Lovi Poe gets her wish to work with Jericho Rosales; still "happy" with GMA-7

Lovi Poe on working with crush Jericho Rosales: "It’s super great experience. Super galing ni Echo. As in, hands down, galing. Super galing niya."


Noong nagsisimula pa lang sa showbiz si Lovi Poe, madalas niyang sabihin sa mga nagtatanong na isa si Jericho Rosales sa mga crush niya.

Isa rin sa pangarap noon ni Lovi ang makatrabaho ang Kapamilya actor.

Ngayon ay nagkaroon na ito ng katuparan dahil magkasama sina Lovi at Jericho sa Metro Manila Film Festival 2011 entry na Yesterday Today Tomorrow.

Umpisa pa lang ng interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press kay Lovi sa pictorial ng pelikula noong Linggo, November 13, ay hindi na nito maitago ang excitement sa pagsasama nila ni Jericho.

"It’s super great experience. Super galing ni Echo.

"As in, hands down, galing. Super galing niya," sunud-sunod na papuri ng Kapuso actress sa aktor.

Nadadala ba siya sa mga eksena nila?

"Oo, actually, I feel like watching him," sagot ni Lovi.

Hindi rin itinanggi ni Lovi na na-starstruck siya kay Echo.

"Oo, e, ever since," sambit niya.

Nakatrabaho na rin ni Lovi ang isa pang Kapamilya actor na si Jake Cuenca sa pelikulang My Neighbor’s Wife. Kaya tinanong ang young actress kung sino para sa kanya ang mas magaling—si Jake o si Jericho?

"Pareho, e. I mean, they have the same...they are very open in doing something.

"Sa scene kasi, ako, I always listen to what the directors will tell me.

"Then, sila, they openly say something na, ’Can I do this, can I do that?’

"Very refreshing," saad ng award-winning actress.

Nagkabukuhan na rin na si Lovi pala ang nag-request na si Jericho ang makapareha niya sa Yesterday Today Tomorrow.

Nangiti lang si Lovi nang kantiyawan tungkol dito.

Kumusta naman ang pakikipagtrabaho niya kay Echo?

Kuwento ni Lovi, "He’s really good. Super funny siya sa set.

"Tapos, kapag seryoso, wala e...parang natural lang talaga sa kanya.

"He doesn’t need any much motivation or anything."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, wala raw lovelife ngayon si Lovi.

Hirit pa niya na natatawa, "Dating lang... Finally, I’m learning the dating procedure!"

WHOLESOME ROLE. Ayon kay Lovi, magkaibang-magkaiba ang character niya sa Yesterday Today Tomorrow kumpara sa role niya sa My Neighbor’s Wife.

Mas "wholesome" daw ang role niya sa bagong pelikula.

Sabi niya, "Super drama siya. As in, may time na literally, two hours akong umiiyak!

"Ang sakit sa ulo. Paghiga ko, bagsak ako sa bed."

Ikinuwento rin ni Lovi kung ano ang role niya sa Yesterday Today Tomorrow.

"Mag-asawa kami dito ni Echo.

"Pero, may problem kasi ako dito na hindi ko alam kung sasabihin ko sa kanya. Itinatago ko.

"Tapos, mapi-figure out niya."

Wala raw silang love scenes ni Echo sa pelikula.

Sambit ng young actress, "Wala talaga, for a change.

"This time lang, walang masyadong sexy scenes on my part.

"It’s really cool. Finally, I am doing something different naman.

Matatandaang nagkaroon ng isyu sa kanila ng Regal Films producer na si Mother Lily Monteverde dahil sa idinagdag na love scene sa huling pelikula ni Lovi, ang Aswang.

Posible kaya na wala siyang love scene dahil tumanggi na siya this time?

Natatawang sabi ni Lovi, "No naman!

"I guess, I think it’s time to rest for a while.

"I mean, when I was doing Aswang, I wasn’t expecting to do such scenes, di ba? Tapos, yun..."

Pero okay na raw sila ni Mother Lily ngayon.

Ani Lovi, "I understood naman na yung dinagdag na scene, kailangan.

"Gumanda talaga ang movie because of that.

"Super naintindihan ko.

"There wasn’t any big issue naman, wala talaga.

"She knows best. I mean, matagal na siya rito at she knows talaga."

TRANSFER RUMORS. Napag-usapan din ang balitang may offer daw ang ABS-CBN kay Lovi. Pero ang manager ng aktres na si Leo Dominguez ang sumagot para sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Leo, may kontrata pa si Lovi sa GMA-7.

Naging kapansin-pansin naman ang tila alumpihit na pagsagot ni Lovi sa tanong na nangingiti.

"I’m okay naman...I’m okay," matipid nitong sabi.

Kung sakali ba ay open siya for negotiations?

"I don’t know...I don’t know," sagot ni Lovi.

Masaya ba siya sa GMA-7?

"Happy naman ako. I mean, I’m happy naman with my manager. He takes care of me."

Dahil sa naging sagot ni Lovi, napansin ng entertainment press na hindi niya direktang sinagot ang tanong. Kaya tinanong siyang muli kung masaya pa siya sa Kapuso network.

"I’m happy. I’m happy," tugon ni Lovi.

Sa GMA-7?

"Yeah," nakangiti niyang sabi.

"I’m happy. I’m happy with everything."

Ang susunod na project ni Lovi sa GMA-7 ay ang primetime series na Legacy, kung saan makakasama niya sina Heart Evangelista, Solenn Heussaff, at Geoff Eigenmann.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN