UPDATED Ciara Sotto overwhelmed by double nomination in 2011 BroadwayWorld Philippines Awards; BWW Philippines is an "audience choice awards"

Ciara Sotto on her double nomination in the 2011 BroadwayWorld Philippines Awards: "I’m actually more than grateful already that I’m nominated at all. Parang enough na yun sa ’kin."


Isang magandang sorpresa para kay Ciara Sotto ang pagkakuha niya ng dalawang nominasyon sa 2011 BroadwayWorld (BWW) Philippines Awards.

Ang masigasig na theater actress ay na-nominate para sa mga kategoryang:

Best Leading Actress (Musical) para sa kanyang pagganap na Mimi Marquez sa Rent.

Ang Rent ay isang musical na tumatalakay sa HIV-AIDS sa buhay ng ilang bohemians. Si Mimi ay pole dancer na na-diagnose na may HIV.

At Best Performance by an Actress in a Featured Role/Ensemble Role (Musical) para sa kanyang role na Helene sa Sweet Charity.

Ang musical na ito ay tumatalakay sa buhay ng isang dancer na laging nai-in love sa maling lalaki. Bilang Helene, si Ciara ang close friend ni Chairty, na ginampanan ni Nikki Gil.

Parehong successful Broadway musicals ang Rent at Sweet Charity.

FIRST TIME IN R.P. Ito ang kauna-unahang pagtatanghal ng BroadwayWorld Philippines Awards sa ating bansa.

Ang parangal na ito ay iginagawad sa mga pinakamahuhusay na personalidad sa larangan ng teatro.

Nagsimula ang nasabing parangal sa www.broadwayworld.com—isang online site sa U.S. na naka-focus sa industriya ng teatro.

Taong 2008 noong inilunsad ang BroadwayWorld Awards sa U.S. at U.K.

DOUBLE NOMINATION. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ciara sa pamamagitan ng online chat noong isang araw, at sinabi nito na hindi raw talaga niya ine-expect na may ganitong award at nomination siyang matatanggap.

Ayon sa kanya: "I can’t get over being nominated!

"Tapos double nomination pa, it will be very hard for me to move on from this.

"I’m so happy.

"I’m actually more than grateful already that I’m nominated at all. Parang enough na yun sa ’kin.

"But I hope I win kahit ano do’n.

"Kasi pareho kong pinaghirapan yun. I gave my all and I learned a lot from both characters."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"AUDIENCE CHOICE AWARDS." Nakausap din ng PEP ang isa sa regional editors ng BroadwayWorld.com Philippines na si Oliver Oliveros na naka-base ngayon sa New York.

Sa kanya namin nalaman na first time pala na magkakaroon ng BWW sa Pilipinas.

Ani Oliver, "It’s our first time to do this for the Philippines, so hindi ko pa alam kung may actual na awarding because my bosses are based in New York.

"Nag-start ang BroadwayWorld Awards sa US and UK three years ago.

"Since maraming readers ay galing din sa Pilipinas, my editor in chief, Robert Diamond, had thought na ready na ang Pilipinas for the regional awards."

Ang BroadwayWorld Philippines Awards ay "audience choice awards."

Dito, ang mga manonood mismo ang binibigyan ng pagkakataong mag-nomina at bumoto sa kanilang mga paborito sa larangan ng teatro sa Pilipinas.

Nagulat din daw sila sa overwhelming response ng mga bumoboto kunsaan ang mga nagwagi ay iaanunsiyo sa Enero 2012.

WEDDED BLISS. Kahit naging abala si Ciara sa kanyang mga obligasyon sa teatro, natuwa naman siya at natuloy na rin ang matagal nang naantalang honeymoon nila ng kanyang asawang si Jojo Oconer.

Nakatakda na talaga ang nasabing honeymoon pagkatapos ng kanilang kasal noong nakaraang taon.

Nagkataon lang na natapat ito sa presidential elections, kaya’t ipinagpaliban muna nila ito.

Matapos ang matagal na paghihintay, natuloy na rin ang kanilang honeymoon sa London kamakailan.

Ayon kay Ciara, "The honeymoon was blissful. We were away for 17 days.

"We went to the UK, and we just both fell in love with that part of the world.

"I learned that my hubby and I like the same things, and we can have so much fun with just being together."

Pareho rin daw nilang gusto na hindi muna agad magkaroon ng anak.

Pero ayon kay Ciara, posible raw na by next year ay magta-try na sila na magkaroon ng baby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sobrang saya at kuntento raw si Ciara sa kanyang buhay ngayon.

"It’s been full of blessings. I can’t thank God enough for my husband.

"There’s still so much to learn as we are still a young couple.

"However, we are both looking forward to learning and discovering things together for years to come."

POLE DANCING & INDEPENDENT SPIRIT. Sa ngayon, ipinagpapatuloy pa rin ni Ciara ang kanyang pagpo-pole dancing.

Masasabing dalubhasa na rin siya dito.

Sa katunayan, marami-rami na rin ang kanyang mga tinuturuan nito, kabilang na ang ilang mga artista.

Si Ciara ay anak ni Senator Tito Sotto at actress Helen Gamboa.

Ngunit marami ang matagal nang nakakapansin sa kanyang independence at creativity: mula pagkanta na pinag-aralan niya nang pormal, sa pagho-host at pag-arte sa Pilipinas, sa pakipagsasapalaran sa U.S. bilang dancer at performer, sa specialization sa pole dancing, at ngayon nga ay sa pagpapakita ng husay at disiplina sa teatro.

Walang sinumang makakapagsabi na umaasa si Ciara sa kanyang apelyido at family connections upang magtagumpay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN