Enzo Pineda on real score with Louise delos Reyes: "Ganun pa rin kami, super-duper-mega special sa isa’t isa."

"Happy naman ako sa career ko since first time kong maging regular sa isang teleserye—ito pong Time of My Life. Maganda naman yung reviews sa akin and, next year, thankful ako na madaming parating na blessings sa akin," says Enzo Pineda.


Hindi kasama si Enzo Pineda sa mga celebrity na rumampa sa Bench Philippine Fashion Week noong October 25.

Pero rumampa ang mga kaibigan niya at ka-batch sa StarStruck V na sina Rocco Nacino, Steven Silva, at Sarah Lahbati.

Paliwanag ni Enzo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa bagay na ito, "Sa summer pa po [ako], for their summer ad campaign."

Since summer ad campaign iyon, posible bang rumampa siyang naka-trunks o naka-underwear lang?

Sagot ni Enzo, "Naku, tingnan natin, kasi hindi pa namin napapag-usapan, e.

"Pero definitely, kailangan kong magpaganda ng katawan.

"Siguro depende sa peg, basta wholesome pa rin ang dating."

TIME OF MY LIFE. Next week ay magtatapos na ang danserye ng GMA-7 na Time of My Life, kung saan gumaganap si Enzo bilang si Donnie.

May effort ba si Enzo na itodo ang pagsasayaw, lalo na kapag sina Mark Herras at Sef Cadayona ang kaeksena niya? Parehong kasing mahusay na dancers ang dalawa.

"Oo naman!" bulalas ni Enzo.

"Sa totoo lang, nape-pressure ako kasi may tendency pag matangkad ka, magiging awkward kang magsayaw.

"Iyon yung lagi kong kinakatakutan."

Kuwento pa niya, "Meron pang kapag magkasama kami lahat, natatakot naman ako na matamaan ko sila.

"Ilang beses na ngang nangyayari iyon—kina Sef, Rocco, Mark, natatamaan ko!

"Accident-prone talaga ako usually sa mga sayaw.

"Meron pa nga na pagsayaw ko, napasipa ako, nasa likod ko si Sef, natamaan ko siya. Napasigaw siya ng ’Aray!’

"I try to be cautious naman."

SARAH LAHBATI. Si Sarah Lahbati ang love interest ni Enzo sa Time of My Life, pero tinanggal dito ang young actress para maging bida sa bagong afternoon soap ng GMA-7 na Kokak.

Hindi ba nag-wish si Enzo na siya sana ang naging leading man ni Sarah sa Kokak?

Sagot ni Enzo, "A, siyempre, nag-wish din ako.

"Pero depende sa GMA kung ano yung tingin nilang bagay and what’s best for us."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mga leading man ni Sarah sa Kokak ay sina TJ Trinidad at JC Tiuseco.

Ayon pa kay Enzo, "Happy naman ako sa career ko since first time kong maging regular sa isang teleserye—ito pong Time of My Life.

"Maganda naman yung reviews sa akin and, next year, thankful ako na madaming parating na blessings sa akin.

"So, like... I’ll also be part yung kay Rhian [Ramos] and Aljur [Abrenica] na movie, tapos yung kay Julie Anne [San Jose] and Elmo [Magalona]."

LOUISE DELOS REYES. Kinumusta rin ng PEP kay Enzo ang relasyon nila ng rumored girlfriend niyang si Louise delos Reyes.

"Okay naman," sambit ng 21-year-old actor.

Ilang months na sila?

Natawa si Enzo nang marinig ang tanong.

Aniya, "Ha! Hindi...pero ganun pa rin kami, super-duper-mega special sa isa’t isa.

"Wala naman, kasi masaya naman kami sa company ng isa’t isa.

"Tapos definitely, kailangan din naming mag-concentrate sa aming trabaho.

"Like si Louise, bilib ako sa kanya dahil ang dami niyang ginagawa, ang dami niyang projects.

"So, mas gusto kong mag-concentrate din siya doon.

"Hindi naman kami sagabal sa isa’t isa, e.

"So, ayun, siguro yung tamang inspiration lang."

Hindi ba siya natatakot na maunahan ng iba?

"Siyempre ano, hindi siguro, may halong selos factor!" tawa ni Enzo.

May iba bang nanliligaw kay Louise?

"Hindi ko naman mapipigilan."

Hindi niya sinasabihan na bawal magpaligaw sa iba si Louise?

"A, nasa sa kanya iyon.

"Hindi ko naman mapipigilan na may magkakagusto sa kanya dahil Louise is very lovable, masarap kasama.

"Hindi lang maganda at saka talented, lahat-lahat na, so siguro everybody wants to be with her also."

Si Enzo ba ay nanliligaw sa iba?

"Hindi, hindi, hindi...stick to one," tugon niya.

ROCCO NACINO. Ang kaibigan ni Enzo na si Rocco Nacino ay nominated sa Golden Screen TV Awards ng Enpress Inc. sa kategoryang Breakthrough Performance by An Actor para sa defunct afternoon soap na Koreana. (CLICK HERE to read related story.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang reaksiyon dito ni Enzo?

"A, siyempre, proud ako.

"And ako naman, ito [Time of My Life] naman yung unang project ko sa acting as a regular, so I’m getting there.

"And proud ako kung ano yung na-achieve ni Rocco and he deserves it.

"Tsaka pinaghirapan talaga niya, so lahat ng ma-achive niya dahil sa kanya because he worked so hard for it.

"Nakikita ko naman kasi ang sipag ni Rocco, e."

Hindi ba siya masipag?

"Lahat kami masipag, lahat kami masipag.

"Pero yung mga na-achieve niya [Rocco], he deserves it," sabi ni Enzo.

DREAM ROLE. Naitanong din ng PEP kay Enzo kung ano ang dream role niya.

"Dream role ko, gustung-gusto kong magawa...gusto ko talaga na magkaroon ng superhero na role!

"Parang sa U.S., yung mga Marvel Superheroes, yung ganun.

"Para sa akin, iyon yung dream role ko, pero any role is a challenge.

"Pero mas... siguro for now, para mas masanay ako umarte, gusto kong mag-drama talaga para makita nila na may lalim yung acting ko."

Anong role ang kapag ibinigay sa kanya ay hindi niya tatanggapin?

"Siguro yung role na hindi makakabuti sa aking career.

"Siguro kung tulad ng pangit yung script, pangit yung story, na parang alam nila [GMA Artist Center] na hindi magugustuhan ng tao ito, ng viewers, so hindi nila ito kukunin para sa akin.

"Tsaka yung role na babagay din sa akin, siguro dun muna ako mag-i-stick for now."

What about gay roles?

"Bading na role? Pag maganda yung script tsaka pag makikita yung talent ko in acting," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN