Tween star Alden Richards gets a passing grade from director Yam Laranas for his psycho role in The Road

Alden Richards on "beating up" Rhian Ramos and Louise delos Reyes: "Mabuti nga po at naiintindihan nina Louise at Rhian ang pambubugbog ko sa kanila. Kahit inuntug-untog ko sila sa mesa, pinto, at dingding, cooperative naman po. Saka ako nagsu-sorry after ng scenes dahil baka sobra yung pananakit na ginawa ko sa kanila."


Pinaghandaan nang todo ng young actor na si Alden Richards ang role niya sa GMA-7 suspense-thriller na The Road.

Ayaw raw kasi niyang mapahiya sa director nilang si Yam Laranas.

Kuwento ni Alden sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nanood siya ng horror movies na kapareho ang tema.

Pati ang previous films ni Direk Yam, gaya ng Sigaw at ang Hollywood version nitong The Echo, ay hindi pinalampas ng baguhang aktor upang maging preparado.

At maging si Direk Yam ay na-impress sa ipinakitang performance ni Alden.

"Alden is very good in the film. He passed the test!" sabi ni Direk Yam sa hiwalay na panayam sa kanya ng PEP.

Originally, wala sa listahan ng cast ng The Road si Alden.

Iprinisinta siya ng GMA Artist Center kay Direk Yam at sinabing subukan sa movie.

Dahil iilan lang ang linya ni Alden sa movie, nag-reading pa rin siya’t pumasa sa panlasa ng direktor.

Sabi ni Alden, "Kaya naman thankful ako kay Direk Yam dahil hindi ko na kailangang mag-audition para sa role. Reading lang ang ginawa ko.

"E, nakatulong pa sa akin na dream kong lumabas bilang psycho killer kaya lalo kong pinagbuti ang acting ko sa movie."

WOMAN HATER. Sa pelikula, galit sa mga babae ang role ni Alden.

Bugbog-sarado sa kanya rito sina Louise de los Reyes at Rhian Ramos, na gumaganap na magkapatid sa pelikula.

Sabi ni Alden, "Mabuti nga po at naiintindihan nina Louise at Rhian ang pambubugbog ko sa kanila.

"Kahit inuntug-untog ko sila sa mesa, pinto, at dingding, cooperative naman po.

"Saka ako nagsu-sorry after ng scenes dahil baka sobra yung pananakit na ginawa ko sa kanila."

Biro namin kay Alden, baka naman meron siyang itinatagong galit kay Louise dahil si Enzo Pineda na ang apple of the eye nito at hindi siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman po!" natatawang sabi ng binata.

"Magkaibigan naman po kami ni Louise kahit iba ang dini-date niya ngayon.

"Hinihingi po kasi ng eksenang pahirapan ko sila dahil ayoko namang mapagalitan ni Direk Yam kung mag-aalangan ako sa pagtu-torture ko sa kanila.

"Wala, wala akong galit kay Louise!"

Inamin noon ni Alden na crush niya si Rhian. Mabuti’t nagawa niyang pagmalupitan din niya ang kanyang crush sa pelikula?

Sagot ni Alden, "Na-guilty nga ako minsan nang iuntog ko siya sa pintuan. Baka nagkaroon ng bukol.

"Kaya naman nung next scene naming bugbugan uli, kinapa ko yung ulo niya at baka may bukol!

"Panay talaga ang sorry ko sa kanya."

Baka naman na-in love na siya nang tuluyan kay Rhian habang ginagawa nila ang movie?

"Hindi po," nakangiting sabi ng 18-year-old actor.

"Ayoko munang magkaroon ng girlfriend. Tama na yung crush.

"Trabaho at pamilya ko po ang priority ko ngayon.

"Natutuwa ako dahil napapag-aral ko na ang mga kapatid ko.

"Gusto kong bigyan ng importansiya ang breaks na binibigay sa akin ng GMA ngayon.

"Ito po ang gusto ko talaga at ayokong sirain ang tiwala nila sa akin."

MORE MATURE ROLES. Dahil sa magandang performance ni Alden sa The Road, inaasahan niyang bibigyan na siya ng GMA-7 sa mas mature na roles.

Open na rin naman daw siya sa pagiging daring kaya gusto na niyang paghandaan ang pag-graduate niya sa teen roles.

Aniya, "Kung ano naman po ang gustong ipagawa sa akin ng GMA, susundin ko lang po.

"Maybe after two years, mababago na ang image ko.

"Kaya naman pinaghahandaan ko na ang pagpapaganda ng aking katawan.

"Alam ko namang sa kabutihan ko at ng career ko ang iniisip nila, kaya game naman ako sa kung anuman ang gusto nilang ipagawa," saad ni Alden.

Pagkatapos ng The Road, sunod na mapapanood si Alden sa Metro Manila Film Festival entry na ang Panday 2.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakapagsimula na rin siya ng taping sa GMA-7 primetime series na Sundo kasama sina Rhian at Dingdong Dantes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN