JC de Vera not threatened by TV5’s upcoming crop of new male talents

JC de Vera on his status as prime leading man of TV5: "Mas maganda nga na marami pang dumating na bago, e. Mas challenging, mas magkakaroon ka ng disiplina. Kasi ang daming magagaling, e, at mga talented na mga artist na pumapasok. So, nakakanerbiyos, baka mamaya mawala ka sa eksena. Siguro yun na lang yung ano, yung ginagawa ko—yung staying power na lang."


Handang-handa na si JC de Vera para sa Valiente, ang TV5 remake ng 1990s teleserye na umere ng limang taon.

Gagampanan ni JC ang role na Gardo Valiente, na unang ginampanan ni Michael de Mesa.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si JC sa story conference ng Valiente noong Lunes, November 7, sa Gateway Suites, Quezon City.

Kuwento ni JC: "Wala e, hindi na kailangang mag-prepare, kasi ilalatag na sa aming lahat, e.

"Meron kaming magaling na staff, meron kaming napakagaling na direktor, si Direk Joel [Lamangan].

"Kumbaga, lahat, mapagkakatiwalaan.

"So, yung preparations, lahat ibibigay naman talaga sa amin.

"Parang kami, tatanggapin na lang namin."

TV5 LEADING MAN. Ang Valiente ang pangatlong primetime teledrama ni JC sa TV5, matapos ang My Driver Sweet Lover at Ang Utol Kong Hoodlum.

Pahayag ni JC, malaki ang pasalamat niya sa TV5 dahil sunud-sunod na lead roles ang binibigay sa kanya ng Kapatid channel.

"Siguro yun yung advantage ko, kasi ako yung isa sa mga unang lumipat, di ba?

"Ewan ko, siguro, blessing na rin ’to na ganun. And thankful ako na iyon ang binibigay ng TV5 sa akin.

"Ano lang, a, nagbubunga lang din yung pagiging patient ko.

"Kasi, ever since, ito naman yung gusto kong marating.

"Siguro ito, ’binibigay lang sa akin yung mga lead roles."

Pagpapatuloy niya, nagkataon lang siguro na tila siya ang prime lead actor sa TV5.

Pahayag ni JC, "Siguro, eventually rin may mga papasok din naman sa network na mas magaling din, na mas mabibigyan din ng atensiyon.

"So, mas magiging happy family ang network.

"Right now lang kasi, very small group pa lang din.

"Siguro isa lang ako sa mga nabibigyan ng importance."

Hindi kaya siya natatakot na baka mapalitan ang kanyang status sa darating na mga buwan?

Marami kasing mga batang aktor ang ini-introduce ng TV5 sa ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni JC, "Hindi naman.

"Mas maganda nga na marami pang dumating na bago, e.

"Mas challenging, mas magkakaroon ka ng disiplina, kasi ang daming magagaling, e, at mga talented na mga artist na pumapasok.

"So, nakakanerbiyos, baka mamaya mawala ka sa eksena.

"Siguro yun na lang yung ano, yung ginagawa ko—yung staying power na lang.

"Na hangga’t kaya ko, nandito na lang ako sa posisyon na ito."

TRUST IN TV5. Dagdag niya, malaki naman ang tiwala niya sa TV5.

"Naniniwala naman ako sa network, sa mga taong tumutulong sa akin.

"And as long as nagtatrabaho ako nang maayos, sa tingin ko, hindi naman ako mawawalan.

"And yung attitude ko towards work, hindi naman ako talaga nababawasan."

Nararamdaman naman daw kasi niyang pinagpapala siya sa taong ito, at sa darating na mga taon.

"Career-wise, masasabi kong sobrang lucky ako. Actually, sa lahat.

"Every year naman, e, parang sa bawat lungkot na napi-feel ko, palaging may kapalit na masaya, e.

"Siguro, ito yun."

STEADY LANG. Naitanong na rin ng PEP ang relasyon ni JC sa kanyang girlfriend na si Danita Paner. Kumusta na sila?

"Ano lang, steady lang kami," sagot niya.

"Nagsasama kami day by day na walang iniisip, parang walang future plans talaga.

"Pero day by day, nagiging happy kami, nagiging worth it yung pagsasama namin.

"So, ganun lang."

Hindi kaya magkaroon ng problema kung tuloy-tuloy na lead roles ang makukuha ni JC, at iba-iba ang makapareha niya?

Kapareha ni JC si Danita sa My Driver Sweet Lover, at si Jasmine Curtis-Smith naman sa Ang Utol Kong Hoodlum.

Sa Valiente naman ay si Nadine Samonte ang makakapareha niya.

Ayon kay JC, "So far, wala namang issues na lumabas.

"And kaming dalawa naman ni [Jasmine], good friends. Maganda ang pinagsamahan namin.

"Actually, mas friends pa sila Jas at Dan, kesa sa amin ni Dan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN