Janelle Manahan recounts last day with boyfriend Ramgen Revilla

Paano ba ni Janelle Manahan (above) at Ramgen Revilla iginugol ang araw na yun ng Biyernes, October 28, bago ang panloloob sa kanilang bahay at pagkapatay sa nobyo at pagkabaril at pagkasaksak sa dalaga.

Base pa rin sa "written interview" kay Janelle ni Cheryl Cosim para sa Aksyon Prime ng TV5, ikinuwento nitong namalagi sila sa kuwarto buong araw, nanuod ng pelikula, kumain ng tanghalian, merienda at hapunan. Bonding time kumb


Noong Biyernes, November 11, 2011, idinetalye ni Cheryl Cosim sa kanyang programang Deretsahan sa Radyo Singko, 92.3 NewsFM ang kanyang nakuhang exclusive "written interview" kay Janelle Manahan para sa Aksyon Prime ng TV5.

Nilinaw ng Radio-TV news anchor na isang written interview ito dahil hindi pa nga makagalaw nang maayos si Janelle matapos itong sumailalim sa opersayon.

Nilagyan si Janelle ng titanium plates at aayusin ang mga natamaan ng bala at saksak sa kanyang mukha at katawan.

Sa pamamagitan ng pagsulat, kinamusta ng News5 si Janelle at ito naman ang sagot ng dalaga, "A lot better, medyo hirap kasi hindi pa rin ako makapagsalita."

Sunod na itinanong sa kanya ay ano ang mga nami-miss niya na kadalasan niyang ginagawa bago ang trahedyang nangyari sa kanila.

Ani Janelle, "Mag-Internet, Facebook, Twitter, at pakikipag-usap sa mga kaibigan. Manuod ng sine. Kumain sa labas."



Sa ngayon kasi, hindi pa siya puwedeng humawak ng laptop at cellphone at hindi puwedeng manuod ng TV o palabas na gusto niya.

Ito raw ang mahigpit na bilin ng kanyang mga doktor.



Na-miss na rin daw niya ang paborito nilang pagkain ni Ram na steak.

Madalas daw na nagluluto sila ng steak ng kasintahan noong nabubuhay pa ito.



Na-miss na din daw niya ang chicken barbecue, pasta, salad, at sashimi.



Kapag magaling na daw siya, ang una daw niyang pupuntahan ay tabing-dagat. Mahilig kasi sa surfing si Janelle.

THE RELATIONSHIP. Sa exclusive report ni Cheryl, inamin ni Janelle na katangi-tangi para sa kanya ang unang anniversary nila noong February 7, 2007.

Dahil daw ang regalong ibinigay sa kanya ng kasintahan ay isang Charriol bracelet na hanggang ngayon ay patuloy pa rin niyang isinusuot.

At nang naging sila na raw, lagi raw may pasalubong sa kanya si Ramgen.


Ang nami-miss daw niya sa boyfriend ay: "Yung kakulitan at sweetness niya.

"Napaka-maalaga. Very protective at seloso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mabait at malambing.

"Very sweet at napaka-childlike ang pagiging makulit niya.

"He will treat you like a princess.

"There was never a dull moment."



LAST DAY WITH RAMGEN. Sunod na itinanong kay Janelle ay kung paano ba nila iginugol ang araw na yun ng Biyernes, October 28, bago ang panloloob sa kanilang bahay at pagkapatay sa nobyo at pagkabaril at pagkasaksak sa kanya.



Base pa rin sa written interview kay Janelle, ikinuwento nitong namalagi sila sa kuwarto buong araw, nanuod ng pelikula, kumain ng tanghalian, merienda at hapunan.

Bonding time, kumbaga, dahil buong araw lang silang magkasama.



Dagdag pa niya, "He was practising this song, ’The Way I Do’ by Marcos Hernandez.

"We sang all night."



Paulit-ulit daw na inawit ni Ramgen noong gabing yun ang naturang kanta.



Ang ’The Way I Do’ ay kanta ni Marcos Hernandez, isang mang-aawit mula sa Dallas, Texas.

Ang naturang kanta ay second single ni Marcos sa kanyang album na C About Me, na inilabas noong 2005 at naging sikat sa South Africa.

Patuloy pa ni Janelle, ang kulit-kulit daw ni Ramgen noong araw na yun.

May sinulat pa raw ito sa kaliwang bahagi ng kanyang tadyang na ang sabi ay, "Ram Revilla, I heart you forever."

Hindi agad nasabi kay Janelle na pumanaw na ang kasintahan pero sa ngayon ay alam na niya ang mga pangyayari.

"Ipinagdarasal ko sa Panginoon na magkaroon ng mabilisang hustisya," aniya.



Kung makakausap naman daw ngayon ni Janelle ang nobyo, sasabihin daw niya dito na, "I will not stop until na mahanap ko ang justice that he deserves."



Dagdag pa na kuwento ni Janelle, lagi daw niyang napapanaginipan ang pumanaw na kasintahan.

Isa raw sa naging panaginip niya ay nakita niyang nagmamaneho si Ramgen.

Ang sabi raw nito sa kanya, "Ang suwerte mo binigyan ka ng second chance to live."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Tapos nagising na siya, gusto daw niyang matulog ulit baka daw madugtungan yung panaginip, pero hindi na siya nakatulog.

RELATIONSHIP WITH RAMGEN’S FAMILY. Inusisa naman si Janelle tungkol sa relasyon niya sa pamilya ng nobyo.

Kuwento nito, "I was very close to them, like my own."



Sunod na tanong sa kanya ay ang tungkol sa relasyon nito sa ina ng nobyo na si Genelyn Magsaysay.



Nagbigay naman ng mensahe si Janelle para kay Genelyn, nakasaad pa rin sa kanyang written interview na: "I’m really confused about what’s going on.



"Tita, I love you po like a mom and you know that. Sana po magtulungan tayo sa paghanap ng hustisya para kay Ramgen."



Sa huli nagbigay ng mensahe si Janelle para sa mga kapatid ni Ram.

Saad nito: "Mahal na mahal kayo ni Ramgen.

"He always wanted the best for you.

"He wanted you all to have a bright future.

"He’s very protective, pero mahal na mahal niya lang talaga kayo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN