Janelle Manahan cries after being told Ramgen Revilla’s siblings are suspects in his slaying; writes a poem that may pertain to the crime

Mr. Julius Manahan on daughter Janelle’s (in photo) dream: "Bigla siyang nagising. Tapos sabi niya, ’Pa, you know what, napanaginipan ko si Ramgen.’ ’O talaga,’ sabi ko, ’Nakangiti ba siya sa iyo?’ Bigla niya akong tiningnan, ’Hindi naman, nagda-drive lang kami. Tapos sinabi niya lang sa akin na, suwerte ka, Janelle, you were given a second chance to live.’"


Sa limang taong naging magkasintahan sina Janelle Manahan at Ramgen Revilla, naging malapit na rin daw ang 22-anyos na dalaga sa mga kapatid ng napaslang na boyfriend.

Kaya naman naging emosyunal si Janelle nang sabihin sa kanya na mismong mga kapatid ni Ramgen na sina Ramon Joseph at Ramona Bautista ang itinuturong mastermind sa pamamaril sa kanilang magkasintahan.

Ang nagsabi sa kanya ay mga pulis na humawak sa imbestigasyon.

Sa interview ng ABS-CBN News sa tatay ni Janelle na si Julius Manahan, na napanood sa Bandila kagabi, November 9, sinabi nito na napaiyak si Janelle nang malaman niya ang tungkol dito.

Ayon kay Mr. Manahan, "Actually, very close siya sa family, lahat ng members ng pamilya.

"Naging emosyunal siya. Umiyak lang.

"Wala naman siyang comment. Basta continuous yung iyak."

RECOVERING. Ayon pa kay Mr. Manahan, sa ngayon ay nagpapagaling na si Janelle.

Ito ay matapos niyang sumailalim sa sampung oras na operasyon sa Asian Hospital and Medical Center sa Alabang, Muntinlupa, noong November 7.

Ang operasyon ay para maisaayos ang apat na facial fractures na dulot ng tama ng bala sa ilalim ng kanyang kaliwang mata na tumagos sa kanang panga.

Aabutin daw ng anim hanggang walong linggo na bawal magsalita o galawin ni Janelle ang kanyang mukha para mabilis ang paghilom sa mga opera.

Sa ospital, pilit iniiwas ng mga magulang ni Janelle na mapag-usapan ang nangyari nang hindi na madagdagan pa ang pisikal at emosyunal na paghihirap ni Janelle.

Ayon kay Mr. Manahan, "She’s not able to open her mouth.

"She’s using the hand na naka-sling din. Ang hirap."

A DREAM ABOUT RAMGEN. Pagbubunyag pa ni Mr. Manahan, ilang araw bago pa sabihin kay Janelle na patay na si Ramgen, napanagipan daw ng dalaga ang boyfriend na may misteryosong mensahe.

Kuwento ni Mr. Manahan, "Bigla siyang nagising. Tapos sabi niya, ’Pa, you know what, napanaginipan ko si Ramgen.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’O talaga,’ sabi ko, ’Nakangiti ba siya sa iyo?’

"Bigla niya akong tiningnan, ’Hindi naman, nagda-drive lang kami. Tapos sinabi niya lang sa akin na, suwerte ka, Janelle, you were given a second chance to live.’"

POEM ABOUT THE CRIME. Noong November 1 naman daw ay biglang humingi ng ballpen at papel si Janelle.

Habang nakaratay sa ospital ay nagsulat ito ng tula na tila tumutukoy sa nangyaring krimen noong gabi ng Oktubre 28.

Narito ang isinulat na tula ni Janelle:

Same characters, same plot

Different stories, different setups

My days and nights has been like this

Thinking what could have I done differently

So none of these exist

I wanna cry, I wanna cry so bad

But what’s the point

When there’s no UNDO button

To make it all right.

Kita sa dulo ng tula ang pagsisisi ni Janelle at ang kagustuhang baguhin ang lahat ng pangyayari:

"I wanna cry, I wanna cry so bad/ But what’s the point/ When there’s no UNDO button/ To make it all right."

Pero sa unang bahagi ng tula, may binabanggit siyang pare-parehong tauhan at pare-parehong kuwento sa isang trahedyang hindi sana nangyari:

"Same characters, same plot/ Different stories, different setups/ My days and nights has been like this/ Thinking what could have I done differently/ So none of these exist."

Paliwanag naman ng ama ni Janelle sa isinulat na tula ng anak, "Makata iyan, e. Kaya hindi ko maintindihan, e.

"Only the best thing, na she’s the best person who can prepare for herself."

Ayon pa kay Mr. Manahan, handa raw si Janelle na tumulong sa imbestigasyon.

Pero bigyan daw muna siya ng panahong pagalingin ang mga sugat niya sa katawan bago niya harapin ang nasugatan niyang damdamin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN