Paulo Avelino dismisses issue that he is ABS-CBN’s new favorite male star

Paulo Avelino on successive projects with ABS-CBN: "Hindi naman sunud-sunod ang projects ko. Guesting lang siguro. At yung sinabi lang naman na projects ko, yun lang din naman ang ginagawa ko sa ngayon. I still have to prove myself as an actor to the network at sa audience."


Ayon kay Paulo Avelino, ibang-iba ang role niya sa pelikulang Yesterday Today Tomorrow sa mga dati na niyang nagampanang papael.

"It’s something new," sambit ng young actor nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pictorial ng kanilang pelikula noong Linggo, November 13.

Si Paulo ang gumaganap bilang ex-boyfriend ni Solenn Heussaff sa pelikula.

Ang madalas daw niyang kaeksena ay sina Solenn at Dennis Trillo, na interesado rin kay Solenn sa pelikula.

Natawa si Paulo nang kamustahin ang love scene nila ni Solenn.

Aniya, "Bago rin. First time.

"First time kong gumawa ng ganoon ka...hindi naman sobrang grabe kundi ganoong klase ng love scene.

"Actually, it’s more on halikan lang."

Natatawang inamin ni Paulo na nahiya siya nang gawin nila ang love scene ni Solenn.

"I tried to be a gentleman sa abot ng kaya ko.

"And hopefully, wala naman siguro akong ginawa na hindi niya nagustuhan."

Biro ng press kay Paulo, kinailangan ba niya talagang magpigil nang todo sa love scene nila ni Solenn at sinabi niyang "sa abot ng kaya" niya?

Bawi ng Kapamilya actor, "Hindi naman, hindi naman. Tinireat ko lang siya in a very professional manner."

Hindi naman ikinakaila ni Paulo na very attractive talaga ang leading lady niya sa movie.

"Yes, Solenn is very... Aside from being very hot, Solenn is also very attractive and very talented."

BIG MOVE. Masasabing naging maganda ang mga break na nakuha ni Paulo pagdating sa kanyang career ngayong 2011.

Mas lalo siyang nabigyang pansin matapos niyang gumawa ng isang malaking desisyon—ang lumipat mula sa GMA-7 papuntang ABS-CBN.

Masaya naman daw si Paulo sa naging desisyon niyang ito.

"I’m very happy. I’m very happy na maganda ang mga nangyayari ngayon.

"My career is starting to flourish," sabi niya.

Kasabay ng paglipat ni Paulo sa ABS-CBN ay ang intrigang may ibang talents ang network na tila nalampasan niya dahil sa kanyang pagpasok.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon daw kasi ay mas marami siyang projects na naka-lineup sa network.

Bukod sa Christmaserye na Ikaw Ay Pag-Ibig, kasama rin si Paulo sa upcoming series na Walang Hanggan.

Pero ayon kay Paulo, "Hindi naman siguro...

"Ano nga yung term, nalampasan? Hindi naman po siguro."

Hindi ba siya nakakaramdam ng animosity sa ibang talents ng ABS-CBN, partikular na sa male stars na posibleng "naagawan" niya ng puwesto?

Ani Paulo, "So far, wala naman po.

"Very friendly naman ang mga kasama kong artista sa ABS, at wala naman silang sinasabing nasasapawan or naririnig.

"Wala po talaga."

Hindi na bago ang intriga na kapag marami at sunud-sunod ang projects ng isang artista, lalo na kapag male star, ay may humahawak ditong mataas at makapangyarihang executive.

Pero depensa agad ni Paulo, "Hindi naman sunud-sunod ang projects ko. Guesting lang siguro.

"At yung sinabi lang naman na projects ko, yun lang din naman ang ginagawa ko sa ngayon.

"I still have to prove myself as an actor to the network at sa audience."

Ano ang magiging reaksiyon ni Paulo kung sakaling siya ang maintriga ng ganito?

"So far, wala pa naman po.

"Kung sakali man po, alam ko naman po, alam naman po namin ang totoo.

"At saka, wala naman pong ganoong nangyayari sa pagkakaalam ko.

"At saka, sa pagkakaalam ko naman po, wala naman akong ginagawang masama.

"Nandito lang po ako para magtrabaho at i-enjoy ang trabaho ko," saad ni Paulo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN