Sarah Lahbati denies being third party in rumored breakup of Enzo Pineda and Louise delos Reyes

Sarah Lahbati on being involved in the reported breakup of Enzo Pineda and Louise delos Reyes: "Nagulat ako dahil malayong mangyari yun, kasi since busy kami lahat sa work tapos parang... Natawa na lang ako, pero iyon ang totoo, hindi po talaga ako."


Ang StarStruck V Ultimate Female Survivor at Kokak star na si Sarah Lahbati ang sumalang sa "Don’t Lie to Me" segment ng Showbiz Central ng GMA-7 kahapon, November 13, Linggo.

Sa umpisa ng naturang portion, hosted by John "Sweet" Lapus, medyo naiba ang segment dahil isang video clip ni Derrick Monasterio ang ipinalabas.

Nali-link ngayon si Derrick kay Sarah.

Si Derrick ang unang nagtanong kay Sarah: "Kung sakaling manligaw ba ako sa iyo, may pag-asa ako?"

"Yes" ang sagot ni Sarah, at "Truth" ang naging resulta nito sa truth-verifier machine.

Tinanong ni Sweet si Sarah kung ano ang mga katangiang gusto niya kay Derrick.

Sagot ng 18-year-old actress, "Ano siya, makulit, mabait.

"Pero yun nga po, sa ngayon... in the future, we never know.

"Pero of course, ngayon, career muna, work muna."

ENZO-LOUISE RUMORED BREAKUP. Ang pangalawang tanong kay Sarah ay kung totoong siya ang dahilan ng diumano’y paghihiwalay nina Enzo Pineda at Louise delos Reyes.

Bago kasi nagkaroon ng ligawan sa pagitan nina Enzo at Louise, sina Enzo at Sarah ang naiugnay sa isa’t isa.

"No" ang sagot ni Sarah sa tanong, at "Truth" muli ang naging resulta sa truth-verifier machine.

Sa palagay ba ni Sarah ay mag-on na sina Louise at Enzo, o exclusively dating pa rin ang dalawa?

"Hindi ko po alam, I don’t know po, e," iwas niya.

Ano ang reaksiyon niya na siya ang pinagbibintangang dahilan ng breakup diumano ng dalawa?

Sabi ni Sarah, "Yun nga po, nagulat ako dahil malayong mangyari yun, kasi since busy kami lahat sa work tapos parang...

"Natawa na lang ako, pero iyon ang totoo, hindi po talaga ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN