Lucy Torres-Gomez balances time between showbiz and Congress

"Showbiz is such a fun world. For all they say na it’s magulo, madumi, ganun din naman sa lahat sa other kinds of work. Sa showbiz, lahat ng gulo, lahat ng saya nire-report," says TV host-politician Lucy Torres-Gomez.


Bagamat mahirap, nag-e-enjoy naman daw si Lucy Torres-Gomez sa kanyang trabaho bilang representative ng Ormoc City, Leyte.

"Oo, nag-e-enjoy ako. Wala naman yun sa hirap, e.

"Siguro in my case, I respect the opportunity, I respect this chance to be able to do something with a real purpose.

"Masaya lang ako na dumating siya sa time na bata pa ako, may energy pa ako."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lucy pagkatapos ng Paparazzi Showbiz Exposed kahapon, November 13.

Sa pagpasok niya sa pulitika, napatunayan niya ba ang sinasabi ng marami na diumano’y mas matindi ang intriga sa pulitika kaysa sa showbiz?

"Hindi naman," sabi ni Lucy.

Dahil ba hindi siya naiintriga at malinis ang kanyang image bilang kongresista?

Sagot ng misis ni Richard Gomez, "Hindi lang sa malinis na image, ang challenge talaga sa pulitika is how you deal with people.

"Kasi lahat ng klaseng karakter nandodoon."

Hindi ba naapektuhan ang trabaho niya sa Congress ng kanyang showbiz commitments?

"No, binabalanse ko siyempre for both showbiz and Congress.

"Ayokong nagsasapaw ng schedule kasi ayokong may nabibitin.

"In showbiz kasi, I have to be professional, in politics I have to be responsible.

"Hindi puwedeng may iiwan ka dun."

TALK SHOW HOST. Tulad ng sabi ni Lucy, hindi naman niya iniwan ang showbiz kahit nasa pulitika na siya.

Kaya nga tumatanggap pa rin siya ng hosting jobs, product endorsements, at ilang acting stints.

Gaya nga ng pagiging guest co-host niya sa Paparazzi. Siya kasi ang pansamantalang pumalit kay Ruffa Gutierrez habang nasa abroad ito.

Two Sundays nang wala si Ruffa sa show dahil noong una ay pumunta siya sa TV5 international caravan sa Middle East, at nitong Linggo nga ay nanood naman siya ng laban ni Manny Pacquiao sa Las Vegas.

Nag-report pa si Ruffa sa Paparazzi ng mga kaganapan pagkatapos ng laban.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi na bago para kay Lucy ang paghu-host dahil dati na nga niya itong ginagawa.

Ilang taon ang itinagal sa ere ng lifestyle magazine show niya noon sa QTV Channel 11 na The Sweet Life.

Aniya pa, "This one I’m very comfortable, kasi dito [hosting] talaga ako napunta, e, pagpasok ko sa showbiz.

"I never think of it as being in front of a camera. I think of it lang as being with friends."

Kung magkaroon ng offer na mag-host regularly ng showbiz talk show, tatanggapin niya ba ito?

"Oo, parang ganito naman ang mga shows na ginagawa ko, e.

"It’s really just kuwentuhan about real life."

Malaking factor din ba na kakilala niya ang mga co-host niya katulad sa Paparazzi?

"Oo, kilala yung co-host.

"Showbiz is such a fun world.

"For all they say na it’s magulo, madumi, ganun din naman sa lahat sa other kinds of work.

"Sa showbiz, lahat ng gulo, lahat ng saya nire-report."

GUEST ROLE IN PANDAY 2. Once in a while, tumatanggap na rin ng acting jobs si Lucy.

Pero biro nga niya, huwag lang daw yung iyakan at complicated yung role.

May guest role nga si Lucy sa Panday 2, ang entry ng GMA Films at Imus Productions sa Metro Manila Film Festival 2011.

Pinagbibidahan ito ni Senator Bong Revilla; at kasama rin sa cast sina Marian Rivera, Iza Calzado, at Phillip Salvador.

Kumusta ang shooting with Bong?

"Okay lang. It was very nice.

"Wala kaming scene together. Ang scene ko lang was with Iza.

"But Bong was there the whole time na nagsu-shoot kami.

"He’s very nice."

Ano naman ang role niya?

"Engkanto or engkantada."

One day lang daw siya nag-shoot.

"Mabilis lang naman. It was just one day.

"Malayo yung location, pero I am very comfortable.

"The food was good. Merong tent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Senator Bong was charming because nagkukuwentuhan kaming tatlo nina Iza about little facts lang."

Masusundan pa ba ang paggawa niya ng pelikula?

"Kung may magbibigay ng classroom!" biro ni Lucy.

Isa kasi sa projects ni Lucy sa Ormoc ang pagpapagawa ng additional classrooms at schools para sa mga estudyante.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN