Niña Jose reveals the male celebrities who made a move on her

Niña Jose on being a freelancer: "Ako, as long as there’s work, I’m very happy... Well, it matters if you have a contract para you’re assured na there is work. Pero, I think I’m lucky rin. I can go anywhere kung saan may trabaho, I can go there, there’s no hassle."


Isang tatanga-tangang production assistant ang role ng sexy star na si Niña Jose sa comedy show ng M-ZET Productions at TV5, ang The Jose & Wally Show Starring Vic Sotto.

Kuwento ni Niña sa PEP.PH (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kanilang programa: "It’s a sitcom with lots of elements, na may special guests—parang ganun, parang variety.

"The show is about a show. And like yung mga behind the scenes, kung ano mga nangyayari, ganyan.

"And parang my role is, she’s a fresh grad and siya lang ang tumanggap ng mababang salary, so kinuha nila."

Sino ang peg niya sa kanyang role sa show?

"Ang peg ko, si Elle Woods [Reese Witherspoon] from Legally Blonde.

"I love Elle Woods, I love her!

"You’ll never...hindi mo maiisip na she’s matalino, parang she’s surprisingly matalino."

How is it working with Vic Sotto?

"At first, I was very intimidated," pag-amin ni Niña.

"I did also yung show na R U Kidding Me with him.

"He’s a gentleman, actually he’s a very humble and a simple guy.

"I have high respects for him."

FREELANCER. Freelancer ngayon si Niña kaya napapanood siya sa iba’t ibang TV networks.

Aniya, "I don’t have a contact with TV5.

"I’m a freelancer.

"I’m with Tito Manny."

Manny Valera is Niña’s talent manager. Although Manny is also a director and line producer, often for Regal Films, he is best known as having been the manager of Maricel Soriano in her heyday as Regal’s top star.

Bago ang show ni Niña sa TV5. Napanood din dati si Niña sa ABS-CBN.

"I did Mutya and recently I did Showtime," banggit niya.

Mas okay ba ang maging freelancer?

"Ako, as long as there’s work, I’m very happy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I don’t... well, it matters if you have a contract para you’re assured na there is work.

"Pero, I think I’m lucky rin. I can go anywhere kung saan may trabaho. I can go there, there’s no hassle."

Totoo bang pinakamalaki ang bigay na talent fee sa TV5 sa lahat ng networks na pinagtrabahuhan niya?

Sagot ni Niña, "They’re very generous.

"I’m not saying kung ano, kung mas malaki, basta they’re very generous."

SAD ABOUT BEING LOVELESS. Loveless daw si Niña ngayon. Nagkarelasyon na ba siya sa isang celebrity before?

"May mga nanliligaw before," pag-amin niya.

Tulad nino?

"Sino bang pinaka-recent? Tagal na nun, e, yung mga pumorma sa akin.

"Si... Basta, ito na lang ang mga pumorma sa akin, or siguro malandi lang talaga sila."

Pagpapatuloy ng sexy actress na lumabas na sa cover ng FHM: "Sina Luis Manzano, and then...sino ba?

"Basta, as in super-dati pa, si Gerald [Anderson]. Tagal na yun!"

Nagkasama sina Niña at Gerald sa unang season ng Pinoy Big Brother Teen Edition (2006) at sa primetime series na My Girl (2008).

Bakit hindi sila nagkatuluyan ng alinman sa mga ito?

Paliwanag ni Niña, "Masyado kasi akong pihikan, siguro masyado akong focused sa work ko that time.

"And ngayon, parang I’m so sad kasi wala akong lovelife."

Kailan ba siya huling nagka-lovelife?

"Last year, non-showbiz.

"He cheated on me. Nahuli ko sa cell phone.

’"He’s a businessman, twenty-eight siya.

"I like men who are older than me, e."

Si Niña ay 23 years old.

SHOWBIZ CRUSHES. Sino ang crushes niya sa showbiz?

"Ay, oh my God!" bulalas ni Niña.

"Crush ko yung sa Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa, si Rocco [Nacino]!

"I have a crush on him, he’s very guwapo.

"Malakas yung dating niya, e, charming."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi pa raw nami-meet ni Niña in person si Rocco, na 24 years old.

Crush din daw niya si Gerald, na ngayon ay 22 years old na.

Bakit hindi niya sinagot si Gerald nung nanligaw ito sa kanya?

"Kasi nung time na yun, kakagaling lang namin ng Big Brother, e, gusto ko nga yung mas older, mas mature.

"E, bata-bata pa kami nun, medyo may pagka-isip bata pa siya.

"E, ngayon, ang guwapo niya, nag-bloom."

Dagdag pa ni Niña, "Super crush ko na hindi mawawala forever, na kahit may asawa na...

"Hindi ko naman aagawin yun, yung mga peg ko na gusto kong lalaki—Richard Gomez! Ganung ’itsura."

Taga-TV5 din sina Richard, 45 years old, at ang misis nitong si Lucy Torres-Gomez, 36 years old.

"Yeah, I love Tita Lucy!" sambit ni Niña.

Alam ba ni Lucy na crush ni Niña si Goma?

"Hindi. Pero hindi naman sa yung may crush talaga ako na ano...

"He’s very handsome, ganun ang peg ko—brown and manly, mas mature.

"I love them together, they’re such a beautiful couple."

OLDER MEN. Bakit mas gusto ni Niña ang older men?

Sagot niya: "I think I can converse with them better, and they’re more real kausap, more mature.

"The people... I don’t know, ha... my age, parang they’re just playing around, ganun.

"I don’t like yung mga ganun. I want someone real."

So, walang nanliligaw sa kanyang ganun ngayon?

"May mga umaaligid, pero I wouldn’t say na nanliligaw," sabi ni Niña.

SECOND TIME TO POSE FOR FHM. Nitong Agosto ay muling nag-pose si Niña para sa FHM Magazine.

Ito ang pangalawang pagkakataon na naging cover siya ng nangungunang men’s magazine sa bansa.

Aniya tungkol sa pictorial niya, "I’m very happy with the shots, very artistically done, nothing bastos, nothing wild."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinabahan pa ba siya sa second time niyang mag-pictorial for FHM?

"Of course, hindi mawawala yung kaba.

"Pero, I’m more relaxed now, more confident siguro rin because I lost weight."

Willing ba siyang magpa-sexy nang todo?

"Just as long as I don’t show any private or provocative parts, like my breasts or my butt.

"And just as long as the story is worth it, just as long as the character is nice, and everything works well, okay lang."

Halimbawang may project at papipiliin siya ng leading man—si Rocco or si Gerald?

"I think I’d go for Gerald ’coz he’s my friend and my ka-batch," sagot ni Niña.

Nagkikita pa ba sila ni Gerald?

"Not really, dati sa ABS I see him around."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN