John Estrada says he will not ask Willie Revillame to be godfather to his new baby: "Malalim ang sama ng loob niya sa akin."

John Estrada and wife Priscilla Meirelles are expecting a girl in February 2012. Do they have a name for the baby yet?

"Pinag-iisipan pa namin. Tumitingin pa kami sa mga... una ang tinitingnan namin e Bible. Pero, a... hindi pa kami solved talaga so wala pa kaming exact full name," John says.


Iba ang sigla ni John Estrada nang makakuwentuhan ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) Biyernes, November 11, matapos ang live airing ng Happy Yipee Yehey.

Masaya kasi siya sa piling ng asawa niyang si Priscilla Meirelles.

"Okey na okey," aniya.

"Excited na kami kasi malapit na ang February na due ng panganganak niya."

Baby girl daw ang parating nilang munting anghel. Pero wala pa raw silang naiisip na ipapangalan.

"Pinag-iisipan pa namin. Tumitingin pa kami sa mga... una ang tinitingnan namin e, Bible.

"Pero, a... hindi pa kami solved talaga so wala pa kaming exact full name."

Kumusta naman ang naging paglilihi ni Prsicilla? Hindi ba ito nahirapan?

"Medyo suwerte naman dahil wala naman... hindi naman siya masyadong nahirapan sa pagbubuntis niya.

"Siguro ’yong first few months lang... nakita ko siya na sumusuka.

"Konting kain, kapag hindi niya nagugustuhan, medyo isinusuka niya. But now, okey na."

WHERE’S THE CHEESE? Ano ’yong laging iniri-request sa kanya ni Prsicilla no’ng time ng paglilihi nito?

"Uhm... ang alam ko malakas siya sa cheese, e. Mahilig siya sa keso.

"So... ’yon lang ang parati niyang... kapag naggu-grocery kami, marami siyang kesong binibili," natatawang sabi ni John.

Pagkapanganak ba ni Priscilla, papayagan niya itong mag-showbiz kung gugustuhin ng dating Brazilian model-beauty queen?

"Never naman talaga siyang naging active sa showbiz. Ah... mas more siya sa commercials at modeling.

"Pero kung anuman ang gusto niyang gawin e, susuportahan ko siya."

Last year, bumisita sila sa Brazil kung saan nakabase ang buong pamilya ni Priscilla. Kailan kaya ulit sila babalik doon?

"Hindi pa siguro. At saka mas gusto naman talaga ng pamilya niya na... gusto rin nilang pumupunta rito. So sila na lang muna."

GOOD RELATIONS. Nakakatuwa na na-maintain ni John ang magandang relasyon niya sa mga anak niya kay Janice de Belen.

Ano ang nasasabi ng mga ito ngayong magkakaroon sila ng bagong kapatid?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Yong mga anak ko talagang ano... mahilig sa mga babies ’yon.

"So alam kong 120 percent wala akong magiging problema sa mga anak ko tungkol sa bagong magiging kapatid nila."

Artistahin din ang mga anak niya kay Janice. Paano kung may magka-interes na pumasok sa showbiz?

"Nasa kanila na ’yon.

"Well, mas gusto kong makatapos muna sana sila ng pag-aaral nila.

"Third year college na ’yong panganay ko. Second year college naman ’yong pangalawa ko.

"So... actually ’yong panganay ko kinukuha ng ABS-CBN for the longest time pero... ayaw niya.

"So... happy naman ako na mas gusto niyang mag-aral."

MORE ADS. Happy rin daw si John sa programa nilang HYY. Lalo na nang nadadagdagan pa ang mga sponsors nila.

"Opo!" pagkumpirma niya.

"At masaya kami dahil dumadami ang sponsors. Tapos medyo... siyempre nagdu-double digit na tayo," pagtukoy niya sa tumataas na rin na ratings ng show.

"So... happy kami do’n. And... siyempre nando’n pa rin ’yong ano na... ’yong katapat namin e, haligi na ng industriya," patungkol niya sa Eat Bulaga!

"But, a... sinusubukan naman namin ’yong best namin. At saka ang hangad lang naman namin dito, e magpasaya ng tao."

Kung sabagay, kung panonoorin mo silang lahat na hosts ng HYY, mukhang hindi naman sila nag-aalala tungkol sa ratings o sa competition.

Mukhang masaya sila araw-araw sa show.

"A... wala!

"Ang sinabi lang naman sa amin ng management... basta masaya lang kayo at magpasaya lang kayo."

MAJOR SULKING. Ilang buwan na ang nakalipas nung nagkasamaan sila ng loob ng matalik niyang kaibigang si Willie Revillame.

May mga nag-aantabay kung possible kayang magkaayos na sila nito lalo na’t palapit na nang palapit ang Pasko?

Kumusta na nga ba sila ni Willie ngayon?

"Hindi pa kami nagkakausap ulit, e," matipid na sagot ni John.

Maliit lang ang mundo ng showbiz. Magku-krus din ang kanilang landas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano kung isang araw ay magkita sila sa isang okasyon?

"Well, a... magandang tanong ’yan. Dahil honestly, medyo in-anticipate ko rin ’yan.

"Kung ano ang magiging reaksiyon niya o magiging reaksiyon ko.

"Sa akin, wala namang problema.

"Ako’y naniniwala na... nagtampo siya.

"At hindi kami nakapag-usap mula noong tinawagan niya ako... in-on the air niya ako sa Willing Willie pa no’n.

"So, hindi ko nasabi ang side ko.

"Although tinext ko siya. At sinubukan ko siyang tawagan.

"Pero, hindi na siya sumasagot.

"Hanggang pinalitan na niya ’yong number niya."

Nakikiramdam lang ba siya ngayon kung ’yong tungkol sa samaan nila ng loob ni Willie ang pag-uusapan?

"Wala namang problema sa akin, e.

"One of these days naman, talagang magkikita kami... magkakasalubong kami.

"Siguro ako ang unang-unang magha-hi. Babatiin ko siya."

GODFATHER WILLIE? Sa kasal nila ni Priscilla, hinangad niyang si Willie ang maging best man pero umatras si Willie nang magkatampuhan sila.

Sa magiging anak ni Priscilla, naisip na ba niyang gawing ninong si Willie?

"A... to be honest, hindi siguro.

"Dahil alam kong hindi naman siya pupunta.

"At hindi naman niya i-a-acknowledge iyon, e.

"Malalim ang sama ng loob niya sa akin.

"Ang maganda naman kay Willie, a... marami rin naman siyang naging kaibigan din na... mas matindi pa ang pinagdaanan nila.

"Mas matindi pa ’yong nasabi sa kanya.

"E, ako naman... confident ako dahil wala akong nasabing anumang masama sa kanya.

"A... hindi lang kami talaga nagkaintindihan.

"Talagang tumanggap lang naman ako ng trabaho dahil may pamilya rin ako.

"So, uhm... ’yong mga sinasabi kong kaibigan niya noon na maraming sinabi sa kanyang masama, e... iyon yung kaibigan niya ngayon.

"So gano’n siyang tao. Na siguro naman in time, makakalimutan niya rin [yung sama ng loob niya]."

May panghihinayang ba siyang nararamdaman sa nasira nilang pagkakaibigan ni Willie bunga ng hindi nila pagkakaunawaan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre! Oo naman.

"Sana nga, a... hindi [kami nagkasira ni Willie].

"Pero... gano’n talaga, e," panghuling nasabi ni John.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN