TJ Trinidad on working with Sarah Lahbati: "[She’s] very, very determined to make it dito sa industriya natin and alam mo yun, she’s so focused on work talaga."

TJ Trinidad describes his role in Kokak, where he plays Sara Lahbati’s leading man: "In a nutshell, ako yung actually... medyo may pagka-subservient ako, may pagka-under ako pagdating sa relationship, e," he says.

"So medyo mahina yung loob ko and because of Kara, yung character ni Sarah, magiging confident ako, ipaglalaban ko yung pagmamahal ko sa kanya."


Tinanong ng PEP. ph (Philippine Entertainment Portal) si TJ Trinidad kung ano ang masasabi niya ngayong leading man siya ni Sarah Lahbati sa Kokak, ang serye sa GMA na magsisimula na sa Lunes, November 14.

"I feel great! Siyempre I feel great na pinili ako to be the leading man of Sarah kasi I know they’re building up Sarah right now and it’s nice to be paired up with someone na hindi ko pa nakakatrabaho.

"So I’m very excited," says TJ.

Hindi sila magka-edad ni Sarah; nahirapan ba siyang mag-adjust?

"Oh yeah, well alam mo yun, nag-workshop naman kami, just a process of getting comfortable with your co-actors.

"Tapos, ayun... you just have to try to be believable [in] your role.

"First taping day pa lang, nag-meet na kami, yung mga characters namin, so okay naman. I think mas gaganda pa.

"Alam mo yun, parang there’s nowhere else to go but up, you know."

Ano ang tingin niya kay Sarah bilang baguhan?

"[She’s] very, very determined to make it dito sa industriya natin and alam mo yun, she’s so focused on work talaga.

"Hindi siya maarte, parang hindi siya kuntento na yung take na yun okay na, gusto niya talagang pagandahin pa.

"So I admire that, na it’s not just about, you know, trying to be famous or, you know, the popularity.

"It’s about the craft first, so I admire that."

HIS ROLE. TJ’s role in Kokak...


"In a nutshell, ako yung actually... medyo may pagka-subservient ako, may pagka-under ako pagdating sa relationship, e.

"So medyo mahina yung loob ko and because of Kara, yung character ni Sarah, magiging confident ako, ipaglalaban ko yung pagmamahal ko sa kanya."

Kanino siya mahina ang loob sa kwento ng Kokak?

"Kay Elizabeth, kay Vaness del Moral, girlfriend ko siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tapos ma-in love siya kay Kara?

"Yes, pero worlds apart [kami] kasi rich-poor, mayaman kasi ako, mahirap siya."

ON ANNABELLE RAMA. Dahil manager ni TJ si Annabelle Rama, ano ang reaksyon niya sa isyu sa pagitan nina Annabelle at Nadia Montenegro?

"You know I worry about her kasi you know people... may threshold yan, e.

"Kahit sabihin mong you know, it’s okay na may controversy ganyan, parang may threshold yan, e.

"It takes a toll on a person, e. Parang sana tumigil na muna...

"Magpahinga na muna si Tita Annabelle sa mga controversies na dumadating sa kanya you know," ang natatawang sinabi ni TJ.

"Ano lang, it’s sad lang, it’s unfortunate na nagkakaganyan... na may alitan, you know, sila ni Nadia."

Si TJ ba, nakaaway na ni Annabelle?

"Hindi pa."

Napagalitan?

"Alam mo pag nagagalit yan, hindi naman yung na-i-imagine ninyo or nakikita ninyo sa TV na malakas ang boses or sumisigaw.

"Pag nag-uusap kami hindi naman siya... pag may opinyon, nag-uusap... alam mo yun?

"Yung open siya sa mga sinasabi ko, iniintindi ko rin yung mga sinasabi niya.

"So hindi umaabot sa ganun na, I mean yung image niya na nakikita ninyo.

"Ibang-iba siya off-cam, para sa akin, ha? Hindi pa naman umaabot sa ganun."

WORKING WITH RICKY DAVAO. Ang Kokak ba ang unang pagkakataon na madirek siya ni Ricky Davao?

"Hindi, first time with him ay sa isang Maalaala Mo Kaya episode na kasama si Tuesday Vargas."

Nakatrabaho na rin ni TJ si JC Tiuseco na ka-love triangle niya sa Kokak.

"Si JC nakatrabaho ko siya sa Sana Ngayong Pasko."

Isa itong Christmaserye ng GMA noong December 2009.

Si Sarah lang talaga ang first time niyang makatrabaho.

"And I like that it’s a challenge. I like na parang there’s a challenge, there’s a, you know, at first there’s always an element of doubt, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi lang sa amin kundi sa mga tao, sa mga fans, lahat, di ba?

"I mean may element of doubt, pero I think we can ano naman e, maipapakita namin na maganda yung... na magiging maganda yung chemistry namin."

HAPPY RELATIONSHIP. TJ says he is in a happy relationship right now.

Hindi kaya pagselosan ng girlfriend niya si Sarah?

"Hindi. Alam mo yung mga ganyan siyempre there’s, you know your own person.

"However she feels, however she might feel, she’d feel, right? But hindi siya selosa, e."

Yung guwapo na yun ni TJ, hindi selosa ang GF niya?

"Actually hindi, e. She’s a very secure lady.

"Sinasabi lang nga niya sa akin na ’Don’t suck in your work.’

"Mas concern niya yun, yung devotion ko sa craft ko is more her concern than ano kasi when you’re acting and all that, every project is always a new challenge.

"Hindi porke’t matagal ka na, alam mo yun, hindi porke’t you did soaps before you know, you’re not doing the same thing, e.

"You’re trying to do something different and something original and something fresh every time you work, every single role you play.

"And there’s always a possibility that you’ll fail.

"So I always take her advice na ’don’t suck in your work.’"


May wedding plans na ba sila?

"Plans-plans pa lang."

May balitang sa susunod na taon ay magpapakasal na ang dalawa; hindi ba na-advance ang petsa ng kanilang plano?

"Hindi pa naman, hindi pa naman."

Baka naman magaling lang siyang magtago; baka kasal na sila?


"Hindi pa naman, pinag-uusapan pa lang," ang tumatawang sinabi ni TJ.

Bukod kina Sarah, TJ, Vaness at JC, nasa Kokak rin sina Gary Estrada bilang Renato; Jessa Zaragoza bilang Angela; Angelika dela Cruz bilang Vicky; Deborah Sun bilang Veronica; at si Ms. Caridad Sanchez bilang Tiya Berta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama rin sina Frencheska Farr bilang Rafa; at si Ervic Vijandre bilang Borge.

Ang Kokak ay sa direksyon ni Ricky Davao.

Nasa The Road rin si TJ, ang pelikula ng GMA Films na ipapalabas na sa November 30.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN