Randy Santiago dismisses rumors that Happy Yipee Yehey! will soon get the axe: "Stable kami. At hindi naman gagawin ng Channel 2 na... ay, huwag na ito, iba naman!"

Ano ang naging pakiramdam ni Randy Santiago nang unang pumutok ang matitinding isyu tungkol sa bata niyang kapatid na si Raymart Santiago at ang asawa nitong si Claudine Barretto?

"Mahirap magsalita!" Randy says. "E... respeto rin sa kapatid ko siyempre. And kung anuman ’yong pinagdadanan niya siyempre, e... ang importante ’yong paniniwala ng tao. Dahil Santiago ’yan, e. Di ba? Marami kasi ang lumalabas na... di ba? Kun




Last Thursday (November 10), may mga nakakita kay Raymart Santiago na nagpunta sa ABS-CBN. Nagkaroon ng haka-haka na may plano itong umalis sa GMA-7 at lumipat sa Kapamilya network.

Tungkol nga dito ang unang naitanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isang panayam kay Randy Santiago, ang nakatatandang kapatid ni Raymart.

"Hindi," natawang sagot agad ni Randy kahapon, November 11, matapos ang airing ng Happy Yipee Yehey.

"May ka-meeting lang siya tungkol sa heli-vision, ’yong pinapa-rent niyang pang-helicopter na camera.

"’Yong ginamit sa Pinoy Biggest Loser. Iyon yun kaya siya nasa ABS."

Mailap sa pagpapa-interview si Raymart at kahit ang asawa niyang si Claudine Barretto tungkol sa isyung pagkawala ng 5 million pesos sa joint account ng mag-asawa at pati na rin sa tsismis na hiwalay na sila.

Kung meron mang mga paglilinaw kaugnay nito, mga official statements lang. Wala ’yong tell-all o full-blown interview para maliwanagan ang mga isyu.

Si Randy bilang kapatid nga ni Raymart, hindi maiwasang matanong din tungkol dito. Pero hangga’t maaari raw, ayaw niyang magsalita patungkol sa usaping ito.

Aminado siya na sinabi ni Raymart sa kanya tungkol sa kasalukuyang pinagdadananan nito at ni Claudine.

"Siyempre. Siyempre naman.

"Pero hindi ko kasi pinakikialaman, e.

"Ako ’yong kuyang ayoko ring pakialaman siyempre."

Pero ano ang naging pakiramdam niya nang unang pumutok ang matitinding isyu tungkol kina Raymart at Claudine?

"Mahirap magsalita!" napahalakhak si Randy.

"E... respeto rin sa kapatid ko siyempre.

"And kung anuman ’yong pinagdadanan niya siyempre, e... ang importante ’yong paniniwala ng tao. Dahil Santiago ’yan, e. Di ba?

"Marami kasi ang lumalabas na... di ba? Kung kanino na lang kayo maniniwala."

ON SIS-IN-LAW, CLAUDINE. Kumusta ang relasyon naman nila ng hipag niyang si Claudine?

"Hindi pa kami nagkikita.

"So... bata kasi si Claudine. Bata pa lang ano... na namin.

"So whatever comes out of her mouth... hindi ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Huwag lang maa-ano... huwag lang talagang tuluyang masira ’yong pamilya nila.

"So kung anuman ’yong pinagdaraanan nila, sa kanila kasi iyon, e."

Sinegundahan ni Randy ang sinasabi nina Raymart at Clauidine na hindi hiwalay ang mga ito at intact pa rin umano ang pagsasaama nila bilang mag-asawa.

"Oo!"

Pero may tsismis na matagal na umanong hiwalay ang dalawa at pinagtatakpan lang daw ng mga ito ang totoong situwasyon?

"Oo nga. Iyon ang ano...

"Pero hindi naman nangyari, e."

May isyu pa sa pera dahil sa nawawala umanong 5 milyon sa joint account ng mga ito.

"Kasi ’yong pera... napakaliit na bagay ’yong pera, e.

"Dahil... di ba? Napakaliit na dahilan para pag-awayan kung saka-sakali.

"So... hindi iyon ang talagang issue. Wala namang issue tungkol sa pera."

ADVICE TO RAYMART. Ano ang payo niya kay Raymart sa panahong nagtapat sa kanya ito ng mga problema?

"Bilang kuya, siyempre gusto lang natin na maging tahimik kung anuman ’yong pinag-aawayan nila.

"Para sa kanilang dalawa lang dapat. Dahil... hindi naman kailangang palakihin.

"Although siyempre, hindi naman ugali ni Raymart ’yong nagsasalita. Kaya nga wala kang maririnig sa kanya.

"Pero ’yong paniniwala ng tao, malalaman mo naman siyempre kung sino ’yong naaagrabyado.

"Wala namang naaagrabyado, e, in the first place.

"Kung saka-sakali na... di ba may mga maririnig ka na kinuha ni Raymart ’yong pera [5 million na nawala sa joint account ng aktor at ni Claudine].

"At the end of the day, hindi ka naman maniniwala na si Raymart ang kumuha ng pera, di ba?

"Kumbaga, e... huwag lang masira ’yong pangalan namin. Dahil wala naman kaming record na gano’n."

Kahit hindi naman nababakante sa trabaho si Raymart bilang artista, at may mga negosya ito, may mga impresyon na mas may pera si Claudine kesa rito.

May reaksiyon ba si Randy hinggil dito?

"Kakatapos lang nga ni Raymart ng Futbulilits [sang serye sa GMA 7], di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mas may pera si Claudine? Ah... hindi naman.

"Conjugal ’yan, e... ’ika nga.

"Ako... ang pamilya ko... ako ang nagtatrabaho sa amin. Ang misis ko naman nasa bahay lang.

"Pero ang suma-total no’n... pareho ’yon. Maghiwalay man o kung anuman ang mangyari, hati-hati iyon."

HAPPY MARRIED LIFE. Ano ba ang sikreto at napapanatili niyang matibay ang bigkis ng kanyang pamilya?

"Ang sikreto ay ’yong... nakasama sa buhay ko... si Marilou [Coronel, his wife]. Mas matatag siya kesa sa akin.

"So sa mga pinagdaanan namin... imagine ilang years na kaming magkasama... 23 years na.

"May mga naririnig siya pero hindi niya pinaniniwalaan."

Hindi siya naging babaero o unfaithful sa buong panahon ng pagsasama nila?

"Hindi talaga. Dahil iniiwasan [ko] din, e.

"Sa industriya natin, kita mo naman... Ang dami-daming mga... kumbaga kung may tukso, di ba?

"Pero never pumasok sa ’yo. Dahil... trabaho lang talaga."

Bukod sa pagiging mabuting asawa, sinikap din umano ni Randy na maging isang mabuting ama sa tatlong anak nila ni Marilou.

"Malalaki na sila! Beynte uno na ang panganay ko. Disi-nuwebe ’yong pangalawa. Ten years old ’yong bunso."

ON WILLIE REVILLAME. Gaya ni John Estrada, hindi pa rin sila nagkakaayos ng matalik na kaibigan nilang si Willie Revillame simula nang sumama ang loob nito sa kanilang dalawa.

Ilang buwan na rin ang dumaan at marami ang nakaantabay kung kailan kaya sila magkakabati-bating muli.

"Ako naniniwala na isang araw, talagang magbabati-bati kami.

"Dahil wala naman kaming pinag-awayang... hindi malalim para sa amin iyon.

"Ito ay isang tampuhan lang na... siyempre, alam naman natin na hindi maganda ang relasyon nila [Willie] sa Channel 2. Kaya... di ba?"

Paano kaya, kung sa hindi sinasadyang pagkakataon, ay magkita sila ni Willie?

"Hindi naman mangyayari ’yon. Unless planado," natawang sabi ni Randy.

Sa mga showbiz events?

"Wala. Iba naman ang events ng Channel 2. Iba ang events ng Channel 5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Puwede kaming magkita-kita kung talagang paplanuhin namin [nina John at Willie] para magkita-kita.

"Pero... hindi pa panahon. Wala pa lang... hindi pa nangyayari, e.

"Kunyari, gusto kong pumunta sa bahay niya. Bakit hindi?

"Hindi naman ako ipagtatabuyan no’n, di ba?

"Hindi naman gano’n ang pagkatao ni Willie.

"Unang-una, siyempre magkasama kami dati. Kung iti-trace n’yo ang panahong magkasama kami ni Willie, e magkasama kami sa banda noon pa.

"Iisa ang grupo namin. Siyempre ’yong mga grupong nasa likod niya ngayon, nakakasama ko rin.

"So alam niyang nagmamahalan naman kami. Wala namang problema.

"Pamilya niya... kilala niya ang pamilya ko. ’Yon lang.

"Bale hindi lang nagkakaroon ng pagkakataong magkita kami. Pero sooner or later it will happen.

"Na talaga namang... wala lang, itatawa lang namin.

"Hindi naman kami magsusumbatan. Kami e... isang matinding yakap, ayos na ’yon."

ON MARIEL RODRIGUEZ. Lately, may lumabas ding isyu tungkol sa dati nilang co-host sa Happy Yipee, Yehey! na si Mariel Rodriguez na ngayon ay co-host na ni Willie sa Wil Time Bigtime.

Ipinagbabawal daw ng management ng ABS-CBN na banggitin o batiin ang pangalan ng actress-TV host sa anumang programa ng Kapamilya network?

"Hindi totoo ’yon!

"Hindi totoo ’yon. Hindi totoo ’yon.

"Walang gano’ng sinasabi sa amin. In fact, nainterview pa nga ako kung kumusta na si Mariel.

"Sabi ko... mami-miss at mami-miss mo rin. Dahil siyempre nakatrabaho mo rin naman ’yon, e."

Balitang nadagdagan ang mga sponsors ng HYY. At nataon pa ito sa panahong nawala na si Mariel.

"Hindi naman totoong sa pagkawala ni Mariel, nadagdagan ang sponsors namin.

"Hindi totoo ’yon!" sabay tawa ni Randy.

"Hindi. Talagang ano... alam mo naman na kapag November at December, nagpapasukan ang mga commercials.

"Dahil siyempre... Christmas season."

E ’yong tsismis na namimiligrong masibak na sa ere ang HYY dahil hindi pa rin makaungos sa Eat Bulaga?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi mangyayari iyon. Dahil... naniniwala kami sa grupo. Hindi naman basta-basta tatanggalin ’yong grupo [HYY] na ganitong klase katibay.

"Stable kami. At hindi naman gagawin ng Channel 2 na... ay, huwag na ito, iba naman!" kampanteng paniniyak ni Randy.

"Kumbaga, kaya nga kami kinuha dahil ’yong tiwala ng istasyon nasa amin.

"Na... steady lang kayo, pagandahin n’yo... ang mahalaga lang diyan masaya ’yong taong nanonood sa inyo. Di ba?

"Ang mahalaga ay masaya ’yong mga taong nanonood."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN