Read it all here! PEP proudly launches special microsite on 37th Metro Manila Film Festival

Seven entries made it to this year’s Metro Manila Film Festival: Panday 2; Segunda Mano, Shake, Rattle and Roll 13; My House Husband: Ikaw Na!; Manila Kingpin: The Untold Story of Asiong Salonga; Yesterday, Today and Tomorrow; and Enteng ng Ina Mo. (CLICK HERE to visit PEP’s microsite on the Metro Manila Fi


Kasabay ng countdown to Christmas ay ang countdown to the Metro Manila Fim Festival.

Opisyal na nagbubukas ang taunang festival sa isang parada sa bisperas ng Pasko, o December 24.

Mula noong taong 1975, kung kailan ginanap ang kauna-unahang MMFF, ay mistulang tradisyon na ang taunang pestibal ng mga lokal na pelikula.

Bawat taon, nakakadagdag-saya sa selebrasyon ng Kapaskuhan ang panonood ng sineng Pilipino, kasama ang pamilya, kaibigan, at mga mahal sa buhay.

Ngayong 2011, sa ika-37 na taon ng MMFF, pitong pelikula ang magbibigay saya sa manonood ng pelikulang Pilipino.

Isa rito ay ang Panday 2 mula sa Imus Productions at GMA Films na pinagbibidahan ni Bong Revilla. Ang nauna niyang Panday 1 and opisyal na top grosser noong MMFF 2009.

Mula sa matagumpay na mga pelikulang Kasal Kasali Kasalo at Sakal Sakali Saklolo ay muling magtatambal ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa My Househusband: Ikaw Na! na handog naman ng OctoArts Films.

Muling mananakot naman ang Queen of Horror Movies na si Kris Aquino sa Segunda Mano mula naman sa MJM Productions. Katambay ni Kris sa pelikulang ito si Dingdong Dantes.

Ang matagumpay na movie franchise na Shake Rattle & Roll ay magtatapos na daw sa kanilang ika-13th SRR ngayong taon. Kaang-abang ang tatlong episodes nila ngayong taon na Tamawo, Parola, at Rain, Rain Go Away.

Nagbabalik-pelikula ang kontrobersiyal na Diamond Star na si Maricel Soriano bilang isa sa powerhouse cast ng Yesterday Today and Tomorrow ng Regal Films. Balik-tambalan nila ito ni Gabby Concepcion.

Nagsanib puwersa naman sina Ai Ai de las Alas at Vic Sotto sa Enteng ng Ina Mo mula sa MZet, ABS-CBN Film Production, APT at OctoArts.

Sa hindi pagkakatuloy sa MMFF ng proyektong pagbibidahan ni Robin Padilla na Mr. Wong, sinasabi nitong nagbigay-daan siya para makapasok ang ika-apat na bersiyon sa pagsasapelikula ng buhay ni Asiong Salonga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bida sa Manila Kingpin: The Untold Story of Asiong Salonga si Gov. ER Ejercito, na ginagamit ang screen name na Jeorge Estregan.

PEP OPENS MMFF SITE! ANG mga kaganapan sa buong panahon ng Metro Manila Film Festival 2011 ay ihahatid ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) simula ngayong araw, Nobyembre 15.

Sa pagbisita sa MMFF site, mababasa at malalaman ang mga pinakamainit at pinakahuling balita.

Susundan at ihahatid ng PEP.ph-MMFF site, sa pamamagitan ng litrato at report, ang lahat ng mga pangyayari: behind-the-scenes, presscons, premiere nights, parades and floats, awards night, at lahat ng mga kaganapan hanggang matapos ang festival.

(CLICK HERE to visit PEP’s microsite on the Metro Manila Film Festival)

CLICK HERE to visit PEP’s microsite on the Metro Manila Film Festival



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN