Jennylyn Mercado admits relationship with Luis Manzano is now "formal"; confirms Patrick Garcia has non-showbiz girlfriend

Jennylyn Mercado (in photo, with son Alex Jazz) on issue linking her to married men: "Sabi ko nga, kahit hindi totoo iyan, siyempre lumabas din iyan, may mga tao rin na siyempre hindi mo basta-basta mapaniwala kasi iba rin ang takbo ng isip ng tao. Ang gusto ko lang sabihin, e, hindi po nakakatulong sa akin, sa pamilya ko, sa career lalo, na dahil ang pangit sa image ko ang ganun. Saka wala po talaga sa ugali ko ang ganun na papatol sa may pamilya, nakakas


Hindi man diretsahang inamin ni Jennylyn Mercado na sila na ni Luis Manzano, pero ganun na rin ang ibig niyang sabihin nang tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano na talaga ang status ng kanilang relasyon.

"Meron naman siyang lumabas na interview tungkol dun.

"Ang masasabi ko lang, masaya kami.

"Meron na kaming parang formality," medyo alanganin niyang sagot nang kinulit namin tungkol sa kanilang relasyon.

Masasabing sila na nga bilang magkasintahan?

"Parang ganun," pakli nito.

"Basta kaming dalawa, formal na rin yung relationship namin.

"Basta masaya kami at nagtutulungan talaga kaming dalawa."

Tanggap na raw ng kani-kanilang pamilya ang kanilang relasyon, lalo na raw ang pamilya niyang botong-boto kay Luis.

RAYMART & PAOLO. Nilinaw rin ni Jennylyn na ipinagkibit-balikat na lang daw ni Luis ang intriga nitong nali-link siya kay Raymart Santiago at pati kay Paolo Contis.

Parehong kasama ni Jennylyn ang dalawang aktor sa dating drama series nilang Futbolilits.

Saad ni Jennylyn, "Alam naman ni Luis kasi tungkol dun sa mga nali-link sa akin.

"Siyempre, may mga asawa na sila.

"Kaswal lang naman niyang tinanong, e. Nakita naman niya, e.

"Minsan pumupunta siya sa taping ng Futbolilits, nakikita naman niya, e, as in magkakasama kaming lahat sa table with Luis.

"Katabi si Luis, nakikita naman ng mga tao kung paano kaming dalawa. Alam naman nilang lahat yun, e.

"Si Luis naman, sabi niya, ’Obvious naman na meron lang gustong sumira sa ’yo.’"

Kahit nairita si Jennylyn sa intrigang yun, hindi naman daw ito nakakaapekto kay Luis at sa kanilang relasyon.

Sabi ng Kapuso actress, "Hindi naman nakaapekto at all.

"Sabi ko nga, kahit hindi totoo iyan, siyempre lumabas din iyan, may mga tao rin na siyempre hindi mo basta-basta mapaniwala kasi iba rin ang takbo ng isip ng tao.

"Ang gusto ko lang sabihin, e, hindi po nakakatulong sa akin, sa pamilya ko, sa career lalo, na dahil ang pangit sa image ko ang ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Saka wala po talaga sa ugali ko ang ganun na papatol sa may pamilya, nakakasira ng dignidad."

ALEX JAZZ. Ang isa pang ikinatuwa ni Jennylyn, malapit daw si Luis sa kanyang anak na si Alex Jazz.

Pero siyempre, nandiyan pa rin si Patrick Garcia na hindi naman daw nagkulang sa kanyang responsibilidad bilang ama sa kanilang anak.

Excited daw si Patrick para kay Alex Jazz na meron nang endorsement kasama si Jennylyn.

Nakausap nga ng PEP si Jennylyn sa pictorial ng San-Yang Furnitures na ini-endorse nilang mag-ina.

Excited daw si Jennylyn nang kinuha ang kanyang anak na isama sa endorsement ng naturang produkto.

Tuwang-tuwa raw siya nang pinadalhan sila ng kontrata para kay Jazz.

Pero napagkasunduan na raw nila ni Patrick na tama na raw yun dahil ayaw naman nilang ma-expose nang husto ang kanilang anak.

Ayaw raw ni Patrick na maging showbiz ang kanilang anak dahil gusto nilang mag-focus ito sa pag-aaral.

Obvious na excited din si Patrick sa unang trabaho ng anak nila ni Jennylyn dahil dumating pa ito sa pictorial para kumustahin ang bata.

Hindi tiyak ni Jennylyn kung naintindihan na ni Jazz ang kanilang set-up, pero nakikita naman daw nitong kumpleto ang kanyang magulang dahil madalas naman daw ang pagdalaw ni Patrick.

Kahit nandiyan si Luis, at meron na ring non-showbiz girlfriend si Patrick, ipinapakita naman daw nila kay Jazz na nandiyan at kumpleto silang mga magulang para sa kanya.

PATRICK’S NON-SHOWBIZ GIRLFRIEND. Kung malapit din si Jazz kay Luis, nakilala rin daw ng anak ni Jennylyn ang non-showbiz girlfriend ni Patrick dahil minsan ay kasama pa ito na dumadalaw sa kanya.

Pero hindi raw sila nagkikita ng girlfriend ni Patrick dahil nasa kuwarto lang daw si Jennylyn at hindi naman siya lumalabas.

"Pag nagpupunta sa bahay, madalas sa kuwarto lang ako. Hindi naman po kami nagkikita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pag pumupunta si Pat sa bahay, sa kuwarto siya ni Jazz pumupunta, hindi sa kuwarto ko!" natatawang pahayag ni Jennylyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN