Mercedes Cabral says winning an acting award isn’t her priority

Mercedes Cabral (in photo): "Hindi ko po alam kung nominated ako, pero sa akin po kasi, ’yong mga festivals naman po kasi, parang celebration lang yan ng mga istorya, mga pelikula, mga taong mahilig lang talagang magkuwento."


Isang thriller-drama ang pagbibidahan ngayon ng isa sa mga kilalang aktres sa mundo ng independent filmmaking—si Mercedes Cabral.

Ilan sa mga ginawa niyang indie films ay Serbis (2008), Kinatay (2009), at Ligo Na U, Lapit Na Me (2011).

Ngayon, ang indie film na Di Ingon Nato naman ang pagbibidahan ni Mercedes kasama sina Rez Cortez at Franco Reyes.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Mercedes kagabi, Nobyembre 9.

Ito ay sa opening ng 7th Cinema One Originals Film Festival na ginanap sa Shangri-La Mall, Mandaluyong City.

Naikuwento niya sa amin kung ano ang istorya ng pelikulang Di Ingon Nato.

"It’s a zombie film, na obvious naman. Di ingon nato [Visayan term] is ’not like us’ in English.

"So, ang story niya basically is may maliit na town in Cebu and may...parang nagkaroon ng virus.

"Hindi namin alam kung ano yung nangyayari, pero nag-concentrate siya on three characters, which is portrayed by Franco Reyes, Donna Gimeno, Tito Rez Cortez.

"Basically, pinakita lang kung ano yung magiging reaksiyon ng tao, kung magkakaroon ba ng zombie apocalypse, kung ano yung magiging reaksiyon nila."

A DIFFERENT ATTACK. Para kay Mercedes, kakaiba ang ginawang atake sa zombie-inspired na pelikulang ito.

Aniya, "Kasi wala pa akong napapanood na zombie film dito na ganitong klaseng treatment at writing.

"’Yong writing niya—nakuha talaga ako ng director sa writing, e.

"Kasi nung unang pinitch sa akin yung project, medyo parang nag-alangan ako kasi zombie film siya, medyo mahirap i-pull off ito, e.

"Pero no’ng nabasa ko yung script, sobrang galing nung pagkakasulat."

Ang mga writers ng Di Ingon Nato ay sina Brandon Relucio at Ivan Zaldarriaga.

"Unang pumasok sa isip ko ’yong The Walking Dead [American TV series] and 28 Days Later [British film]."

Kapana-panabik din daw ang istorya nito dahil "realistic" ang pagkakagawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, kasi sa mga Pilipino, kasi nga wala pa akong nakikitang... napapanood na Filipino film na ganitong klase atake sa konsepto niya.

"Realistic siya, e.

"Maniniwala ka na posibleng mangyari siya, hindi nila dinaan sa make-up.

"Talagang story-based siya, ’yong istorya talaga yung malakas."

HARDEST PART. Hindi tulad ng ibang zombie movies, wala raw gaanong zombie-like movements na ginawa si Mercedes dito.

Karamihan kasi ng mga eksena sa kanya ay ang pagpapakita ng mga sintomas kung paano nagiging zombie ang isang taong nakagat ng isang ganap na zombie.

Kaya naman ang pagsasalita ng Bisaya ang itinuturing ni Mercedes na naging malaking hamon sa kanya.

"Hindi ako Bisaya," paliwanag niya.

"Ang hirap mag-react sa lengguwahe na hindi mo alam, na hindi mo naiintindihan.

"So, ang hirap din mag-memorize. Minemorize ko siya word per word.

"Hindi ako puwede mag-adlib dahil kailangan ko mag-stick sa script talaga.

"Mahirap... sobrang hirap niya, pero lahat naman tinutulungan nila ako talaga, do’n sa intonation... lahat-lahat.

"So, ang hirap lang din maglabas ng emotion pag hindi mo kasi talaga alam ’yong lengguwahe."

NOT AFTER THE AWARD. Samantala, sa darating na Linggo, Nobyembre 13, ay gaganapin na ang awards night para sa 7th Cinema One Originals Film Festival sa RCBC Theater, Ayala, Makati City.

Nang tanungin kung umaaasa ba siyang may makuhang award sa film festival ngayong taon, sinabi ni Mercedes na hindi naman iyon ang dahilan niya sa patuloy na pagganap sa indie films.

Nakangiti niyang sabi, "Sa akin kasi, hindi ko siya pina-prioritize talaga.

"Ang sa akin kasi, pag binigyan ako ng script, ’yon, gagawin ko nang maayos ’yong role talaga.

"’Yon din ’yong basehan ko kung kukunin ko o tatanggapin ko.

"Hindi ko iniisip na, ’A, ito yung makakapanalo sa akin.’

"Hindi ko siya iniisip talaga."

Dagdag pa ni Mercedes, "Hindi ko po alam kung nominated ako, pero sa akin po kasi, ’yong mga festivals naman po kasi, parang celebration lang ’yan ng mga istorya, mga pelikula, mga taong mahilig lang talagang magkuwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, ando’n ’yong kinakabahan.

"Ang sa akin na lang, sana magustuhan ng tao din talaga.

"Bilang aktres din naman talaga, trabaho din naming magkuwento din sa tao.

"So, ayun lang ’yong sa akin—sana magawa namin nang maayos."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN