TV personality, na isa ring endorser at educator, ay ang pagharap sa mga bagay na hindi maiiwasan.

Aniya, "Nangyayari pala yun. At pag nangyayari yun, harapin, pag-usapan.

"Ang realization ko from the very beginning, lahat dumadaan—yung galit, yung tampo, dumadaan.

"Alam mo, naiintindihan ko si Erik. Nung pumutok ang balita, nasa bahay, bagyo, ulan, humingi ng tawad, umiyak, tinanggap niya ang mali niya.

"What else could I ask for? I mean, sobra...pinagdaanan talaga. Natapilok, yun lang," ang matalinhaga niyang paliwanag.

Bagamat wala na sa poder niya si Erik, bukas pa rin daw ang palad ni Boy sa singer.

"Anytime that he comes to me, like Mariel [Rodriguez], even if I don’t own Backroom anymore, they can still come to me."

Samantala, personal daw na desisyon ng dati niyang talent ang pagpili sa bago nitong manager.

"Hindi," ang bulalas niya, bilang sagot kung siya ang namili ng bagong manager ni Eric.

"Pero, I’m happy with his choice—Erickson and Star Magic. I’m happy with his choice."

Si Erickson Raymundo ay manager din nina Richard Poon at Sam Milby, habang ang Star Magic, na pagmamay-ari ng ABS-CBN, ang pinakamalaking talent-management arm sa bansa ngayon.

TIME FOR MOM. Nagkuwento rin ito tungkol sa kanyang ina na si Lesing.

"Nanay is doing very well," ang balita ni Boy. "Starting her consultation today. Isa sa mga requierements ng doctor namin, lahat ng consultation, kasama ako.

"Kasi pag Alzheimer’s dementia, ang pinag-uusapan dito, mga kuwento.

"So kailangan, alam mo ang nangyayari. Yung kausap niyong doctor, alam niya ang history ng pasyente."

Naging very vocal si Boy sa pagsasabing ang kanyang ina ang dahilan sa ilang pagbabago sa kanyang buhay.

Kumpara sa dati, mas nakakasama na raw niya ito ngayon.

Aniya, "I’ve more time with Nanay. She’s doing well. She’s doing very well.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya nga no’ng birthday ko [October 29], pinipilit niya akong umiyak, hindi ako maiyak.

"Nanay is good and I’m happy.

"My priority in life is taking good care of nanay.

"Kasi like, for example, sa Bandila, mas magaan. At sa Bandila, palibhasa apat kami, kung may panahon na kailangang mag-absent ako, any time puwede.

"Iti-tape ko siguro yung ibang segments. Yung one-on-one saka na lang."

.

Ang kanyang ina rin daw ang dahilan kung bakit inayos na niya ang kanyang mga plano next year.

Ang pahayag ni Boy, "With the condition kasi of nanay, plantsado ako, e.

"The Buzz is there, Bottomline continous, Bandila continous. Kasi ang daming nangyari nitong taong ito talaga.

"Hopefully, by the end of 2012 or first quarter of 2013, ’tapos ko na ang doctoral degree ko.

"Yun ang hindi ko binitiwan. Ang binitiwan ko ay ang pagtuturo."

Gusto rin ni Boy na mag-abroad, pero hindi pa niya tiyak kung kailan. Pero ang sigurado siya, "Hindi ito bakasyon. We might go to some medical treatment abroad.

"Huwag lang ngayon kasi winter. May pinag-aaralan kami. Ako ay humihingi ng permiso sa St. Luke’s.

"Baka summer...February? Malamig pa yun e. Hindi ko pa alam. Pero ayun, doon ako iikot."

Kumusta ang kanyang lovelife?

"Twenty eight years na kami," ang masaya niyang ibinalita tungkol sa partner na si Bong Quintana.

At paano naman sila nag-celebrate?

"Nagkurutan!"ang mabilis na tugon ni Boy, na sinundan ng malakas niyang halakhak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN