Charee Pineda says she waited five years before landing plum role in teleserye

May usap-usapan na may namamagitan kay Charee Pineda at ng isang supporting actor sa serye na si Matt Evans.

"Wala, hindi. Bakit? Hindi po kami," ang pagtanggi ni Charee na mukhang gulat na gulat nang naitanong ito sa kanya. "Hindi kami, wala po talaga. Friends kami ni Matt."


Natutuwa at masaya si Charee Pineda nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dalaga sa presscon ng pinakabagong serye sa ABS-CBN, ang Angelito: Batang Ama.


Ang serye ay pinagbididahan ni JM de Guzman.


Ayon kay Charee, naghintay siya ng limang taon bago natupad ang matagal na niyang ipinagdarasal, ang mabigyan ng malaki at magandang role.


"Nagbunga rin po ang pagdarasal ko. Pero nag-audition pa rin ako para sa role ko bilang si Alyna na mabubuntis nga po ni JM sa serye," kwento ni Charee.


"Hindi po ako nagdalawang-isip, pero nag-audition pa rin ako para sa role.

"Kaya noong sinabi sa akin na ako ang nakuha, sobrang happy ako.

"Sobrang excited and pressured din kasi nga matagal kong hinintay ito.

"Tapos ang ganda pa noong role na ipinagkatiwala sa akin. Sobrang happy din ako at effective yung pagdarasal ko."

ON CHRIS EVANS. Kapareha ni Charee sa Batang Ama si JM, subalit may nakapagbulong sa PEP na may namamagitan sa kanila ng isa sa mga supporting actor sa serye na si Matt Evans.

Dating nagbibida si Matt sa mga serye ng Kapamilya network pero nag-support ito dahil daw kay Charee.

May namamagitan ba sa dalawa?

"Wala, hindi. Bakit? Hindi po kami," ang pagtanggi ni Charee na mukhang gulat na gulat nang naitanong ito sa kanya.

"Hindi kami, wala po talaga. Friends kami ni Matt.

"Lumalabas kami with the group halos magkakasama kami nina Helga, Jessie [Mendiola], Melissa [Ricks], at Matt. Kaya siguro nabibigyan ng ganoong balita kasi lumalabas nga kami.

"Hindi kami made-develop kasi po ang turingan talaga namin [sa isa’t-isa ay] magkakapatid.

"Magkakapatid kami kasi kapag may problema ako o sinuman sa grupo, siya ang nag-aadvice since siya ang pinakamatanda sa grupo, kumbaga siya yung tagapayo."

Paano kung manligaw sa kanya si Matt, may pag-asa kaya?

"Hindi siya nanliligaw. Pero kung manligaw siya, hindi ko po alam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Matt kasi, kilala ko po siya noon pa, kaibigan ko na siya noon pa man."

Pinoprotektahan ba niya ang pagtatambal nila ni JM sa serye kaya hindi niya inaamin ang relasyon nila ni Matt?

"Wala akong pinoprotektahan. Wala ring dapat itago, friends talaga kami ni Matt kasi lumalabas kami na magkakasama, grupo talaga."

Saan kaya nanggaling ang usap-usapan?

"Siguro dahil sa group kami at nakikita nilang magkakasamang lumalabas kaya nabibigyan ng meaning.

"Kapag lumalabas kasi kami laging isang grupo, never na kaming dalawa lang."

Sinabi pa ni Charee na alam naman niyang single si Matt dahil nagtatapat din ito ng problema sa kanila.

"Kasi kami-kami nagbibigay ng advice sa isa’t isa. Kami-kami nagsi-share ng problem kaya alam kong single siya.

Nag-ugat ang balitang may namumuong relasyon kay Charee at Matt dahil may nakakakita sa kanila sa taping ng Batang Ama na sweet sa isa’t isa.

"Ay grabe naman, imbento na yun. Hindi, wala talaga.

"Wala akong boyfriend ngayon. Mamatay na ako ngayon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN