Krizza Neri already a fan of Kapuso stars before joining reality singing contest Protégé

Ang mentor ni Krizza Neri sa Protégé ay si Aiza Seguerra. Kamusta naman ito?

"Napakabait, napaka-supportive at para ko na siyang pangalawang magulang. ’Naytay,’ yun po ang tawag ko sa kanya," 16-year-old Krizza says.


Hindi ikinakaila ni Krizza Neri na bago siya mapili ng kanyang mentor na si Aiza Seguerra na maging protégé nito from Cagayan de Oro, isang masigasig na tagahanga si Krizza ng mga Kapuso artists na sina Jennica Garcia at Kris Bernal.

Miyembro raw siya ng online fans ng mga ito.

Ayon kay Krizza, "Bago po ako sumali sa Protégé, fan po talaga ako. Sumali po ako sa fans club ng dalawa.

"Super active po ako. Lalo na po noong 2007 tapos, nag-end po ako noong 1st year high school po ako."

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Krizza kung bakit ngayon lang niya naisipang mag-join ng singing contest at mas inuna pa niya ang sumali sa fans club.

Natatawang sabi naman niya, "Actually, parang may nag-push lang sa akin.

"Hindi nga po sana ako mag-o-audition dito, noong second screening, doon na lang ako na ’Sige, try ko na lang din po.’"

Sixteen years old pa lang si Krizza. Nag-aaral siya sa Ateneo de Cagayan.

Nasa 1st year college ng AB International Studies pero tumigil muna raw siya ngayon.

Mga 11 years old daw siya nang magsimulang mag-join ng fans club.

Kuwento pa niya, "At first kasi, active muna ako sa pagiging Krispers then, nag-start din ako mag-Jennica, parang sabay po."

SUPPORTIVE TWEETS. Masaya naman si Krizza na ngayon, ang mga idols naman niya ang sumusuporta sa kanya. Parehong nagtu-tweet ang mga ito sa mga followers nila na iboto siya.

"Sabi nga po ng mentor ko, nagtu-tweet sila kaya nakakatuwa po. Masaya po. Parang na-overwhelm po ako noong sinabi nila."

Kumusta namang mentor si Aiza?

Nakangiting sabi niya, "Napakabait, napaka-supportive at para ko na siyang pangalawang magulang.

"’Naytay,’ yun po ang tawag ko sa kanya."

Masuwerte nga ang mga protégé sa kani-kanilang mga mentors dahil madalas ay binibigyan sila ng mga ito ng kung anu-anong gamit or pinagsa-shopping.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Krizza, "Lahat naman po kami, nabibigyan ng mentors namin. Ako po, binigyan po ako ng watch.

"Siguro dahil doon, parang ako lang ang tinitingnan ng mga tao na binigyan niya, pero kapag titingnan po ang lahat ng protégé, lahat naman po."

Sino sa mga kasamahan niya ngayon ang sa tingin niya ay dapat makapasok sa finals?

"Hala! Actually po, ang ka-close ko po sa loob, si Lirah [Bermudez], So Wat [singing group], at si Kuya Kenneth [Monico].

"Siguro po kung ako na ang isa, ano ba yun!" natatawa na nahihiya niyang sabi.

"Pero siguro po, So Wat at si Kuya Kenneth po."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN