Sarah Geronimo admits to sleepless nights over the showing of her second movie with Gerald Anderson

"May pressure talaga at hindi talaga maiiwasan po... Pero ayun, hindi na rin maganda. Hindi na rin ako nakakatulog gabi-gabi. So, huwag na lang magpapadala sa pressure. Kumbaga, i-enjoy na lang ang mga shooting days. Hindi naman tayo magbibilang ng gross, e, kundi kung gaano karami ang mga taong mapasaya natin," says Sarah Geronimo about the pressure to surpass the box-office grosses of No Other Woman and Praybeyt Benjamin


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sarah Geronimo pagkatapos ng kanyang performance sa All For 1 concert ni Martin Nievera at ng Side A noong Biyernes, November 11, sa Araneta Coliseum.

Laking tuwa ni Sarah na nakasama niya ulit sa stage ang Concert King at ang Side A band.

Ang nasabing concert ang 30th anniversary presentation ng Viva Entertainment, Inc., kung saan isa si Sarah sa itinuturing na prime artists.

Kuwento ni Sarah sa PEP: "Overwhelming ’tong experience na ito.

"Sobra yung kaba ko! Hindi ako makahinga.

"Ito, medyo bumabagal pa ang tibok ng puso ko.

"Pero, I’m very very happy na andito po ako ngayon and I was invited to perform. Siyempre, I’m a Viva artist."

Nararamdaman ba niya ang special treatment sa kanya ng Viva bilang contract star nila?

Sagot ni Sarah, "A, hindi naman...

"Kumbaga, nung nag-uumpisa ako, ganun pa rin ang suporta nila, lalung-lalo na si Boss Vic—all-out support.

"Hindi lang siya manager, parang tumatayo rin siyang pangalawang ama ko.

"Sarap sa pakiramdam na meron kang manager na mapagkakatiwalaan talaga."

WON’T LAST A DAY WITHOUT YOU. Kasunod naming kinumusta kay Sarah ang ikalawang pelikula nila ni Gerald Anderson, ang Won’t Last A Day Without You.

Noong gabing kausap namin siya, hindi pa naanunsiyo na naurong ang playdate ng pelikula nila from November 23 to November 30.

Kuwento ng Pop Princess, "Ayun, malapit na po kaming matapos ng shooting, since malapit na po kaming ipalabas."

Ito marahil ang dahilan kung bakit naurong ang pagpapalabas dahil hindi pa nga sila tapos sa pagsu-shooting, ayon pa rin sa nabitawang pahayag ni Sarah.

Sa social networking sites, marami ang nagpahayag ng kanilang excitement sa pagbabalik-tambalan nina Sarah at Gerald kaya naman marami rin ang nag-aabang sa pagpapalabas nito.

Unang nagkasama ang dalawa sa Catch Me...I’m In Love na ipinalabas noong March 23, 2011.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang nararamdaman ni Sarah na marami na ring nag-aabang sa kanilang tandem ni Gerald sa big screen?

Tugon ng young singer-actress, "I’m more than glad na excited na nga silang mapanood, at ayun nga, nandito kami para pakiligin at patawanin sila."

Kumusta katrabaho si Gerald ngayong second time na nila ito?

"Masaya, tsaka si Gerald, napakagaling talaga niya as an actor, nakikita ko ’yan.

"Every eksena na ginagawa namin, lalo siyang gumagaling," saad ni Sarah.

BOX-OFFICE PRESSURE. Sunod naming inusisa kay Sarah kung nape-pressure siya ngayon dahil dalawa sa Viva-Star Cinema co-production movies ay blockbuster sa takilya.

Ito ay ang No Other Woman, na tinatayang umabot sa P280 million ang kinita; at ang Praybeyt Benjamin, na naka-P320 millon na raw sa unang dalawampung araw ng showing nito. (Source: producers’ publicists)

Saad ni Sarah, "May pressure talaga at hindi talaga maiiwasan po.

"Hindi lang yun, kasi meron din po tayong mga kasabay na foreign movies na malalakas—yung Breaking Dawn tsaka yung Happy Feet 2."

(Muli, nakausap ng PEP si Sarah bago ma-move ang playdate ng kanilang pelikula.)

"Pero ayun, hindi na rin maganda. Hindi na rin ako nakakatulog gabi-gabi.

"So, huwag na lang magpapadala sa pressure.

"Kumbaga, i-enjoy na lang ang mga shooting days.

"Hindi naman tayo magbibilang ng gross, e, kundi kung gaano karami ang mga taong mapasaya natin."

Ano naman ang masasabi niya na marami ang nagsasabing muling nagkaroon ng "awareness" sa Filipino movies ang mga Pinoy at nagbalik na uli ang dating sigla ng Philippine cinema?

"That’s good, talagang manifestations lang ’yan na nag-i-improve na ang ating industry, talagang pinag-iisipan nang mabuti ang mga istorya.

"Katulad ng No Other Woman, ang ganda-ganda ng istorya.

"Ayun, I’m happy for our Philippine movie industry."

WORKING WITH JOEY DE LEON. Sa panayam ng PEP noon kay Joey de Leon, inamin nito ang paghanga niya sa Pop Princess.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa rin daw sa dahilan kaya niya tinanggap ang role bilang ama ni Sarah sa Won’t Last A Day Without You. (CLICK HERE to read related stopr

Ano naman ang reaksiyon dito ni Sarah?

"I’m so happy na nakasama ko si Sir Joey sa pelikula.

"Maganda na yung wala na yung network war.

"Katulad noon si Bossing, meron na rin sila ni Bea, maganda na yung wala nang ganun."

Si Vic Sotto at Bea Alonzo at nagkasama sa Pak! Pak! My Doctor Kwak na ipinalabas noong Abril nitong taon.

Hindi ba siya na-intimidate kay Joey?

Tugon ni Sarah, "A, hindi naman po kasi si Sir Joey, napaka-relax niyang katrabaho.

"Siya yung nagbibigay sa akin ng inputs sa mga adlibs sa eksena. Ang saya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN