Dennis Trillo on being loveless: "Mas maganda kasi mas walang problema, di ba?"

Dennis Trillo on latest movie role: "Bukod sa unang beses kong gumawa ng ganitong role, na former call boy turned gym instructor, okay siya kasi parang napaka-interesting niyang gawin. At the same time, parang marami kang puwedeng pag-eksperimentuhan sa character na gigolo naman ngayon. Dati kasi, parang normal lang na asawa. Ngayon, parang makulay at interesting."


Isa na namang kakaibang karakter ang gagampanan ni Dennis Trillo sa Metro Manila Film Festival 2011 entry ng Regal Entertainment, Inc.—ang Yesterday Today Tomorrow.

Kuwento ni Dennis sa kanyang role: "Isa akong gym instructor dito, pero meron akong nakaraan dito.

"Isa akong callboy, macho dancer sa gay bar.

"Meron akong lover dito. Hindi siya gay, pero parang sugar mommy ko siya—si Agot Isidro.

"And then, may mangyayari na parang aksidente sa buhay ng cast na magpapabago sa takbo ng buhay nila.

"Dahil sa earthquake, makikilala ko si Solenn [Heussaff], at mag-ina sila ni Agot dito.

"So, yun, parang tinuhog ko silang dalawa."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang piling press si Dennis sa pictorial ng Yesterday Today Tomorrow noong Linggo, November 13.

Mapapanood ba sa movie ang mga eksenang macho dancer siya?

"Ewan ko. Tingnan n’yo na lang!" natatawang sabi ng young actor.

Pero handa naman siya sakaling maisipang kuhanan ang eksenang nagma-macho dancing nga siya?

"Nagawa ko naman na yun dati," aniya.

Ang tinutukoy ni Dennis ay ang isang eksena sa dating afternoon soap ng GMA-7 na Magdusa Ka, kung saan nag-macho dancing siya sa harap ni Katrina Halili.

Bagamat wala siyang pantaas sa eksenang yun ay naka-maong pants naman siya.

Pero ayon kay Dennis, masaya siya sa role na napunta sa kanya sa Yesterday Today Tomorrow.

"Masaya, kasi bilang aktor, dito mo lang yun magagawa sa pelikula.

"Masaya ako sa mga trabahong ibinibigay ng Regal dahil bawat project ko, madalas na meron akong pelikula, sinisigurado nila na iba do’n sa huling ginawa ko.

"Kaya malaki ang pasasalamat ko kay Mother Lily sa patuloy na pagtitiwala nila sa akin," amin ni Dennis.

Ano nga ba ang challenge ng role niya ngayon sa kanya?

"Bukod sa unang beses kong gumawa ng ganitong role, na former call boy turned gym instructor, okay siya kasi parang napaka-interesting niyang gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At the same time, parang marami kang puwedeng pag-eksperimentuhan sa character na gigolo naman ngayon.

"Dati kasi, parang normal lang na asawa. Ngayon, parang makulay at interesting," paliwanag niya.

At saka may Agot Isidro at Solenn Heussaff pa siya na leading ladies?

"Oo nga, yun pa lang, interesting na, di ba?" natatawa niyang sabi.

DENNIS’S HEART. Pagkatapos nito ay kinumusta naman ng press ang lagay ng puso ngayon ni Dennis.

Noong huli kasi siyang nakausap ng press, masasabing tila malungkot pa ang puso niya dulot na rin ng masalimuot na breakup nila ni Jennylyn Mercado.

Nakangiting sabi ni Dennis, "Ganoon pa rin naman.

"Hindi naman malungkot, pero hindi naman...well, tama lang, normal lang."

Wala pa bang nagpapasaya talaga sa puso niya?

"Wala pa, e...pero okay lang.

"Hindi naman kailangang isang babae lang ang magpapasaya, di ba?

"Ang ibig kong sabihin, nandiyan pa ang mga trabaho ko at pamilya para magdagdag pa ng lalong saya sa buhay ko.

"So, yun na lang muna."

In short, loveless pa rin siya?

"Ganun na nga!" natatawang sabi nito.

Dagdag ni Dennis, "Mas maganda kasi mas walang problema, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN