Oyo Sotto happily anticipates wife Kristine Hermosa’s baby delivery

Oyo Sotto on wife Kristine Hermosa’s pregnancy: "As much as possible, ayokong nagkikikilos siya, ayokong lumalabas siya. Pero there are times na hindi ko siya mapigilan, e. Ayaw niyang naiiwang mag-isa sa bahay. So, pag minsan, nasa trabaho ako, umaalis din siya, nagmu-mall, ganun."


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Oyo Boy Sotto noong Lunes, October 7, sa story confernence ng Valiente.

Gagawan ng remake ng TV5 ang naturang teleserye na umere sa ABS-CBN at GMA-7 noong 1990s.

Sa February 2012 pa ipalalabas ang Valiente sa TV5.

Ang dating Valiente ay produksiyon ng TAPE Inc., na siya ring producer ng Eat Bulaga!— ang longest-running noontime show sa bansa.

Isa sa senior hosts ng programa ang ama ni Oyo na si Vic Sotto.

Dahil dito ay ipinahayag ni Oyo na karangalan sa kaniya ang mapasama sa cast ng remake ng Valiente.

Gagampanan ni Oyo ang role na Theo Braganza, na unang ginampanan ni Tirso Cruz III.

Saad ni Oyo, agad niyang tinanggap ang role nang i-offer ito sa kanya dahil nga konektado ito sa kanyang pamilya.

Natatandaan niya ba ang dating Valiente?

Aniya, "Bata pa ’ko noon, e.

"Nakita ko siya, pero hindi ko talagang na-recall lahat ng mga nangyari.

"Naalala ko lang yung si Daddy ko yung kumanta ng theme song ng Valiente."

KRISTINE’S PREGNANCY. Inusisa na rin ng PEP ang pagbubuntis ng asawa ni Oyo na si Kristine Hermosa.

Kuwento ng young actor: "Kristine is doing fine, malaki na yung tiyan.

"She gained weight, pero hindi mo mahahalata.

"Payat pa rin yung mukha. Medyo nagkalaman lang.

"Hindi naman yung sobrang parang tumaba na, na wala nang pakialam.

"Okay naman."

May pangalan na raw silang napili para sa kanilang baby girl, pero ayaw pa nila itong isiwalat sa publiko.

Ngunit hindi naman maghihintay ng matagal ang fans nilang dalawa dahil sa January 10, 2012 na raw ang due date ng panganganak ni Kristine.

Ano ang nararamdaman ni Oyo?

"Iba yung feeling nung nalaman ko na buntis siya, at I’m sure it will be a very different feeling din kapag nanganak na siya at nandiyan na yung bata," pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

How is he preparing for the baby?

"Well, kasi lagi ko namang motto sa buhay, you’ll never get ready until you’re there.

"Sa akin, kung ano yung puwede naming gawin ngayon, ginagawa na namin.

"I attended a birthing class—yung mga ganun, parenting conference, yung mga ganun."

May nursery na rin daw sina Oyo, at meron na rin silang napiling mga gamit para sa nalalapit na baby shower.

"Actually, kasi, na-pick namin for baby shower, so ayun, sana bilhin nila yung mga napili namin," hiling niya.

At hindi lang daw silang mag-asawa ang excited for the baby, pati na rin ang mga taong malapit sa kanila. Kasama na rito si Bossing Vic, ama ni Oyo.

Sabi ni Oyo, "Kasi sa sister ko pa lang [Danica Sotto-Pingris], tuwang-tuwa siya dun sa baby girl na lumabas.

"Excited din siya dito sa baby namin ni Tin."

KRISTINE’S HEALTH. Pagpapatuloy ni Oyo, hangga’t maaari ay ayaw niyang maiwang mag-isa si Kristine, kahit na may mga shooting siyang pinupuntahan.

Kuwento niya: "Lahat naman, binibigay sa kanya. Lahat ng tulong sa kanya. Lahat ng kailangan niya.

"As much as possible, ayokong nagkikikilos siya, ayokong lumalabas siya.

"Pero there are times na hindi ko siya mapigilan, e. Ayaw niyang naiiwang mag-isa sa bahay.

"So, pag minsan, nasa trabaho ako, umaalis din siya, nagmu-mall, ganun.

"So, yun naman.

"Hindi naman kasi si Tin mahirap magbuntis. Very healthy naman.

"And wala naman kaming masyadong na-experience na morning sickness na tinatawag nila, mga ganun."

Gayunpaman, hindi na nagplano ng bakasyon si Oyo para sa darating na Pasko.

"Wala, e. Mukhang hindi na puwedeng bumiyahe si Tin by then, e.

"Kasi, magna-nine months na siya nun, so medyo baka delikado na."

Ngayong malapit nang manganak si Kristine, payag ba si Oyo na balikan ng misis niya ang kanyang showbiz career pagkatapos?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo naman," mabilis niyang sagot.

"Matagal na naming pinag-usapan yun, e.

"Pinag-usapan naman ni Tin na kung gugustuhin niya talagang mag-work ulit, okay lang.

"Pero siyempre, piliin niya yung mga trabaho.

"Ayoko naman at ayaw din naman niyang napupuyat.

"Siyempre, kailangan ng bata, e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN