Gabby Concepcion on rumored breakup of KC and Piolo Pascual: "Sa tingin ko, mukhang okay naman sila. Okay naman sila."

Gabby Concepcion on reports that daughter KC repeatedly cries over Piolo Pascual: "Naku, alam n’yo sa isang relationship, may ganoon talaga. Hindi natin maiiwasan yun. And in a relationship, you always have to work on it. So, whether umiiyak siya or hindi, hindi ko naman nabibilang yun. But I’m sure, meron yun."


Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabby Concepcion sa cast pictorial ng Regal Films Metro Manila Film Festival 2011 entry na Yesterday Today Tomorrow.

Ito ay naganap sa Regal office sa Valencia compound, San Juan City kahapon, November 13.

Matapos siyang tanungin tungkol sa kanyang papel sa nasabing pelikula at sa paglipat niya sa TV5, kinumusta rin ng PEP kay Gabby ang kalagayan ng anak nila ni Sharon Cuneta na si KC Concepcion.

Ayon kay Gabby, huli silang nagkausap noong birthday niya noong November 5.

Kuwento ng 47-year-old actor: "Binati niya ako noong birthday ko.

"Sabi niya, kakanta nga raw siya sa Indonesia [for the SEA Games]. Haping-happy nga raw siya.

"Sabi ko, ’Good luck. I’m proud of you, my lovely daughter.’"

KC-PIOLO RUMORED BREAKUP. Nitong mga nakaraang linggo ay lumabas ang balita tungkol sa pagkakalabuan daw ng relasyon ni KC at ng boyfriend nitong si Piolo Pascual.

Pero hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa malinaw kung sila pa nga ba o hindi na.

Sabi naman ni Gabby tungkol dito: "Oo nga, balita ko nga rin.

"Hindi ko nga alam kung ano ang nangyari sa kanila.

"E, siyempre ako, gusto ko rin sanang malaman.

"Hindi naman sa nakikialam ako.

"Pero kung meron siyang [KC] gustong sabihin, baka puwede ko siyang bigyan ng advice kung hihingi siya.

"Pero siyempre, private issue yun, e.

"Nag-usap kami one time about that, pero wala, nagtatanong lang siya in general."

Pero kumusta sina KC at Piolo?

"Sa tingin ko, mukhang okay naman sila. Okay naman sila.

"Siyempre, habang dumaraan ang bawat araw, hindi natin alam kung may improvement.

"Sila lang ang nakakaalam no’n."

Kung hihingi sa kanya ng advice ang anak, ano ang sasabihin niya?

Ayon kay Gabby, "Palagi naman siyang nanghihingi ng advice. But the ultimate decision is hers.

"Siyempre, I trust her decision. I’m always behind her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You know, ’Think before you decide. Follow your heart above all.’

"And she’s old enough naman to decide on what’s good and what isn’t. What’s good for her and what’s not."

ON PIOLO. Diretsahang tinanong si Gabby kung naniniwala ba siya sa usap-usapan na diumano’y palaging pinapaiyak ni Piolo ang kanyang anak.

Ayon sa aktor, "Naku, alam n’yo sa isang relationship, may ganoon talaga. Hindi natin maiiwasan yun.

"And in a relationship, you always have to work on it.

"So, whether umiiyak siya or hindi, hindi ko naman nabibilang yun.

"But I’m sure, meron yun.

"It’s normal yun, e. Dumadaan sa relasyon ng isang tao yun.

"Better to have loved than never to have loved at all."

May nabago ba sa impression niya kay Piolo simula nang magkaroon ng mga isyu sa pagitan nito at ni KC?

Saad ni Gabby, "Well, hindi ko naman kilala si Piolo simula’t sapul.

"Hindi naman kami nagda-dialogue. Hindi naman kami nag-i-small talks.

"Wala naman kaming pelikula, wala naman kaming teleserye."

Hindi pa ba naipakilala ni KC si Piolo sa kanya nang personal?

"Wala, wala kaming encounter.

"Nagkakaroon lang kami ng encounter, like pictorial for Star Magic, ganoon lang.

"Pero, wala kaming family get-together or sit-down dinner or lunch.

"Bumabati naman siya [Piolo] kapag pictorial namin sa Star Magic.

"Pero, wala kaming usapan, or nangyari na ano nangyari sa buhay n’yo.

"But, of course, I won’t start it. Private life nila yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN