Gabby Concepcion reunites with Maricel Soriano in MMFF entry Yesterday Today Tomorrow; might reunite with Sharon Cuneta in TV5

Gabby Concepcion on Sharon Cuneta’s rumored transfer to TV5 next year: "Well, excited ako in the sense na, at least, ang industriya, gumagalaw, nagiging exciting. Pero hindi ko na-confirm, naririnig ko lang. In fact, tinatanong lang din sa akin kung gaano katotoo. Ako, nalalaman ko lang kung ano nalalaman n’yo. Nag-aabang lang din ako kung ano ang mangyayari."


Ginanap ang pictorial ng buong cast ng isa sa mga entries ng Regal Entertainment sa Metro Manila Film Festival 2011, ang Yesterday Today Tomorrow, sa Regal office sa Valencia compound, San Juan City kahapon, November 13.

Present ang buong cast na kinabibilangan nina Maricel Soriano, Gabby Concepcion, Dennis Trillo, Lovie Poe, Carla Abellana, Agot Isidro, Paulo Avelino, Eula Caballero, at Solenn Heussaff.

Ang tanging wala lang ay si Jericho Rosales.

Sa nasabing pictorial ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabby Concepcion.

NOT A REMAKE. Nilinaw ni Gabby na ang ginagawa nilang pelikula ay hindi remake o sequel ng Regal movie na Yesterday, Today, & Tomorrow na ipinalabas noong 1986.

Kasama rin sa cast ng naunang pelikulang yun sina Gabby at Maricel, pati na rin sina Vilma Santos, Snooky Serna, Richard Gomez, at Eddie Garcia.

"It’s just a title," sabi ni Gabby.

"Tinanong nga sa akin kung ano ang gusto ko raw. Sabi ko, lahat na lang.

"Kasi, yesterday is today and tomorrow never comes.

"Actually, ang role ko dito, mag-asawa kami ni Carla [Abellana].

"Kami naman ni Maricel, mag-ex kami.

"So, kung dati, dalawang lalaki. Ngayon naman, dalawang babae ang kuwento."

SOMETHING IN COMMON WITH CARLA’S DAD. Dahil si Carla ang gumaganap na asawa ni Gabby sa pelikula, naitanong ng PEP sa aktor kung nakasama ba niya noon ang ama ng young actress na si Rey "PJ" Abellana, na isa ring matinee idol nung kabataan nila.

Nangiting kuwento ni Gabby, "Nagkita kami ni PJ...actually noon, nagkita kami sa hospital.

"Sabi ko, ’Pare, ano ang ginagawa mo rito?’

"’Nanganganak ang asawa ko.’

"Sabi ko, ’Si Sharon rin.’" Gabby was once married to Sharon Cuneta.

"Sabay na sabay kami.

"Yung panganay ko [KC Concepcion], at siya naman, second niya.

"Doon kami naging close ni PJ, kasi we have something in common—yung anak namin, parehong ipinapanganak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, ’yang si PJ, nakakasama ko ’yan.

"Nagkakatawagan kami.

"’Pare, may trabaho na ba?’

"’Wala pa nga.’

"’O, maghintay lang tayo. Ganoon talaga.’"

REUNION MOVIE WITH MARICEL. Nagsisilbi namang reunion movie nina Gabby at Maricel ang Yesterday Today Tomorrow.

At hindi naitago ang excitement ni Gabby sa pangyayaring ito.

Huling nagkasama sina Gabby at Maricel sa pelikulang Minsan Lang Kita Iibigin ng Star Cinema noong 1994.

Ano ang nakikitang pagkakaiba ni Gabby sa kanila ni Maricel ngayon almost 20 years after?

Sagot ng aktor, "Wala, e...parang nagtatrabaho ulit kami.

"Actually, noong dumating ako dito [sa Pilipinas], si Maria ang isa sa mga una kong hinanap talaga, kaya nakakatuwa."

Dito sa Yesterday Today Tomorrow, karamihan ng mga kasama nina Gabby at Maricel ay itinuturing na new breed of stars.

Ayon kay Gabby, "Oo nga, mga new breed of stars, just like us noong bagong pasok kami noong ’80s.

"Sa TV5, mga bago rin lahat. Everybody’s delicate...they are young, starting their career.

"Nakaalalay lang tayo sa kanila and vice versa.

"We learn something from them and they learn something from us."

GABBY AS A KAPATID. Nang bumalik si Gabby sa Pilipinas noong 2008—pagkatapos ng 13 years na paninirahan sa Amerika—ay naging exclusive talent siya ng ABS-CBN.

Pero ngayon ay sa TV5 na mapapanood si Gabby.

Kasama siya sa seryeng P.S. I Love You, na hango sa pelikula nila noon ni Sharon Cuneta.

Pero nilinaw ni Gabby na hindi ito remake ng movie nila ni Sharon.

"No, hindi, e. Ang partner ko dito is Dina Bonnevie.

"But actually, hindi naman talaga siya P.S. I Love You, the movie with Sharon.

"Something, something na may P.S. I Love You. Dadagdagan pa nila, hindi ko lang alam."

GABBY-SHARON TANDEM IN TV5? Dahil nasa Kapatid network na ngayon si Gabby, naitanong din sa kanya ang tungkol sa usap-usapan na diumano’y lilipat na rin daw si Sharon Cuneta sa TV5 by January 2011.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(CLICK HERE to read related story.)

Pag nagkataon, magkakasama rin sila ng dating asawa.

Ano ang masasabi ni Gabby rito?

"Oo nga raw," sambit niya.

"Well, excited ako in the sense na, at least, ang industriya, gumagalaw, nagiging exciting.

"Pero hindi ko na-confirm, naririnig ko lang.

"In fact, tinatanong lang din sa akin kung gaano katotoo.

"Ako, nalalaman ko lang kung ano nalalaman n’yo.

"Nag-aabang lang din ako kung ano ang mangyayari.

"Parang shooting ’yan, e. Hindi mo alam kung ano ang mangyayari sa eksena.

"Yung magic na nangyayari sa sine... Kapag nagti-take na, doon nagkakaroon ng magic."

Posible kaya na sa Kapatid network maganap ang balik-tambalan nila ng Megastar?

"Kahit saan naman puwedeng mangyari.

"Puwedeng mangyari, puwedeng hindi," sagot ni Gabby.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN