Maricel Soriano finally faces the media after "storm" in her life

Nilinaw ni Maricel Soriano sa media na may mga pinagdaanan siya kaya hindi muna ito nagpapakita at pansamantala siyang nawala.

"Medyo may dumating lang na konting unos sa buhay natin. Yung pagkawala ng Mom ko na hindi ko kinaya. Pero ngayon okay naman na. Bawat unos naman na napagdaaan natin ay meron namang kapalit na maganda," she says.


Medyo alanganin pa si Maricel Soriano na humarap sa ilang movie press na nag-cover sa pictorial ng Yesterday Today Tomorrow, na ginanap sa Valencia studios ng Regal Films kaninang hapon (November 13).

Tumabi si Mother Lily Monteverde kay Maricel para alalayan ito nang magpa-interview ang Diamond Star sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment reporters.

Sina Mother Lily na ang nakiusap sa media na huwag munang pag-usapan ang isyung pinagdaanan ng Diamond Star, lalo na ang kaso nito sa dating kasambahay na naghabla kay Maricel ng physical abuse.

Nilinaw ng aktres na may mga pinagdaanan siya kaya hindi muna ito nagpapakita at pansamantalang nawala.

"Medyo may dumating lang na konting unos sa buhay natin. Yung pagkawala ng mom ko na hindi ko kinaya.

"Pero ngayon, okay naman na. Bawat unos naman na napagdaaan natin ay meron namang kapalit na maganda," medyo naaalangan pang sagot ni Maricel.

Hindi naman niya dinetalye kung ano pa ang ibang mga dumating sa buhay niya na itinuturing na unos.

"Basta hinarap ko siya nang buong ningning!" bulalas nito.

"Marami tayong dinadaanan sa buhay na pagdadaanan uli natin, na mahirap, na kakayanin natin, o kinakaya natin.

"Pero kailangan nating maging malakas at maging matatag, di ba? Mahirap, pero kailangang kayanin natin.

"At kailangan nating harapin at kailangan nating magpakatotoo.

"Iyun naman ang importante sa lahat, kailangan nating magpakatotoo," dagdag pa niyang pahayag.

"Marami tayong pinagdaanang mali, at masasabi nating mali dahil napagdaanan natin.

"Marami tayong maituturo sa mga kaibigan natin, para maitama ang mali," saad pa nito.

Ang Diyos lang daw ang tanging kinakapitan niya para makayanan niyang harapin ang mga pinagdaanan niyang unos.

Malaki ang pasasalamat niya kay Mother Lily Monteverde na laging nasa tabi raw niya at hindi siya pinababayaan.

Itong Yesterday Today Tomorrow ang pelikulang handog daw niya sa 40th year niya sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CHANGING MANAGER. Itong pelikula rin daw ang huling project na naibigay sa kanya ng dati niyang manager na si Malou Choa-Fagar.

Si Vic del Rosario na raw ang magma-manage sa kanya, pero ayaw pa muna niyang pag-usapan kung kailan siya babalik sa TV.

Identified si Boss Vic sa TV 5 at, malamang, magiging Kapatid talent din si Maricel.

Pero wala pang kinukumpirma ang Diamond Star.

Ang pagkakaalam daw niya ay baka sitcom ang gagawin niya, pero mas mabuting ang tungkol na lang daw muna sa pelikula ang pag-usapan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN