Gary Estrada wants to run for senator: "Tayo po’y nangangarap talaga... eto naman po’y libre."

Si Gary Estrada ay board member ng 2nd district ng Quezon. Kasama rin siya sa cast ng Kokak ng GMA na pinagbibidahan ni Sarah Lahbati na ipapalabas na sa Lunes ng hapon, November 14. Paano niya naisisingit ang pag-aartista?

"Proper scheduling lang po. Ako nga po ay natutuwa na ring sabihin sa inyo na kahit ako po’y nag-aartista, ako po’y walang absent sa [board] sesyon except my birthday," Gary says.


Kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gary Estrada bilang board member ng district 2 ng Quezon Province at bilang vice-president ng liga ng mga board members.

"As of now we’re gonna have a convention sa December 1, 2, and 3 sa Pampanga and as a board member of the 2nd district of Quezon I think we’re doing very well.

"Kami po ay nakapagpakalat na ng mga nebulizer sa buong distrito, tapos kalahati na po ng mga barangay tanod nabigyan na po namin ng mga vest.

"Tapos aside from that yung mga kalsada po natin na pinapagawa, may tatlong kalsada po kami na pina-bless nung October 16.

"May limang eskuwelahan kaming pinapagawa, may tatlong kalsada pa kaming tatapusin.

"So I think for a board member who doesn’t have funds e, napakarami po naming ginagawa.

"Kasi I always think na at the end of the day, kami po ay pulitiko, ako po ay mamumulitika, napakahirap pong ipaliwanag sa ating mga constituents, na sabihin sa kanila na ako po ay tagagawa lang naman po ng batas.

"Hindi po natin puwedeng sabihin yun pag tayo ay mangangampanya.

"Siyempre mahirap pong ipaliwanag sa tao ito pero iyon po ang katotohanan, na ang aking function po as a board member which is purely legislative wala pong function ito ng executive.

"Pero as far as I know, nagagawan po talaga natin ng paraan ng maglingkod beyond the powers of a board member."

PROPER SCHEDULING. Paano pa niya naisisingit ang pag-aartista?

Kasama si Gary sa cast ng Kokak ng GMA na pinagbibidahan ni Sarah Lahbati na ipapalabas na sa Lunes ng hapon, November 14.

"Proper scheduling lang po. Ako nga po ay natutuwa na ring sabihin sa inyo na kahit ako po’y nag-aartista, ako po’y walang absent sa sesyon except my birthday.

"I try to... kailangan po, kasi ako po ay kakatayin na ng asawa ko. Kasi baka makapaghanap pa po ng iba yun," ang tumatawang sinabi ni Gary.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May 15 ang kaarawan niya.

"Tumapat ng Monday e, Monday, session day namin.

"I usually have my people’s day, iyon yung Monday namin, e.

"So I will be proud to say na kahit ako po’y nagte-taping ako po’y... pagkatapos na pagkatapos ko, kahit puyat, talagang we try to go back to the commitment at lahat ng lakad natin ginagawa po natin talaga."

Kapatid ni Gary si Laguna Governor ER Ejercito na bukod sa pagiging gobernador ay aktibo rin sa pag-aartista.

"Kasama po ako sa pelikula supposedly yung Aguinaldo [El Presidente] pero hindi pa ho kami nagsu-shoot. Iyon ang sabi niya sa sa akin.

"Ang nakunan pa lang yata yung kay Ate Guy [Nora Aunor].

"Kasama daw ako, yun ang napag-usapan namin.

"Supposedly, yung Asiong Salonga [Manila Kingpin: The Untold Story of Asiong Salonga],but sabi ko kay Kuya... I begged off kasi medyo hindi kaya talaga ng schedule ko.

"Tsaka mas gusto ko dun sa mas malaking pelikula, siyempre knowing my brother, I’m gonna abuse him na, aabusuhin ko na ang kabaitan ng kapatid ko.

"And I’m very proud of my brother! Bukod sa pagiging aktibo niya sa paggawa ng pelikula, at the same time, ako po’y natutuwa na napakagaling po niyang gobernador.

"I’m one of the witnesses po kung gaano kagaling ang aking kapatid.

"Usually po, ang isang public servant ay nagtatagal lang po sa opisina hanggang alas-singko lang po ng hapon, pero ang kapatid ko po hanggang alas-sais ng umaga po nagtatagal sa kanyang opisina."

POLITICAL PLANS. Tinanong naman namin si Gary kung totoo na tatakbo siya bilang senador?

"Tayo po’y nangangarap talaga... eto naman po’y libre at sa akin pong sesyon bilang bokal napakarami pong lumalapit sa akin, hindi lang po sa aking bayan.

"Ako nga po’y naiinggit sa aking kapatid, na siya po’y nabigyan ng pagkakataon para maglingkod po sa pinaggalingan po ng aking angkan, ang Laguna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam naman po natin na ang mga Ejercito ay galing sa Laguna at San Juan, so eventually sa dami ng... kasi po ang humihingi sa atin ng tulong e, hindi lang po sa aking bayan, hindi lang sa aking distrito kundi kumbaga iba’t-ibang lugar na rin po.

"I have solicitations not only from the 2nd district of Quezon, I’m helping already the whole province at meron pa po sa mga karatig-bayan natin, so tayo po’y napag-iisip-isip din paminsan-minsan.

"Kaya nga po sabi ko nga po libre naman ang pangarap.

"Hindi po tayo magse-senador, ito po ay malaking hakbang sa atin bukod sa... tayo po ay aabot at aabot diyan."

So kung hindi siya tatakbong senador, ano ang gagawin niya?

"Hindi pa natin alam pero tsaka na natin sasabihin yun.

"Ako po ay nag-aaral pa lang po, pinag-aaralan ko pa lang."

ROLE IN SERYE. Mabait ang papel na ginagampanan niya sa Kokak...

"Kasi nagko-complain na po ang mga constituents ko, huwag muna daw akong gumawa ng salbahe [na role]," ang natatawang sinabi ni Gary.

"To tell you honestly dito, alam naman ninyo po aktor ako. Gagawa po ako ng masama [na role], gagawa po ako ng mabait.

"Pero ngayon po e, mas concentrated ako dito kasi I don’t have much choice lalo na yung mga constituents natin gusto nila mabait ako."

Bukod kina Sarah (na gumaganap na Kara) at Gary (na gumaganap na Renato), nasa Kokak sina TJ Trinidad bilang si Carl at JC Tiuseco bilang si Roco.

Kasama rin sina Jessa Zaragoza bilang Angela; Angelika dela Cruz bilang Vicky; Deborah Sun bilang Veronica; at si Ms. Caridad Sanchez bilang Tiya Berta.

Kasama pa rin sina Frencheska Farr bilang Rafa; Vaness del Moral bilang Elizabeth at si Ervic Vijandre bilang Borge.

Ang Kokak ay sa direksyon ni Ricky Davao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN