Kean Cipriano on issue that he is only using Vice Ganda: "That’s bullshit! I’m sorry for the word, pero kalokohan yun."

"Ako yung taong palakaibigan ako, pero ako, respeto ko yung taong nakakasama ko sa buong career ko, sa buong buhay ko, never ako nangtapak ng tao, never ako nanggamit ng kung sino man," says Kean Cipriano.


Humarap si Kean Cipriano sa isang interview sa Paparazzi Showbiz Exposed ng TV5 noong Linggo, November 13.

Una munang inusisa ng host na si Dolly Anne Carvajal ang tungkol sa pagpasok ni Kean sa showbiz.

Inamin kasi ng vocalist ng bandang Callalily na "accidental career" para sa kanya ang pag-aartista.

Ani Kean, "Dumating din naman kasi itong pag-aartista na biglaan.

"Parang naging invitational ang dating, e, dahil dun sa BF/GF [defunct weekly afternoon teen show ng TV5].

"In-invite kami [his band Callalily] dun sa show, tapos tiningnan nila ni Direk Joyce [Bernal].

"Ang ganda nung deal sa akin nun, e.

"Sabi, ’O, sige ganito, kung gusto mo, di tuloy natin. Kung hindi mo matripan, pwede ka naman mag-backout.’

"Talagang panalo yun, ha, walang talo dun sa deal na yun.

"So, ginawa namin ng mga kabanda ko."

KEALEX: BF/GF AND P.S. I LOVE YOU. Sa BF/GF, naging kapareha at ka-loveteam ni Kean si Alex Gonzaga.

Marami ang naka-relate sa kanilang istorya na parang obserbasyon pa nga ng iba ay nauwi na raw sa totohanan ang pagtitinginan nila.

Pero sabi ni Kean, "Well, yung sa amin naman kasi ni Alex, it’s something na ayoko talagang pag-usapan.

"Dahil siyempre, babae yun tao, e, tapos magsasalita ako, hindi naman ata maganda yun.

"Pero, yung sa amin, we shared moments together."

Espesyal daw para kay Kean yung sinasabi niyang "moments together."

Dagdag pa niya, "Basta, we shared moments together na, alam mo yun, dadalhin ko siya saan man ako makapunta, and yun."

Muling masusubaybayan ang tambalang Kean at Alex—o mas kilala rin sa tawag na "Kealex"—sa bagong serye ng TV5 na P.S. I Love You.

Hindi kaya sila nagkaroon ng awkward moments nung nagkita ulit?

"Okay lang, okay lang, swak lang naman," sagot ni Kean.

Ano ang pagkakaiba ng Kean dito sa P.S. I Love You kumpara sa Kean dun sa BF/GF?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Una sa lahat, dun sa BF/GF, pangalan ko dun Kean din, that’s the big difference.

"Tapos, dito sa P.S. I Love You, lahat sila umiiyak.

"I mean, maganda siya, maganda, pero siyempre nagugulat ako sa kultura ng soap opera," paliwanag ni Kean.

Iiyak din ba siya dito? O siya ang magpapaiyak?

Natatawang sagot ng singer-actor, "Hindi naman. Kung ano naman, e, siguro kung kakailanganin dun sa eksena na gano’n, mabibigay ko yung emosyon na kailangan."

DREAM LEADING LADIES. Nakasama na ni Kean sa TV si Alex Gonzaga. Si Eugene Domingo naman ay nakasama niya sa indie movie na Ang Babae Sa Septic Tank.

Sino pa kaya ang mga gusto niyang makasama sa kanyang mga susunod na proyekto?

Pag-amin ni Kean, "I saw Iza Calzado, sobrang ganda.

"I wanna do something with Sarah Geronimo, kasi gumawa kami ng project.

"Feeling ko lang, ang saya gumawa ng something lighter with her dahil magaling siya, e.

"Nakapag-perform ako with her sa stage."

LOVELIFE AND LIZ UY. "Steady" lang daw ang puso ngayon ni Kean, pero marami ang nagsasabing may "something" na raw na namamagitan sa kanila ng celebrity stylist na si Liz Uy.

Ano nga ba ang real score sa kanila ni Liz?

Atubiling sagot ni Kean, "Ewan ko sa kanila, pero Liz and I are good friends.

"We’re strictly friends, really good friends.

"Ano yun, e, napakabait na tao yun, napakatotoo, napaka-brilliant, napakagaling."

Masasabi ba niyang si Liz ay isang ideal girl para sa kanya? Posible kayang ma-develop into something deeper ang kanilang magandang pagkakaibigan ni Liz?

Ani Kean, "Mahirap kasi mag-ano, e... yung sasabihin na ganun, baka merong mangyari.

"Pero ayoko, ayoko sirain yung magandang pagkakaibigan namin."

UNKABOGABLE ISSUE WITH VICE GANDA. Hindi rin maiwasang maitanong kay Kean ang walang katapusang isyu sa kanila ni Vice Ganda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami kasing isyung lumalabas na dumidikit lang daw siya kay Vice dahil sikat ito.

Naaapektuhan ba siya sa intrigang ito?

Dito ay parang nag-iba ang timpla ni Kean.

Aniya, "That’s bullshit! I’m sorry for the word, pero kalokohan yun.

"Dahil ako yung taong palakaibigan ako, pero ako, respeto ko yung taong nakakasama ko sa buong career ko, sa buong buhay ko, never ako nangtapak ng tao, never ako nanggamit ng kung sino man."

KEAN, GOING SOLO? Magkakaroon ng concert ang Callalily sa November 26 sa Aliw Theather.

Bukod sa concert na ito, sunud-sunod din ang proyekto ni Kean sa telebisyon at maging sa pelikula.

Hudyat na kaya itong darating ang panahong magsosolo na rin siya at tuluyan ng iwanan ang mga kabanda sa Callalily?

Sagot ni Kean, "No plans, it’s never gonna happen."

"Okay naman kami, we’re stronger than ever."

Hindi rin daw nai-insecure sa kanya ang kanyang mga bandmates.

Ayon pa kay Kean, "Never naman kasi sila naging backup, e.

"I mean, kasi ginagawa ko, I bring them with me, basta there are certain projects na pwede ko sila isama."

Mananatili raw silang solid dahil, "Kasi ako naman, sa akin, I will never be like this without them.

"Alam mo yun, inumpisahan namin itong magkakasama."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN