GMA-7 places its bet on Alden Richards, Kristoffer Martin, and Derrick Monasterio as next Kapuso leading men

NEXT IN LINE: (L-R) Kristoffer Martin, Alden Richards, and Derrick Monasterio are being groomed by their home network to become the next Kapuso leading men.


Ang tween boys ng GMA-7 na sina Alden Richards, Kristoffer Martin, at Derrick Monasterio ay bini-buildup ngayon ng kanilang mother studio para maging future leading men sa TV at pelikula.

Bukod kasi sa mga guwapo, matangkad, at malakas ang dating sa mga babae, nagpapakita na rin ng husay ang tatlong ito sa kanilang pag-arte, pag-awit, at pagsasayaw— na siyang kailangan para ma-buildup nang husto ang kanilang image sa publiko.

Sa 2012, full blast na ang pag-launch kina Alden, Kristoffer, at Derrick as Kapuso heartthrobs.

Ipapares din sila sa iba’t ibang young actresses at bibigyan ng mga role gaya ng binibigay sa current crop of leading men ng GMA-7 na sina Richard Gutierrez, Dennis Trillo, Aljur Abrenica, Mark Anthony Fernandez, TJ Trinidad, at Dingdong Dantes.

Kaya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kina Alden, Kristoffer, at Derrick, inamin nilang nae-excite sila sa mga magiging projects nila.

Pangako nga nila na hindi nila bibiguin ang mga nagtitiwala sa kanila sa Kapuso network.

ALDEN RICHARDS. Magse-celebrate na ng kanyang first anniversary sa showbiz si Alden Richards ngayong December 8.

Ito raw ang date kung kailan siya napili upang maging isa sa leading men ni Louise delos Reyes sa hit afternoon telefantasya na Alakdana.

Ngayong magwa-one year na siya sa showbiz, marami na raw nangyaring maganda sa buhay ni Alden, na noon ay simpleng estudyante lang na paminsan-minsan ay gumagawa ng TV commercials at sumasali sa male beauty pageants.

Sabi ng 18-year-old actor, "It’s been a good year for me and God is so good for giving me this career in showbiz.

"Hindi ko po inakala na mapapasok ko ang trabahong ito.

"Simple lang po naman ang mga pangarap ko at yun ay ang makatulong ako sa family ko.

"Ngayon ay natupad ko na po ang pangako na iyon sa family ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Napag-aaral ko na ang isang kapatid ko at nakakatulong na po ako sa mga gastusin namin sa bahay."

Malaki-laki na raw ang naiipon ni Alden dahil sa mga naging trabaho niya sa TV.

Iniipon daw niya ang bahagi ng talent fees niya dahil pangarap niyang magpagawa ng magandang bahay balang-araw.

Sabi pa ni Alden, "Right now, yung second-hand car na nabili ko ang pinakamalaking purchase ko.

"May mga nabili na po akong mga bagong gamit para sa bahay din namin.

"Dream ko po magpagawa ng magandang bahay sa Laguna kunsaan kami nakatira.

"Kaya ipon lang tayo nang ipon.

"Hindi naman po ako maluhong tao dahil mas iniisip ko yung maging praktikal.

"Mahirap ang kumita ng pera ngayon kaya maingat ako sa mga pinaggagastusan ko."

ACTING CHALLENGE. Katatapos lang ni Alden ng kanyang second movie na The Road ng GMA Films, na ipapalabas na sa November 30.

Itong suspense-thriller/horror film ni Direk Yam Laranas ay nagbigay raw ng malaking acting challenge kay Alden.

Aniya, "Halos wala po akong dialogues sa role ko dito.

"Mysterious ang character ko dito at gusto ni Direk Yam na gamitin ko ang mga mata ko at ilang facial expressions to connect with my character at sa ibang mga kaeksena ko.

"Mahirap pong gawin kasi gusto ni Direk Yam na intense ang mga emotions ko.

"Gusto niya makita ’yon through my eyes at sa body movements ko.

"I was able to pull it off at nagustuhan naman ni Direk Yam.

"Noong mapanood ko po ang ilang scenes sa movie, I felt so relieved dahil nakita ko ang mga pinaghirapan naming i-shoot sa pelikula."

REPLACING ALJUR. Kasama rin si Alden sa Metro Manila Film Festival 2011 entry ng GMA Films at Imus Productions na Ang Panday: Ikalawang Aklat.

Siya ang ipinalit sa role na dapat ay para kay Aljur Abrenica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala naman daw problema kay Aljur na si Alden ang pumalit sa kanya sa pelikula ni Senator Ramon "Bong" Revilla, Jr.

Ayon kay Alden, "Nagkausap naman po kami ni Aljur noong magkita kami sa Party Pilipinas.

"Natuwa naman siya at sa akin daw binigay ang role niya.

"Hindi raw po siya maka-commit sa movie dahil conflict daw sa schedules niya yung shooting.

"I feel so lucky kasi marami naman ang puwede po nilang kunin for the role, pero ako ang napili nila.

"Kaya natuwa ako dahil nakatrabaho ko na sila Senator Bong at pati na sina Marian Rivera, Iza Calzado, at iba pang kasama sa movie namin na sa December 25 na ipapalabas."

Sa TV naman ay kasama si Alden sa cast ng primetime series na Sundo with Dingdong Dantes and Rhian Ramos.

KRISTOFFER MARTIN. Natutuwa naman si Kristoffer Martin dahil patuloy na mataas ang rating ng afternoon drama series nila na Ikaw Lang Ang Mamahalin, kunsaan kasama niya sina Barbie Forteza, Joshua Dionisio, at ka-loveteam niyang si Joyce Ching.

Lalo nga raw sila ginaganahang mag-taping ng nasabing serye dahil parating good news ang hatid ng staff sa kanila.

Sabi ng 17-year-old actor, "Ang sarap pong pakinggan na mataas ang ratings ng show namin, lalo na sa oras na alam namin na yung mga fans na kaedad namin ay nasa school pa.

"Nakakatanggap nga po kami ng mga e-mails, messages sa Facebook at tweets na sana ilipat daw ang oras ng Ikaw Lang Ang Mamahalin kasi may mga hindi nakakapanood.

"Pero may iba naman na sa YouTube na lang daw nanonood.

"Kaya aside sa mga tweens, yung mga mommy at ibang kasama nila sa bahay ang mga nakakapanood sa show namin.

"Kaya maganda yung ratings namin na ipinagpapasalamat namin sa mga laging tumututok ng series namin."

KRIS-JOY. Lumalakas din ang loveteam nina Kristoffer at Joyce, ang Kris-Joy, na nagsimula sa Reel Love Presents Tween Hearts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May balita ngang nauwi na raw sa totohanang relasyon ang dalawa, pero ayon kay Kristoffer ay "special friend" pa lang niya si Joyce.

Paliwanag ng binata, "Among the girls kasi sa Tween Hearts noong magsimula ang show, si Joyce na ang naging close sa akin.

"Kasi nga po, naging magkaibigan na kami sa series na Endless Love.

"Kaya noong magkita ulit kami sa Tween Hearts, okey kaming dalawa. Wala nang ilangan sa amin.

"Then, ginawa pa namin yung Munting Heredera kaya lalong naging strong yung pagkakaibigan naming dalawa."

Dagdag pa ni Kristoffer, "Matatawag kong special ang friendship namin ni Joyce kasi iyon lang ang puwede kong magamit na word.

"Marami kaming napagkakasunduan, alam namin ang mga gusto at ayaw namin, kilala na namin ang families ng bawat isa.

"Para sa akin, special ’yon sa aming dalawa.

"Kahit na wala pa kaming pormal na relasyon, nandito naman po kami for one another.

"Napagkasunduan naman namin na trabaho muna kami bago ang ibang bagay."

JOYCE’S CONDO UNIT. Naikuwento rin ni Kristoffer sa PEP na nakalipat na si Joyce sa bagong condo unit nito sa Pasig City kasama ang pamilya ng teen actress.

Hindi pa raw nakakarating si Kristoffer doon, pero panay ang biro niya kay Joyce na may ibang mas nauna pang nakarating sa condo nito kesa sa kanya.

"Mas nauna pa raw si Derrick sa akin na makapunta sa condo niya!" sabay tawa ni Kristoffer.

"Lagi kong inaasar si Joyce tungkol diyan.

"Pero ang totoo ay yung manager ni Derrick na si Tito Manny [Vallester] ang nakarating na doon.

"Inasar lang nila ako na nauna raw si Derrick doon kesa sa akin."

Kapag hindi raw busy ang schedule nila ni Joyce, dadalaw raw si Kristoffer sa condo unit ng kapareha.

Aniya pa, "Ipaghahanda raw ako ni Joyce ng dinner. Isama ko raw ang family ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nag-iisip na nga ako ng puwedeng iregalo sa kanya kapag dumalaw ako.

"Siguro flowers na lang ang dalhin ko para romantic at sweet!"

DERRICK MONASTERIO. Natawa naman si Derrick Monasterio nang tanungin ng PEP kung ano ba ang priority niya—ang kanyang showbiz career o ang panliligaw ng mga artistang babae?

Lagi kasing nali-link sa iba’t ibang mga babae si Derrick.

Una siyang na-link sa co-stars niya sa Tween Hearts na sina Louise delos Reyes, Kylie Padilla, at Bea Binene.

Ngayon ay ang Kokak star na si Sarah Lahbati naman daw ang pinopormahan niya.

Pero ayon sa 16-year-old actor, "Siyempre naman po, career ang priority ko.

"Hindi naman po ako nagpapabaya sa mga trabaho ko.

"So far, wala naman pong nagrereklamo sa akin kasi ayokong magdala ng sakit ng ulo sa mga katrabaho ko.

"Yung mga nali-link sa akin, hanggang link lang naman po at wala namang natutuloy.

"Buti nga po at mga babae ang nali-link sa akin at hindi mga lalake!" at saka tumawa nang malakas si Derrick.

WRONG TIMING. Lagi raw kasing wrong timing si Derrick manligaw kaya nauunahan siya ng iba.

Tulad ni Louise na napunta na kay Enzo Pineda. Si Kylie ay na kay Aljur Abrenica. Si Bea ay may Jhake Vargas. At si Sarah ay balitang nililigawan din ni Martin Escudero.

"Masyado lang po silang mabilis sa panliligaw. Mabagal po kasi ako, e!" tawa na naman ni Derrick.

"Ang sa akin naman po, okey lang kung may iba kang nakakasabay.

"May the best man win na lang, di ba?

"Ako po kasi, kinakaibigan ko muna yung girl bago ako pumorma na manliligaw ako.

"Kung feeling ko na may pag-asa, doon ako hihirit ng ligaw.

"Kung pakiramdam ko na walang pag-asa, at least good friends kami.

"No hard feelings kung nabalitaan ko na may iba na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Katwiran ko po naman, marami pa naman diyan at hindi ako nagmamadali na magkaroon ng serious na relationship.

"Bata pa naman ako.

"Payo ng mommy ko na seryosohin ko ang pag-aartista ko.

"Hindi raw puro pambababae ang ginagawa ko!" tawa ulit ng anak ng former actress na si Tina Monasterio.

TWO MOVIES. Kasama si Derrick sa pelikulang The Road ng GMA Films.

Nasa cast din siya ng Metro Manila Film Festival entry na My Househusband kunsaan bida sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Mula ito sa direksiyon ni Jose Javier Reyes.

Ayon kay Derrick, "Dalawang movies ang magkasunod kong tinatapos at parehong big movies siya.

"Yung una ay ang The Road na grabe ang mga nakakatakot na mga eksena, at pangalawa ay ang My Househusband na sobrang nakakatawa naman.

"First time ko pong makatrabaho sila Miss Judy Ann at Sir Ryan. Mababait sila.

"At pati si Direk Joey, cool siyang film director. Hindi napapagod sa set kasi mabilis kaming matapos.

"Enjoy kaming lahat sa shooting parati."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN