Angelica Panganiban ignores poser on Twitter; fulfills wish to celebrate birthday in Boracay

Angelica Panganiban on choosing to celebrate 25th birthday in Boracay with Derek: "Gusto lang talaga namin ang mga panahon na magkakasama kami, like yung hiningi ko sa kanya."


Isa si Angelica Panganiban sa mga artistang nakilala sa pagbibigay ng kanyang opinyon at saloobin sa networking site na Twitter.

Kilala rin siya na walang inuurungan at talagang sinasabi kung anuman ang saloobin niya.

Noong Miyerkules, November 9, hindi na naman napigilan ni Angelica na magsiwalat ng nararamdaman sa kanyang Twitter account dahil sa pinaghihinalaang poser niya.

Ang poser ay isang tao na nagpapanggap bilang ibang tao.

Sa Twitter ni Angelica noong November 9, sinabi nitong, "Nakakainis yung poser ko.... Nakaka stress ka.. Wala kang sariling identity :("

Kaya naman sa panayam ng The Buzz kay Angelica na ipinalabas kahapon, November 14, ay nilinaw niya ang tungkol sa isyung ito.

Sabi ng Kapamilya actress, "Ang weird lang na parang wala silang sariling identity. Parang ginagaya nila ako.

"Siguro, talagang fan lang siya na gustong maging ako."

Wala naman daw magawa si Angelica sa poser niyang ito.

Aniya, "E, kasi kung ano ang tinu-tweet ko, tinu-tweet din niya.

"So, the choice is yours. Kayo na lang ang bahala."

May mensahe ba siya sa poser niya?

"Wala...e, nandoon siya, e. Wala na ’kong magagawa," pagkikibit-balikat ni Angelica.

ANGELICA’S BIRTHDAY. Ganunpaman, kahit may poser na nanggugulo kay Angelica, hindi naman daw ito naging hadlang para maging masaya ang naging selebrasyon niya ng kanyang kaarawan noong November 4 sa Boracay.

Kuwento ng 25-year-old actress, "Kumpleto ang family ko at saka kasama si Derek [Ramsay, her boyfriend].

"Kaya lang, si Derek, nasa loob lang din ng resort kasi nga, nilalagnat siya.

"Tapos yung Banana Split family, yung days na nasa Boracay ako, sumunod din sila para maki-celebrate.

"Kahit ang layo-layo ko sa Manila, dinadayo ako ng mga tao para lang makasama ako sa birthday ko."

Bakit sa Boracay niya naisipang mag-celebrate?

"Gusto lang talaga namin ang mga panahon na magkakasama kami, like yung hiningi ko sa kanya [Derek]," sagot ni Angelica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa birthday celebration naman niya sa Banana Split, naging emosyunal si Angelica sa sorpresang pagdating ni Derek.

Umiiyak nga nitong sinabi sa kanyang message during her birthday celebration: "Parang naiisip ko lang na hindi pala ako nagkamali ng desisyon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN