Alex Gonzaga reunites with Kean Cipriano in TV remake of P.S. I Love You; admits previous misunderstanding between them

Alex Gonzaga on previous misunderstanding with Kean Cipriano: "Hindi naman ’yon gano’n kalalim. Parang misunderstanding lang ng dalawang magkaibigan. Tapos, hindi na kami nakapag-usap. Hindi na namin napag-usapan. Hindi na namin na-settle ’yong issue. Pero noong nagkita ulit kami, parang wala nang nangyari. So, parang nakalimutan na namin pareho. Kahit hindi na namin iyon napag-usapan."


Masaya si Alex Gonzaga dahil sa November 21 na magsisimulang umere sa TV5 ang bagong seryeng pagbibidahan niya.

Ito ang TV remake ng pelikulang P.S. I Love You (1981), na tinampukan noon nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion at tumabo sa takilya.

"Happy ako kasi mapapanood na naman po ako sa primetime," sambit ni Alex nang makakuwentuhan siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Naganap ang pagkikita ng PEP at ni Alex noong Miyerkules, November 9, sa Studio B ng TV5, pagkatapos ng taping nito para sa Juicy!.

Dagdag ni Alex: "Excited rin kasi ibang kuwento na naman ito.

"’Tapos, ibang mga aratista naman ang kasama ko rito—like si Mr. Gabby Concepcion, si Ms. Dina [Bonnevie], si AJ [Muhlach], Ate Candy [Pangilinan].

"Actually, lahat ng kasama ko rito, except for Kean [Cipriano], ay lahat mga bago kong nakilala.

"First time ko silang nakatrabaho, so excited po ako."

P.S. I LOVE YOU. Malaki raw ang pagkakaiba ng role niya sa P.S. I Love You kung ikukumpara sa Babaeng Hampaslupa, ang unang primetime series na tinampukan niya kasama sina Alice Dixson at Ms. Susan Roces.

Sabi ni Alex, "Sa Hampaslupa po kasi, ang role ko ay mahirap na naging mayaman.

"Dito naman po sa P.S. I Love You, mayaman na naging mahirap.

"Kumpara po sa Hampaslupa, na later on ay naging prim and proper ang character ko, dito naman po ay mag-start ako na prim and proper hanggang palala nang palala dahil sa mga nangyayaring problema sa pamilya namin."

KEAN CIPRIANO. How is it working with Kean again?

"Okey naman.

"Ngayon parang bago pa lang kaming magkakilala ulit dahil ang tagal naming hindi nagkatrabaho. So, iyon.

"Ano pa lang kami ngayon, parang... hindi pa kami magkakilala. Alam mo ’yon?

"Parang bago pa lang kaming magkatrabaho ulit!" napabungis na sabi ni Alex.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Huling nagkasama sina Alex at Kean sa defunct weekly show ng TV5 na BFGF.

Patuloy niya, "Pero okey naman po dahil nakakapag-usap pa rin kami.

"Tapos at the same time, e, parang bago.

"Alam mo ’yong parang hindi nga kami nagkatrabaho dati?"

ADMITS MISUNDERSTANDING WITH KEAN. Parang hindi sapat na rason ’yong matagal silang hindi nagkatrabaho.

May iba pa bang dahilan kung bakit gano’n ang pakiramdam nila sa muling pagtatambal nila?

"Siguro dahil nagkaroon din kami ng konting misunderstanding ni Kean," pag-amin ni Alex.

"Tapos, siguro parang ngayon, e... starting all over kami ngayon ni Kean ng friendship namin. Kaya, ayun."

Dati, napabalitang parang nagkakagustuhan na sila.

Pero tila naudlot ito dahil nga sa napabalitang pagkakaroon nila ng hindi pagkakaunawaan.

Ayaw naman nang idetalye pa ni Alex kung ano ’yong misunderstanding na namagitan sa kanila ni Kean dati.

Aniya, "Hindi naman ’yon gano’n kalalim. Parang misunderstanding lang ng dalawang magkaibigan.

"Tapos, hindi na kami nakapag-usap. Hindi na namin napag-usapan.

"Hindi na namin na-settle ’yong issue.

"Pero no’ng nagkita ulit kami, parang wala nang nangyari.

"So, parang nakalimutan na namin pareho, kahit hindi na namin iyon napag-usapan."

Wala ba talagang ligawan na nangyari sa kanila dati?

"Hindi ko alam!" napabungisngis ulit si Alex.

"Siguro parang... naging close kami kami dahil sa trabaho.

"Tapos ’yon, nagkaroon lang ng konting misunderstanding.

"Pero ngayon, at least kilala na namin ang isa’t isa.

"Alam na namin ’yong hindi namin alam tungkol sa isa’t isa dati.

"Kasi siyempre, nagkakapaan pa kami dati, noong una kaming magkasama sa trabaho.

"Ngayon, at least alam ko na, ’A, ayaw ni Kean ng ganito.’

"Tapos siya rin, alam niya, ’A, ayaw ni Alex ng ganito.’

"So, feeling ko, mas okey ’yong ganito na... nag-start kami na parang hindi pa rin kami gano’n ka-close."

MAYBE THIS TIME? Matuloy na kaya this time ’yong hinihinalang naudlot na pagkakamabutihan na sana nila dati?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natawa si Alex at hindi kaagad nakasagot sa tanong.

"Ayaw ni Mommy Pinty!" patiling biro niya, na ang tinutukoy ay ang kanyang ina na siya ring manager niya.

Bawal pa rin siyang makipag-boyfriend?

"Hindi naman bawal.

"Pero, as of now po kasi, ano... iba kasi ’yong ano namin ni Kean.

"Iba talaga ’yong likes ko sa likes ni Kean.

"So, kumbaga, wala kaming masyadong ano..." Mukhang common interest ang ibig sabihin ni Alex.

Alam niya na nali-link ngayon si Kean sa celebrity stylist na si Liz Uy?

"Oo!" matipid na sagot ni Alex bago napangiti.

Nabibiro ba niyang tanungin si Kean tungkol do’n?

"Ay, hindi naman po. Narinig ko lang naman po ’yon.

"Pero siyempre, ano... hindi kasi kami talaga ano, e...

"Alam mo, para ngang mas close pa nga ako sa ibang kasama namin [sa P.S. I Love You].

"Kasi si Kean, minsan-minsan lang nagti-taping.

"Hindi pa kaming masyadong magka-eksena together."

NO BOYFRIEND YET. Hindi ba siya naiinggit sa ate niyang si Toni Gonzaga?

Umaalagwa ang career ni Toni ngayon at masaya rin ang lovelife nito sa piling ng guwapo niyang boyfriend na si Direk Paul Soriano.

Ani Alex, "Ang ate ko naman po, nakita ko ’yong paghihirap niya.

"Siguro, ano... nakita ko na this time siguro, siguro she’s just reaping kung ano ang kanyang mga itinanim.

"Sa tingin ko, she deserves it naman.

"Kasi grabe naman din ’yong paghihirap ng ate ko before.

"Nakita ko ’yong struggles niya."

At 23 years old, hindi pa nagka-boyfriend si Alex?

"Hindi. Nagkaroon po ako ng ano...may nanligaw po sa akin na non-showbiz. ’Yon lang.

"Isa lang naman po ang nanligaw sa akin ever!" napabungisngis ulit na pagtatapat niya.

Wala siyang mga manliligaw ngayon?

"Sa showbiz, wala.

"Non-showbiz...hindi ko alam kung nanliligaw ba o hindi," tugon niya.

Ano ba ang mas gugustuhin niyang maging boyfriend? Non-showbiz para tahimik at malayo sa intriga? O tiga-showbiz para naiintindihan ang nature ng trabaho niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, ang advice ng ate ko, non-showbiz.

"Kasi, coming from her personal experience, mas gusto raw niya ang non-showbiz para mas tahimik.

"At saka, para kahit papaano raw, meron kang breather outside showbiz.

"’Yong...meron kang life outside showbiz."

WHAT ABOUT KEAN? For sure, may fans sila ni Kean na ang wish ay mauwi rin sa totohanan ang pagiging magkatambal nila.

Ano ang masasabi niya sa mga ito?

"Hindi natin masasabi talaga sa ngayon.

"Kasi, ano talaga kami ni Kean sa ngayon, as of now...we’re starting ulit sa ngayon.

"Kasi nga, ’yong mga naging misunderstanding namin dati, hindi na rin namin napag-usapan.

"So, ngayon siguro, feeling ko, nagkakapaan pa kami.

"Pero, at least, in good terms kami ni Kean.

"At saka, feeling ko...alam mo ’yong isang taong kapag masyado mo nang kilala, parang ang hirap umarte na kasama siya?

"Kasi parang, ’Ay, alam na naman niya na ganito ako,’ ganyan-ganyan.

"Ngayon na parang nagkakapaan kami, na parang hindi pa kami ganoon ka-close, at nagkakahiyaan pa rin kami ngayon, at least parang...mas naaayos namin ’yong trabaho.

"Kasi, parang kapag masyado kang familiar na sa isang tao, may tendency na baka mag-joke ka habang nagtatrabaho kayo.

"At least ’yong professionalism, nando’n talaga," sabi ng isa sa pinaka-promising young leads ng Kapatid network.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN