Coco Martin regrets brawl with Matteo Guidicelli; imposes no-duet rule with Maja Salvador

"Nag-out of the country kami, klinaro ko yun sa Star Magic na baka this time, hindi ko muna kayang makipag-duet kay Maja. Kasi nga, ayoko nang mangyari pa kung anuman ang nangyari sa Star Magic [Ball], sobra ko nang pinagsisihan yun. And then, bilang lalaki at bilang respeto, alam ko naman ang nararamdaman ng tao," says Coco Martin.


Masaya si Coco Martin kapag nakakarating sa kanya na may mga artista—lalake man o babae—na nagnanais na makatrabaho siya.

Saad ng aktor, "Honestly, masarap sa pakiramdam bilang artista.

"Siyempre, iba yung nilu-look forward ka nilang makatrabaho.

"Ibig sabihin, every time na may ginagawa kang proyekto, kahit paano, may bunga, may nangyayari.

"Ako rin naman, may mga artista akong nilu-look forward na makatrabaho.

"At kapag nababanggit ang pangalan ko, ang sarap-sarap ng pakiramdam.

"Kumbaga, nagiging inspirasyon ako sa mga baguhang artista.

"At sana, mapanindigan ko.

"Alam ko, hindi habang panahon, mag-iiba rin ang ikot ng mundo.

"Pero at least, ito ang maiiwan kong yaman sa pamilya ko.

"Legacy na kahit paano, noong nasa showbiz ako, maayos ang naging trabaho ko."

Sa parte naman ni Coco, sino ang gusto pa niyang makatrabaho?

"Actually, ang makatrabaho ko ang isang Susan Roces, iba na yun. Ibang pangarap na yun.

"Richard Gomez..." banggit niya.

Makakasama ni Coco ang dalawang artistang nabanggit sa bago niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Walang Hanggan.

Asam din niya, "At saka sana, matuloy ang movie namin ni Miss Judy Ann Santos.

"Ang dami...ang dami rin na gusto kong makasama."

ANGEL LOCSIN. Gusto rin daw makapareha ni Coco sa isang proyekto si Angel Locsin.

"Kung mabibigyan ng pagkakataon, sa mga henerasyon ko, gusto kong makatambal si Angel Locsin.

"Isa siya sa hinahangaan ko bilang artista at katrabaho, kasi alam ko na propesyonal siya.

"Sabi ko nga, hindi na isyu ang galing.

"Pero yung propesyonal sa trabaho, doon ako naglu-look forward," pahayag ni Coco.

Nagkasama na raw sila ni Angel dati para sa isang brand ng sapatos.

Pero hindi niya ito nasasabi kay Angel dahil baka hindi na raw siya nakikilala ng aktres.

Ani Coco, "Maliit pa kami noon.

"Pero ngayong sikat na si Angel, nahihiya akong sabihin sa kanya dahil baka hindi na niya ako matandaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Baka hindi na niya ako nakikilala."

Type niya ba si Angel?

Nangiting sagot ni Coco, "Hindi naman sa type.

"Palagi lang akong naglu-look forward sa mga artistang alam kong diretso ang tingin sa trabaho niya.

"Doon ako humahanga sa isang artista."

ANGELINE QUINTO. Nali-link ngayon si Coco sa singer na si Angeline Quinto.

Si Angeline ang leading lady ni Coco sa ginagawa niyang pelikula sa Star Cinema, ang You Light Up My Life.

Pero ano nga ba ang real score sa kanila ni Angeline?

Ayon kay Coco, "Kami ni Angeline ngayon, yun nga, magkasama kami ngayon sa pelikula.

"Sobrang may nilu-look forward ako every time na nagsu-shooting ako.

"Kasi talagang ngayon, ang hirap gumawa ng love story.

"Pero sabi ko, napakasarap pala na gumawa ng love story sa pelikula.

"Kasi, nakaka-in love gumawa, e. Nakaka-in love, e.

"Kasi, ngayon ko lang naranasan yung magpa-kilig.

"Dati kasi, ang mga pelikula na ginagawa ko, masyadong malalim, so sobrang saya ko."

Open si Angeline sa pagsasabing crush niya si Coco.

Si Coco ba ay "in love" din kay Angeline?

"Hindi naman po sa... well, in love po ako sa paggawa ng pelikula," safe na sagot ng aktor.

Iginiit ni Coco na hindi sila ni Angeline.

Hindi rin daw siya nanliligaw sa singer.

Pero hindi nito naitanggi ang ibinigay niyang kuwintas na cross kay Angeline.

Natatawang sabi ni Coco tungkol dito, "Masama bang maging mapagbigay?

"Ano naman yun, for good luck."

Ayon pa kay Coco, wala pa rin siyang girlfriend hanggang ngayon.

Doon naman pinaklaro kay Coco ang isa pang nali-link sa kanya na si Mercedes Cabral.

Aniya, "Si Mercedes kaibigan ko yun, indie pa."

MATTEO & MAJA. Binigyang-linaw na rin ni Coco ang tungkol sa namagitang away sa kanila ni Matteo Guidicelli sa nakaraang Star Magic Ball dahil kay Maja Salavdor. (CLICK HERE to read related story.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Coco, kahit pareho silang talents ng Kapamilya network, hindi pa sila nagkakaroon ng pagkakataong magkita muli ni Matteo.

"Hindi pa rin kami nagkikita after noong mangyari ang aksidente.

"Pero para sa akin, the time na humingi siya ng sorry niya, yun na yun, e.

"Kasi nga, honestly, ako, nagsisisi ako.

"Sabi ko nga, sana hindi na humantong... Kasi, before na nangyari yun, alam ko na magkaibigan kami ni Matteo.

"Hindi ko akalain na aabot kami sa ganoong sitwasyon."

Nagsisi rin siya?

"Oo naman," sabi ni Coco.

"Nagsisi ako kung bakit kailangang humantong sa ganoong bagay.

"Puwede namang pag-usapan sa maayos na usapan.

"Minsan may mga biglaang sitwasyon na hindi natin maiiwasan."

Pero okay na raw sila at wala rin daw problema sa kanya kung may project na kailangan nilang pagsamahan.

Sabi ni Coco, "Oo naman.

"Kinalimutan ko na yun. Nag-move on na ako.

"Busy lang din siguro sa mga schedule namin, pero nakita ko naman na sincere si Matteo sa paghingi niya ng sorry.

"At ako naman, nakalimutan ko na yun at pinatawad ko na rin siya."

Pero dahil sa nangyari, nagpasabi na si Coco sa pamunuan ng Star Magic na hindi muna siya tatanggap ng mall show o roadshow na pagsasamahan nila ni Maja.

"Nag-out of the country kami, klinaro ko yun sa Star Magic na baka this time, hindi ko muna kayang makipag-duet kay Maja.

"Kasi nga, ayoko nang mangyari pa kung anuman ang nangyari sa Star Magic [Ball], sobra ko nang pinagsisihan yun.

"And then, bilang lalaki at bilang respeto, alam ko naman ang nararamdaman ng tao," saad niya.

Ayon kay Coco, ginagawa niya ito dahil sa mall shows nagsimula ang nangyaring gulo sa kanila ni Matteo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN