Luis Manzano admits real score with Jennylyn Mercado: "Oo, kami na."

Luis Manzano on relationship with Jennylyn Mercado: "It’s formal that we’re together. Yung detalye, ’wag na, hindi ko ibibigay yung detalye. Basta now, it’s formal, mas legal, walang TRO [temporary restraining order], parang ganun lang."


"Oo, kami na."

Ito ang ginawang pag-amin ni Luis Manzano sa estado ng relasyon nila ni Jennylyn Mercado nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa studio ng Showtime kahapon, November 16.

Dagdag ng TV host-actor, "Sabi ko nga, may anniversary na kami.

"It’s formal that we’re together.

"Yung detalye, ’wag na, hindi ko ibibigay yung detalye.

"Basta now, it’s formal, mas legal, walang TRO [temporary restraining order], parang ganun lang."

"Basta, I’m very happy.

"Hindi ko alam kung bakit napapansin ng ibang tao, sila ang mas nakakapansin, medyo mas extra raw yung smile ko.

"Blooming nga daw ako."

Bagamat umaming sila na, tumanggi si Luis na sabihin kung kailan eksakto naging sila ni Jennylyn.

Aniya, "Kung kailan talaga, ayoko nang bigyan ng timeline para kahit paano naman may matira kami sa sarili namin.

"Ang sabi nga namin ni Jen, we’re just waiting for the right moment.

"Ako naman, I’ve been happy naman all throughout.

"Kumbaga, it was just sealing the deal.

"Sinasabi naman namin na dun din kami papunta, it’s only a matter of time, ang daming pinangungunahan pa nga kami."

Ngayong pormal na ang kanilang relasyon, may pagkakaiba kaya noong hindi pa talaga sila?

"Honestly, wala. It’s only a label," sagot niya.

"Sabi ko nga, kaya kami hindi nagmamadali.

"For any labels or any commitment, how we were before is pretty much exactly the same way that we are right now.

"Ngayon lang may label na, but it’s still blissfully happiness."

THE PARENTS KNOW. Nakausap na ba niya ang pamilya ni Jennylyn at na-open na rin ba niya ito sa kanyang ina na si Governor Vilma Santos?

Sabi ni Luis, "Hindi, kasi medyo nakakagulat naman kung magkakaroon kami ng ganung talk.

"Pero alam naman nila and they have been very nice to me since day one, so thank you very much.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kay Mom naman, I think so, na-text ko na sa kanya.

"For example last night, she asked me, ’Are you with Jen?’

"Sabi ko, ’Yes.’ Sabi niya, ’Ok, tell Jen I said hi.’"

Nabanggit din before ni Luis na naipakilala na niya si Jen sa kanyang ina, pero hindi pa talaga nakakapg-bonding ang dalawa.

May plano ba siyang pormal nang ipakilala ngayon si Jennylyn bilang kanyang girlfriend sa kanyang ina?

Ayon kay Luis, "Hopefully they get to spend time together.

"Yung simpleng dinner, kahit walang okasyon.

"Mas maganda yung ganun para hindi busy masyado yung mga tao."

Marami na ring kabiguan sa pag-ibig ang naranasan ni Jennylyn base sa past relationships nito. Ano kaya ang maipapangako ni Luis sa actress-singer ngayong sila na talaga?

"Basta, I just promise to continue... I dunno, ang hirap ng promises.

"Basta I’ll try my best to keep the smile on her face," sagot ng binata.

ANNE ALSO KNOWS. Isa sa itinuturing na best friend ni Luis sa showbiz si Anne Curtis.

Ayon kay Luis, naipakilala na niya si Jennylyn kay Anne.

Kuwento niya, "One time may lakad kami ni Jen, yung pinakasimpleng way, maaga yung lakad namin, so pinasundo ko siya para sunduin ako.

"So, dahil dun, nagkakilala sila, it’s right after Showtime.

"Pagbukas ng kotse ko, nandun si Jen.

"It was very, very brief. Hi-hello lang.

"Nandun rin si Vice, wala pa yatang 10 seconds.

"Sabi nga ni Anne, even before that meeting, she wants to spend time with Jen.

"Sinabi niya sa akin dati na, ’Manzano, hindi mo pa kami napapakilala.’

"Dahil nga sa mga sked, hindi talaga nangyayari."

HOME WITH JENNYLYN? Balitang patapos na ang bahay na ipinapagawa at talagang pinagkagastusan ni Luis. Hindi kaya nagpapagawa na ng bahay ang aktor dahil may kasalan nang magaganap sa kanila ni Jennylyn?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman, matagal-tagal pa yun," nakangiti niyang tugon.

"It’s bound to happen, prepared na rin sa future kaysa sa huli pa.

"Actually, dati ko pa ’yan dapat inasikaso, nagagalit na nga si Mommy sa akin.

"Sinasabi niya na iba talaga ang may bahay, tumira na raw ako dun.

"Matagal nang natapos yung structure, hindi ko lang naasikaso yung interior.

"It’s a very simple eight-bedroom house.

"Malapit na siyang matapos, last two weeks na lang.

"Nandun na lahat ng furnitures, arrangement na lang ang kulang.

"Pero very minimal na lang yung aayusin. Wala nang inaantay pa na in-order."

Dagdag pa ni Luis, "I was very hands-on.

"Although, hindi ako nakakapag-shop, pinadadalhan ako ng mga sample.

"Very masculine yung design, very wide, all windows.

"Pag tumawid kayo ng kalye, makikita ninyo akong naliligo, ganun kakita!" biro pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN