Lucy Torres-Gomez "happy" about fellow Congressman Manny Pacquiao’s latest victory

"I’m very happy that Manny won. Hindi naman biro yung dinaanan niyang preparation for this. So, it’s another victory for the Filipino people," says Ormoc City Representative Lucy Torres-Gomez about the latest, if controversial, win of Saranggani Congressman Manny Pacquiao.


Aminado si Ormoc City Representative Lucy Torres-Gomez na fan siya ni Sarangani Congressman Manny Pacquiao pagdating sa boxing.

Kaya nga nanood muna siya ng ilang rounds ng laban ni Manny kontra kay Juan Manuel Marquez kahapon, November 13, bago umere nang live ang Paparazzi Showbiz Exposed, kung saan guest co-host siya for two weeks na.

Nagkataon kasing may libreng showing ng laban para sa mga empleyado ng TV5 sa Studio A, na katabi lang ng studio ng Paparazzi, kaya’t doon na rin nagpa-makeup at nagpaayos ng buhok si Lucy.

Nang sumalang na siya sa Paparazzi ay hindi pa rin nakalimutang magpa-update ni Lucy sa nangyaring laban.

At isa nga si Lucy sa mga natuwa nang husto nang malamang nanalo si Manny.

FELLOW LAWMAKERS. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lucy pagkatapos ng Paparazzi, at tungkol nga sa tagumpay ni Manny ang una naming napag-usapan.

Bilang kasamahan sa Kongreso ni Manny, ano ang feeling niya sa panalo nito kontra kay Marquez?

Sabi ni Lucy, "I’m very happy that Manny won.

"Hindi naman biro yung dinaanan niyang preparation for this.

"So, it’s another victory for the Filipino people."

Nasubukan na ba niyang manood nang live sa laban ni Manny?

"Oo, nanood ako, yung kay Hatton," sagot niya.

Ang sinasabi ni Lucy ay ang International Boxing Organization (IBO) light welterweight championship bout ni Manny kontra kay Ricky Hatton ng United Kingdom.

Ginanap ito noong May 2, 2009 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Nanalo si Manny via knockout sa second round.

Ayon kay Lucy, inimbitahan naman daw siya ni Manny na manood ng laban nito kay Marquez, kaya lang ay may prior commitment na raw siya.

"Nag-invite naman si Manny sa lahat, kaya lang this time, may conflict talaga sa schedule.

"May naoohan kaming trabaho na nakakahiya naman pag binitin namin," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MANNY IN CONGRESS. Okay ba ang samahan nila ni Manny sa Congress?

"Yes," mabilis na sagot ni Lucy.

"Manny is very nice, very down to earth.

"Magka-ano kami, e... yung opisina namin, magkatapat."

Bumabati ba si Manny pag nagkikita sila?

"Oo, he’s very nice to everybody.

"Hindi lang sa kanyang fellow representatives, kahit sa mga staff sa Congress."

Nagkakausap din daw sila kapag may session sa Congress.

"Sa Congress, nagkakausap din kami. Very light conversations lang," banggit pa ni Lucy.

Ano ang kadalasan nilang pinagkukuwentuhan?

"Palagi naming ’tinatanong sa kanya kung ano ang kinakain niya before the fight.

"And one of those nga yung tinola."

Sigurado raw na magkakaroon ng victory party ang Congress para kay Manny, tulad ng nangyari sa nakaraang mga panalo ng champion boxer-politician.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN