For director Ricky Davao, Sarah Lahbati is "the next star to watch"

Ricky Davao on directing Sarah Lahbati in GMA-7’s afternoon fantaserye, Kokak: "Sarah really impressed me and this girl will go very far. [She] is not just pretty and tall, she can act as well. Kaya alam ko na she will make it. She is the next star to watch. She can be the next Marian Rivera!" Direk Ricky gushes.


Proud na proud ngang sabihin ng award-winning actor-turned-director na si Ricky Davao na ang "next star to watch" para sa kanya ay ang bida ng Kokak na si Sarah Lahbati.

Bumilib raw si Direk Ricky sa pinakita na acting range ni Sarah sa unang taping pa lang ng panghapon na fantaserye sa GMA-7.

Inakala raw nila na hindi makukuha ng baguhang aktres ang pinapagawa sa kanyang eksena, pero sumobra pa raw iyon sa kanilang inaasahan.

"We were all amazed with Sarah’s performance. Nagulat talaga kami kasi unang taping day pa lang, napabilib na niya ako," sabi ni Direk Ricky.

"Kumbaga, sinubukan ko na ang kakayahan ni Sarah... Binigyan ko na siya agad ng mahirap na eksena.

"I want to see how far she can go with the scene.

"Doon ko malalaman kung hanggang saan ang kaya niya at matutulungan namin siya sa kung ano ang kulang.

"Ganyan din ang ginawa ko noon kay Jackie Rice when we started taping Sisid.

"Mahirap kaagad ang pinagawa ko para mahasa na sila agad.

"Kaya nagulat talaga ako kasi ilang araw lang ang workshop nila for Kokak.

"They didn’t have a lot of time kasi may hinahabol na nga kaming airing.

NEXT MARIAN RIVERA. "Sarah really impressed me and this girl will go very far.

"[She] is not just pretty and tall, she can act as well.

"Kaya alam ko na she will make it. She is the next star to watch.

"She can be the next Marian Rivera!" diin pa ni Direk Ricky.

Marami raw mapapanood na gagawin si Sarah sa fantaserye at game na game daw ito.

Yun raw ang gusto ni Direk Ricky sa mga baguhang artista.

"Yung passion to work hard ang gusto kong makita sa isang artistang baguhan.

"Hindi lahat ng mga baguhang artista ngayon ay meron iyon. May mga okey lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May mga tine-take for granted ang trabaho nila at meron yung seryoso talaga.

"Lately, mga nakakatrabaho kong mga young stars ay masisipag.

"Inaaral nila ang mga linya nila at ginagawa nila ang best nila para maganda ang kalabasan ng trabaho nila.

"Yan naman ang maganda. We need new stars to build up at masayang makita na maraming seryoso sa mga kabataan ngayon."

HE ALMOST SAID NO. Inamin ni Direk Ricky na muntik na niyang hindi tanggapin ang pagdirek sa Kokak dahil mas gusto niya munang bumalik sa acting kaya niya tinanggap ang Kung Aagawin Mo Ang Langit.

Masyado raw siyang napagod sa pagdirek ng Sisid kaya pahinga sana muna siya.

"Gusto ko umarte muna. Ayokong ma-stress ulit. Mas madali pala ang umarte na lang!" tawa pa niya.

"But they made me read the script of Kokak kahit na tinanggihan ko na yung project.

"But when I read the script, nagustuhan ko ang pagkakasulat.

"It’s a love story na kakaiba. May mystery, may magic, may romance.

"Kumpletos rekados, kaya mabuti na lang na-convince akong gawin ito.

"Ibang-iba na siya from the original movie that starred Rachel Lobangco.

"Though yung ibang eksena nandiyan pa rin, updated na lahat. Tapos mas maraming characters na.

"Sa totoo lang, na-challenge ako sa pagdirek nitong serye because may mga special effects kami.

"Yung transition ni Sarah sa pagiging palaka niya is something na dapat nilang panoorin.

"First time akong gumawa ng ganitong fantasy at alam kong mahirap siya.

"But that’s the challenge and I am glad na tinanggap ko itong project."

LOOKING FOR THE RIGHT PROJECT. Tinanong si Direk Ricky kung kelan naman siya magsisimulang magdirek ng pelikula.

May mga alok ba sa kanya na magdirek ng mga indie films?

"Meron naman pero hindi pa tayo handa.

"I still need to gain more experience para hindi naman tayo mapahiya, if ever magdirek na ako ng movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ibang chapter na yan ng career natin, e. From TV director to film director.

"May mga mag-e-expect na ng malaki sa atin. I want to be ready and find the right project to direct.

"Right now, masaya na ako sa ginagawa ko sa GMA-7.

"They are giving me good projects as an actor and as a director.

"Dito muna concentration natin. If ever a good material for a movie comes along, who knows, baka gawin ko na rin," pagtatapos pa ni Ricky Davao.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN