Kean Cipriano downplays talk linking him to celebrity stylist Liz Uy; gets ready for all-star Nov. 26 concert

Kean Cipriano on his friendship with Liz Uy: "Sana huwag na munang bigyan ng ibang kulay yung friendship namin. Ayoko kasing isipin yung ganun dahil baka masira yung maganda naming pagkakaibigan ngayon."


Malayo-layo na rin ang narating ng Callalily lead singer na si Kean Cipriano.

Bukod sa pagiging sikat na mang-aawit, rumaratsada na rin ang binata as a movie and TV star, na sobra niyang ine-enjoy ngayon.

Tingin nga ng marami ay napapabayaan na niya ang kanyang unang karera dahil sa pagmamahal niya sa panibagong mundong kanyang ginagalawan.

Sa presscon ng kanyang major concert na "One Stage, One Night," inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kean kung bakit madalang na siya ngayong mag-concert at tila tinatamad na rin siyang mag-compose ng mga awitin.

Pero ayon sa singer-actor: "No, hindi po totoo ’yan. I love music.

"Nagkataon lang na medyo naging busy sa paglabas-labas sa TV.

"May mga ginawa rin akong pelikula kaya akala ng iba napabayaan ko na ang singing career ko.

"Hinding-hindi mangyayari yun."

Dagdag pa ng attractive male musician: "I’m doing provincial shows, may mga gig din.

"Yun namang pagko-compose ng mga kanta, actually may mga inaayos ako ngayon.

"And, hopefully, matapos ko agad para makagawa na naman ng bagong album.

"Never kong papabayaan ang pagkanta ko dahil ito ang pinakamamahal ko."

MAJOR CONCERT. Isa sa mga pinaghahandaan ngayon ni Kean ay ang kanyang nalalapit na concert na "One Stage, One Night."

Ito ay produksiyon ng Cross and Arrow Events Management sa pakikipagtulungan ng Beginnings at Twenty Plus, Inc.

Sa kuwento ni Kean, sobrang pinaganda raw at pinalaki ang produksiyon ng naturang concert.

Minsan lang daw kasi magkakasama-sama ang mga sikat na miyembro ng ilang malalaking banda sa iisang palabas.

Bukod kay Kean, kasama rin dito sina Raimund Marasigan (Sandwich), Jay Durias (South Border), Buddy Zabala (The Dawn), Paolo Bernaldo (Moonstar 88), Eunice Jorge (Gracenote), Madeline (Paraluman), Wendell Garcia (Pupil), Bob Cañamo and Rye Sarmiento (6Cyclemind), at Mike Dizon (Sandwich).

Sabi ng producer ng show na si Joshua Peralta-Uy, lahat ay itinodo niya para lang makapagbigay ng kasiyahan sa mga manonood at para masuportahan ang OPM artists and music.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LOVE LIFE. Sa ibang banda naman, inusisa ng PEP ang buhay pag-ibig ngayon ng Callalily frontman.

Hindi naman naging mailap si Kean nang ibato namin sa kanya ang ’di mamatay-matay na isyung nag-uugnay sa kanila ng fashion stylist na si Liz Uy.

Depensa ni Kean, "Steady lang talaga kasi ako muna ngayon, e.

"Kumbaga, nai-in love ako sa pakiramdam na puwede kong kasama kahit sino, puwede kong kausap kahit sino.

"Kahit saan ako magpunta, kahit ma-low batt ang phone ko, okay lang.

"Regarding Liz, fan ako niya ako, e. Fan ako.

"Ang taas ng tingin ko sa kanya. Nirerespeto ko siya dun sa field niya.

"Malaking bagay na nakikilala ko siya. Na-inspire ako, e, fashion kasi.

"Ibang art din kasi yung ginagawa nila."

Pero aniya, "Sana huwag na munang bigyan ng ibang kulay yung friendship namin.

"Ayoko kasing isipin yung ganun dahil baka masira yung maganda naming pagkakaibigan ngayon.

"Kumbaga, ang ganda ng pagkakaibigan namin.

"Ang ganda ng kuwentuhan namin.

"Ayokong sirain yun pag nilagyan ng kung anuman."

Ang "One Stage, One Night" ay gaganapin sa Aliw Theatre sa November 26, 8 p.m.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN