Rhian Ramos begins communicating again with Mo Twister: "Yes, text-text lang."

Rhian Ramos on being single: "Actually, mas gusto ko ’yong walang boyfriend. Ang maging single ulit, dahil nagkaroon ako ng time sa mga friends ko. Pag hindi busy, nakaka-attend ako ng party, nakakalabas kasama sila."


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rhian Ramos sa pocket interview ng GMA Films para sa suspense-thriller movie na The Road noong November 9.

Kinabukasan, November 10, ay lumipad patungong Las Vegas si Rhian para manood ng Pacquiao-Marquez fight.

Napanood na ng ilang movie press ang The Road sa isang special screening. At base sa pagganap na ipinakita ni Rhian sa pelikula ni Yam Laranas ay posibleng mapansin siya ng iba’t ibang award-giving bodies.

Ginagampanan niya rito ang papel ni Lara, na kasama ng kanyang kapatid (ginagampanan ni Louise delos Reyes) ay dinukot ng isang lalake na nakilala nila sa kalye, at ikinulong sa basement ng ilang buwan.

"Salamat po," nakangiting sabi ni Rhian nang iparating namin sa kanya ang papuri sa kanyang pagganap.

Dagdag pa niya, "Nang mabasa ko ang character ni Lara, pinaghandaan ko na ang character niya.

"Hindi ako gumamit ng kahit anong make-up.

"Iisa ang dress na suot ko, pero siyempre, ilang set of dresses iyon na pare-pareho.

"Iyong dumi, magba-vary kung gaano na ako katagal sa basement."

Sabi pa niya, "I will tell my friends na panoorin ito dahil may lesson kang makukuha, lalo na sa mga babaeng tulad namin.

"Pinakamatinding mistake iyong magpapatulong ka sa isang misteryosong lalaki na nakita mo lang naglalakad sa kalye, played by Alden Richards.

"Iyong character ko, kapag napanood ninyo, you will really fear for the character. Parang gusto mo siyang tulungan, pero paano?"

Hindi pa napapanood ni Rhian ang kabuuan ng movie, maliban sa trailer at sa ilang scenes na nai-dub niya dahil live sound ang gamit nila sa shooting.

Pero nagpapasalamat si Rhian sa GMA Films sa pagkakasama niya sa pelikula.

YAM LARANAS. Panay rin ang pasasalamat ng young actress sa direktor nilang si Yam Laranas, na unang beses niyang nakatrabaho.

"Nagulat ako kay Direk Yam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Akala mo seryoso siya palagi, pero masayahin pala siya.

"Pero pag work na, work talaga.

"Marami akong natutunan sa kanya at sana makasama ko siya ulit sa isa pang project."

MO TWISTER. Ayon kay Rhian ay loveless pa rin siya hanggang ngayon.

Pero may komunikasyon na raw sila uli ng ex-boyfriend niyang si Mo Twister.

"Yes, text-text lang," sambit ni Rhian.

"Nung birthday niya, nag-greet lang ako sa kanya sa text, ganoon lang.

"Actually, mas gusto ko ’yong walang boyfriend.

"Ang maging single uli, dahil nagkaroon ako ng time sa mga friends ko.

"Pag hindi busy, nakaka-attend ako ng party, nakakalabas kasama sila."


TIME FOR MOM. Nagkaroon din daw siya ng time sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang ina na si Clara Ramos, na naoperahan dahil sa breast cancer.

Ayon pa sa young actress, "Tumutulong din ako sa advocacy tungkol sa breast cancer, na kapag maaga pala itong na-detect, pwede pang gumaling.

"Ganoon ang nangyari sa Mommy ko, stage one pa lang ang breast cancer niya kaya na-cure siya by operation.

"Kaya dapat lagi tayong magpa-check-up at maging very careful.

"Eat foods that are rich in fiber. Mabuti nga, I’m an oat-baby. Mahilig akong kumain ng oats."

Kasama ni Rhian na pumunta ng Las Vegas ang mommy niya.

U.S. TOUR. Tuloy ba ang paggawa nila ng ilang episodes ng Manny Many Prizes sa U.S.?

"Hindi po muna," sagot ni Rhian.

Pinapunta lang daw silang mga co-host ng Manny Many Prizes sa U.S. dahil gusto raw ni Manny na nandoon sila.

Banggit pa ni Rhian, "Free ang plane fare namin pagpunta doon at ang ticket namin sa laban sa MGM Grand Hotel.

"Sabi ni Ninong, babalik na lang kami sa States by January or February at saka kami gagawa ng ilang episodes para sa mga kababayan natin doon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Babalik daw agad ng Pilipinas si Rhian pagkatapos ng laban ni Manny para sa promo ng The Road.

Nagsimula na ring mag-taping si Rhian ng bagong teleserye nila ni Dingdong Dantes, ang Sundo.

Regular ding napapanood si Rhian sa Party Pilipinas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN