Angel Locsin on status of relationship with Phil Younghusband: "Kami ay dalawang taong in love. Yun kami ngayon."

Angel Locsin on relationship with Phil Younghusband: "Definitely, ibang level na siya compared do’n sa dating dating, getting-to-know... Iba na ngayon. Makikita na may picture ako sa kanya. Kasama siya sa picture ko."


Kahit na madalas na nakikitang magkasama at sweet sa isa’t isa sina Angel Locsin at Phil Younghusband, hindi pa rin masagot ng aktres ang tanong kung may relasyon na nga ba sila ng football player.

Sa panayam ng The Buzz kay Angel na ipinalabas kahapon, November 13, bagamat hindi nito mabigyan ng label kung anuman ang namamagitan sa kanilang dalawa, hindi naman niya itinanggi na sila ay parehong in love.

Saad ni Angel, "Relasyon? Hindi ko alam.

"Pero kami ay dalawang taong in love. Yun kami ngayon.

"Pero relasyon...yun, dalawang in love na tao."

Pero sila na ba ni Phil? Mag-boyfriend-girlfriend na ba sila?

"Kapag tinanong ako ni Phil, sasagutin ko kayo.

"Pero sa akin kasi, title lang naman yun.

"Ang importante, yung happiness na nararamdaman ko kapag kasama ko siya, e, hindi mapapantayan ng kahit na anong title."

Dagdag pa ni Angel, "Basta, si Phil, sobrang bait talaga.

"Sobra. Wala akong masabi.

"And, yun nga, yung masaya ka lang. Basta...iba, iba."

Wala rin siyang masabing exact date o kung ilang months na ang pagiging in love o masaya nila sa piling ng isa’t isa.

"Wala kami yung, ’O, ’eto tayo, ganito-ganyan.’

"Siguro yung habang nagdaan ang panahon, masarap.

"Masarap ang feeling. Try n’yo!" natatawa pa niyang sabi.

Kung may masasabi man daw si Angel, siguradong higit na sa pagiging magkaibigan ang anumang namamagitan sa kanila ni Phil ngayon.

"Definitely, ibang level na siya compared do’n sa dating dating, getting-to-know... Iba na ngayon.

"Makikita na may picture ako sa kanya. Kasama siya sa picture ko," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN