Solenn Heussaff says she has a good working relationship with Maricel Soriano

Solenn Heussaff on working relationship with Maricel Soriano: "She really teaches me on the set. Like, basa ako ng comic books, tapos binibigay niya ’yong names ng mga comic books. She’s very, very helpful."


Walang pag-aalinlangan na pumayag si Solenn Heussaff nang kunin siya para mag-pose ng sexy para sa isang kalendaryo.

Si Solenn kasi ang napili na Calendar Girl for 2012 ng Ginebra San Miguel.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Solenn kagabi, Nobyembre 14, sa launching ng naturang kalendaryo sa Cocoon Boutique Hotel, sa Timog Avenue, Quezon City.

"Ako, I really go for everything," sagot ng French-Filipina actress nang tanungin kung nagdalawang-isip ba siyang mag-pose nang sexy para sa kalendaryo.

Dagdag niya, "Itong showbiz dati, ayoko, pero the projects kept coming and coming. So, baka nga kailangan ko nga mag-try."

LUCKY YEAR. Samatala, kapansin-pansin na sunud-sunod ang dating ng mga proyekto kay Solenn.

Nag-umpisa siyang mapansin nang maging isa siya sa leading ladies ni Richard Gutierrez sa pelikulang My Valentine Girls at sa fantaseryeng Captain Barbell.

Pagkatapos nito ay nakasama siya sa modern version ng Temptation Island, kung saan tampok din sina Marian Rivera, Lovi Poe, Heart Evangelista, at Rufa Mae Quinto.

Kasunod nito’y may gagawin na siyang teleserye sa GMA-7, ang Legacy, kung saan makakasama niyang muli sina Lovi Poe at Heart Evangelista.

DIAMOND STAR. Pero ngayon, abala siya sa shooting para sa Metro Manila Film Festival entry na Yesterday, Today, Tomorrow.

Dito’y makakasama niya sina Maricel Soriano, Gabby Concepcion, Dennis Trillo, Carla Abellana, Paulo Avelino, Agot Isidro, at Eula Caballero.

Ilan pang beteranong mga artista ang katrabaho ni Solenn dito, kaya naman talagang kinakabahan daw siya sa bawat eksena.

Saad niya, "Kabado ako kasi silang lahat, even the young ones—Carla, Dennis—sobrang galing silang lahat, tapos si Maricel, si Agot.

"So, parang I was like, ’Bakit nandiyan ako sa movie cast?’

"Then they said, ’No, you will learn.’

"So, I feed off from them kasi sobrang magaling silang umarte.

"So, parang when you’re on the scene, parang sobrang feel na feel ’yong scene."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pressured man, masaya si Solenn na inaalalayan siya ng ibang beteranong artista, lalung-lalo na ang Diamond Star.

Kuwento niya, "She really teaches me on the set.

"Like, basa ako ng comic books, tapos binibigay niya ’yong names ng mga comic books.

"She’s very, very helpful.

"Tapos very comedienne siya.

"Pag may scene kami, she was joking with the lapel na nasa pants niya, ’yong gano’n."

PRIVATE LOVELIFE. Kapag lovelife naman ang pinag-uusapan, iwas si Solenn na magbigay ng impormasyon tungkol sa dine-date niya ngayon.

Tinanong nga namin siya kung may pinagpaalaman ba siya bago gumawa ng sexy pictorial.

Sagot ng actress-singer, "May boyfriend o walang boyfriend, independent ako.

"So, kapag gusto ko gawin, I don’t care what everyone says, its my decision."

Pero nang tanungin siya ng PEP.ph, sinabi nito na non-showbiz ang kanyang dine-date.

Ito ang dahilan kung bakit ayaw niyang pag-usapan ang kanyang lovelife.

Ani Solenn, "I want to keep it private kasi it’s not fair to him.

"Tsaka siyempre naman, dapat may konting private din sa buhay ng isang tao."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN